ZBS1#15

781 65 4
                                    

Renee

"Ikaw talaga Victor pasimpleng chansing ka rin at may payakap-yakap ka pa," naiiling saad ko nang wala na si Tyron.

"Para yakap lang naman nagselos ka na agad ang damot mo naman saka ano ka ba naman remember ang goal si Tyron ang dapat na nagseselos ang siste pa ata ikaw itong nagselos nakakaloka ka," pahayag nito.

"Hindi naman sa nagseselos ako ang akin lang baka mailang yung tao sayo."

"Hindi ko kasi mapigilan bakla ang gwapo naman kasi ng asawa mo. Ang asawa mo kasi yung tipo ng lalaking hindi mo lang jino-jowa talaga aasawahin mo pa," kinikilig na saad pa nito.

Napapailing na lamang ako kay Victor dahil hindi talaga nito maitago ang kilig nito kay Tyron. Hindi naman kasi maikakailang habulin ng mga babae o binabae si Tyron sa kaguwahan at kakisigan nito idagdag pang mayaman rin ito. Ang suwerte ko lang na aksidenteng nakilala ko ito at maging asawa.

"So, kailan mo naman balak sabihin sa papable mong asawa na hindi naman talaga tayo mag-jowa dahil never naman 'yun mangyayari," saad nito.

"Hindi ko pa alam pero huwag ka nang mag-alala sasabihin ko rin humahanap lang talaga ako nang magandang pagkakataon."

"Well, sa tingin ko mas magandang huwag mo munang sabihin sa kanya hayaan mong isipin niya talagang magkarelasyon tayo," saad nito.

"Pero bakit naman samantalang noong una halos maloka ka nang sabihin kong ipinakilala kitang boyfriend ko." nakakunot-noong saad ko.

"Duh, ano ka ba pagseselosin pa natin iyang asawa mo."

"Sigurado ka bang gusto mo pa rin ituloy na pagselosin si Tyron mukha naman hindi siya nagseselos," saad ko

"Bakla masyado pang maaga para mag-conclude ka wala pa tayo sa climax kung baga sa boxing wala pa tayo sa main event,"

"Ha, ano bang sinasabi mo diyan hindi kita maiintindihan," nalilitong saad ko.

"Basta ako na ang bahala dun, kailangan mo lang gawin ay makipag-cooperate sa akin," nakangiting nito saad.

Tyron

I excuse myself in our table to go to the comfort room but instead i was here in the smoking area of the restaurant.

'I won't deny the fact that I was really freaking jealous to that man, Victor. Gustong-gusto ko na sanang putulin ang kamay nang lalaking iyon dahil panay ang hawak niya sa kamay ni Renee, but I can't I still don't have the rights to do such thing. He still has all the right to hold and touch Renee's hand cause he is his freaking boyfriend and that's the fact that making me upset right now'

Inilabas ko ang isang sachet ng sigarilyo sa bulsa ko saka kumuha ng isa. Hindi naman ako madalas magsigarilyo minsan lang kapag may mga bagay-bagay akong iniisip. Kagaya ngayon nakikita kong masaya si Renee na kasama namin si Victor. The way he smile is really full of life and happiness, kung paano ang mga ito na magkulitan kaya naman hindi ko mapigilang hindi maiingit kay Victor. It is the first time that i feel being jealousy with someone else, kahit noong kami pa ni Diana hindi ako nakaramdam nang sobrang nagselos ako ngayon lang talaga.

Kumpara sa ilang buwan naming pagsasama ni Renee walang-wala ang ilang taong pinagsamahan nito at Victor, pero hindi naman ako agad susuko na lang. Gagawin ko pa rin ang lahat mapaibig ko lang si Renee. I will make him fully mine sounds possesive but what can I do I fall for him.

Pagkatapos kong manigarilyo ay bumalik na ako sa table namin. Habang papalapit ako kay Renee at Victor tanaw ko na masaya ang mga itong nagkukuwentuhan.

Hindi ko lang alam kung talagang sinadya ni Victor na hawakan ang kamay ni Renee. Matapos akong makitang papalapit na sa mga ito.

'Kung puwede ko lang talagang putulin ang mga kamay ng lalaking ito ginawa ko na'

"Ang lambot talaga kamay mo Babe hindi na ko makapaghintay na isuot sa daliri ang singsing na binili ko sigurado akong babagay iyon sayo," rinig kong saad nito nang tuluyan na akong makalapit sa mga ito.

'Sinasadya ba niyang iparinig sa akin gusto na gusto na niyang mabawi si Renee, pero hindi ko 'yun hahayaang mangyari. Simula nang mahalin ko si Renee akin na siya'

"Ehem, if you don't mind. Kailangan na kasi naming bumalik sa opisina." pormal na pormal na saad ko.

"B-Babalik na tayo sa opisina pero hindi ka pa tapos kumain," saad ni Renee.

"Tinawagan ako ni Becca may emergency kasi sa opisina kaya kailangan na nating bumalik," pagsisinungaling ko.

"Ganoon ba," ani nito. "So, paano kailangan na naming umalis," baling na paalam nito kay Victor saka ito tumayo sa upuan ganun din si Victor.

"Nakakalungkot naman na sandali lang tayo nagkasama ngayon, pero bali sa susunod siguradong matagal na tayong magkakasama," saad nito at walang babalang niyakap si Renee.

'Kung hindi lang magagalit si Renee kapag sinuntok ko ang lalaki ito baka nasaktan ko na ito. Hindi lang talaga nakuntento sa hawak ng kamay yumakap pa, pero wala akong magagawa hindi pa tuluyang nagiging akin si Renee kaya kailangan kong magtimpi pa'

"Hindi pa man kayo nakakaalis mami-miss na kita agad babe," malambing na saad pa nito habang nakayakap pa rin si Renee.

"Ikaw talaga ang cute mo," natatawang saad ni Renee saka kumawala sa pagkakayakap ni Victor. "Kailangan na naming umalis at may trabaho pang naghihintay kay Tyron, next time na lang ulit," muling nitong paalam.

"Tyron, please take good care of Renee, pakakasalan ko pa 'yan," nakangiting saad pa nito.

"Don't worry I know what I have to do," nakangising saad ko.

Zaavedra Brothers Series 1: The Gentleman Ceo (BXB)Where stories live. Discover now