ZBS1#9

723 70 2
                                    

Renee

Apat na araw ang nakalipas matapos ang nangyari sa condo ay ibinalita sa akin ni Tyron na umalis na si George ng condominuim building. Kaya naman napanatag na ang loob kong hindi na masalubong o makita pa si George. Pero kahit wala na si George ay pinanatili pa rin ni Tyron ang mga bodyguard.

"Nag-enjoy ka ba sa pag-labas natin?" tanong ni Tyron habang nagda-drive pabalik sa condo.

"Oo, salamat," pasasalamat ko. "Pero napakarami mo namang pinamili para sa akin."

"Well, kailangan mo ang mga damit at sapatos na binili ko dahil sa mga susunod na araw isasama kita sa pupuntahan ko kahit na sa office."

"B-Bakit?" napalingon pa ko rito.

"Walang nakadalo sa kasal natin na kakilala ko, even my parents. Kaya natural lang na ipakilala kita sa kanila."

"P-Pero kailangan pa ba 'yon?" tanong ko. Hindi ko kasi alam kung bakit kailangan pang maraming makaalam na mag-asawa kami dahil alam naman naming dalawa na sa huli ay maghihiwalay rin naman kami. Hindi ko maiwasang malungkot sa katotohanang iyon.

'Sa maikling panahon na pagsasama namin ni Tyron amin ko man o hindi nahulog na ako lubog ko sa kanya nagugustuhan ko na siya.'

"Of course, I have to do that. Mas magiging makatotohanan ang kasal natin kung maraming nakakaalam." saad nito.

'Ano ka ba, Renee ano bang inaasahan mong isasagot niya sayo. Itatak mo sa isipan mo na pagpapanggap lang ang lahat ng ito'

"Are you okay, Renee?"

"O-Oo, medyo napagod lang ako." pagdadahilan ko.

"It's that so, anyway this coming sunday we will going to meet my family. I will formally introduce you to them."

"H-Ha?" gulat na saad ko.

"Gusto ka kasi nilang makilala lalong-lalo na ang mommy ko, she was eager to meet you," nakangiting saad nito na parang napaka-natural lang ng lahat.

Samantalang ako ay dinadaga ang dibdib dahil sa kaba sa sinabi nito.

"Just relax okay, sa mga darating na araw hindi lang pamilya ko makikilala mo kaya dapat lang masanay ka na sa papel mo bilang asawa ko."

'Iyon na nga ang kintatakutan ko ang masanay ako sa pagiging asawa mo dahil baka mahirapan na akong bitawan ka sa huli'

*****

"Nervous?" natatawang saad ni Tyron.

"I-I can't help it." hindi ko talaga mapigilan ang kabahan dahil ipakikilala na ako ni Tyron sa mga Zaavedra.

"Don't worry, they won't eat you alive."

Pumarada na sa mansiyon ng mga Zaavedra ang kotse ni Tyron. Kahit na kinakabahan ako hindi ko napigilan ang humanga sa laki ng Mansiyon ng pamilya Zaavedra.

Naunang bumaba si Tyron sa kotse at lumigid sa gawi ko para pagbuksan ako ng pinto.

"Let's go," inilahad nito ang palad sa akin.

Ilang sandali muna akong napatitig sa nakalahad nitong palad.

"S-Sige," tinanggap ko ang nakalahad na palad nito saka bumaba sa kotse.

Ang init ng palad at higpit nang hawak ni Tyron sa akin ang nagpaparamdam na protektado ako palagi.

"Nasaan sila, Annie?" tanong ni Tyron sa kasambahay na sumalubong sa amin.

"Sa Garden po sila sir."

"Come," aya sa akin ni Tyron papasok sa mansiyon. Ngunit hindi ko magawang maihakbang ang mga paa ko papasok.

"T-Tyron," humigpit ang hawak ko sa kamay nito.

"Hey, relax. Trust me okay," saad nitong nakatitig sa mga mata ko.

Huminga muna ko ng malalim saka tumango kay Tyron.

Pagpasok namin ng Garden ay unang nakita kami ng isang maganda ginang na sa tingin ko ay ito ang ina ni Tyron. Nakangiti itong lumapit sa amin. Pero ako kahit nakangiti ito samin ay ang kinakabahan pa rin ako.

"I'm glad you make it, son," masayang saad ng ginang saka yumakap kay Tyron.

"Of course, mom."

"So, Is he your husband," nakangiting tanong ng ginang habang nakatingin sa akin.

"Yes, mom meet my husband Renee Albano Zaavedra," pakilala sakin ni Tyron. "And hon, meet my mother Lucia Zaavedra."

Lihim naman akong kinilig at bumilis ang tibok ng puso sa pag-gamit ni Tyron nang endearment na 'hon'.

"It's nice to finally meet you, welcome to the family," saad ni Mrs. Zaavedra saka ako niyakap. "Tama nga ang sinabi ng anak kong si Lucas your such a beauty, come," yakag sakin ni Mrs. Zaavedra.

Wala na akong nagawa kundi ang magpatangay rito habang nakasunod naman samin si Tyron.

Ipinakilala sa akin ni Mrs. Zaavedra ang asawa nitong si Mr. Enrique Zaavedra at sa dalawang kapatid pa ni Tyron na hindi ko pa kilala sina Dominic at Weston.

Magandang ang naging trato sakin ng pamilya ni Tyron lalo na si Mrs. Zaavedra. Marami itong naikuwento sa akin tungkol sa kabataan ni Tyron. Hindi nakapagtataka kung bakit napakabuti ni Tyron dahil napakababait nang mga magulang nito. Napakasuwerte ko at nakilala ko ang pamilya Zaavedra.

"Hindi na ba talaga kayo dito magpapalipas ng gabi?" tanong ni Mrs. Zaavedra.

"Hindi na, mom may pasok pa ko sa office bukas, I have an early meeting."

"Okay, lang ang magtrabaho anak pero huwag mong kakalimutang may asawa ka na alagaan mong mabuti ang asawa mo" saad naman ni Mr. Zaavedra.

"Yes, dad so, paano aalis na kami." paalam ni Tyron. "Let's go." aya nito sa akin. Niyakag na ako ni Tyron pasakay ng kotse.

"Mag-iingat sa pagmamaneho, Tyron," dagdag pa ni Mrs. Zaavedra.

"Yes, mom," saad ni Tyron saka kumaway sa mga magulang bago kami umalis. "So, anong masasabi mo sa pamilya ko?" tanong nito habang nagda-drive.

"You have a wonderful family, Tyron."

"You think so."

"Oo, nakaka-inggit ka nga, eh!"

"Hindi mo naman kailangang mainggit sa akin, remember mag-asawa na tayo kaya naman pamilya mo na rin sila," nakangiting saad nito.

'Sana nga na totoong mag-asawa na lang tayo at hindi pagpapanggap lang ang lahat'

Zaavedra Brothers Series 1: The Gentleman Ceo (BXB)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora