ZBS1#27

274 13 1
                                    

Renee

Hanggang sa makauwi kami ni Tyron ay halos hindi pa rin ako halos makapaniwala na parehas pala kami na may feelings sa isa't-isa. Hindi ito isang panaginip lamang.

"Did you enjoy our diner date, sweetie?" nakangiting tanong ni Tyron nang makapasok na kami sa loob nang unit nito habang hawak ang kanang kamay ko.

Hindi ko naman napigilan ang pamulhan ng mukha sa ginagamit na endearment para sa akin ni Tyron na "sweetie". Pagkatapos ng halik na namagitan sa amin na dalawa ay ito na ang itinatawag nito sa akin.

"O-Oo, nag-enjoy ako kaya lang Tyron bakit ba sweetie ang tawag mo sa akin?"

"Because your taste sweet, kaya masanay ka na tatawagin kitang sweetie," tugon nito.

Napakagat labi na lang ako sa tugon na iyon ni Tyron hahayaan ko na lamang ito sa gusto nito at dapat na rin naman akong masanay. Tutal naman official ang relationship naming dalawa hindi na lang kami nagpapanggap pa totoo na ang lahat sa amin.

"Ahmm... Sweetie, can you sleep with me?"

"A-Ano?!" tanong ko baka kasi nagkamali lang ako ng dinig sa sinabi nito.

'D-Diyos ko po hindi ko po alam kung ready na ko sa ganung bagay gusto na ba niya gawin namin yun'

"Don't get me wrong, sweetie. Ang ibig ko lang sabihin ay gusto ko lang na makayakap ka sa pagtulog. I just want to feel you in my arms and I know that your still not ready for that kind of thing."

Hindi ko naman maiwasang pamulahan ng mukha dahil iba pala ang gusto nito at hindi katulad nang nasa isip ko.

'Ano ba naman itong naiisip, kailan pa ko natututong maging green minded'

"Maliban na lang kung ikaw yung unang mag-aaya hinding - hindi kita tatanggihan," nakangising ani nito.

Hindi ko tuloy napigilan ang sarili ko na hampasin ito sa braso.

"Ouch, grabe ka sweetie cariño brutal ka," ani nito habang sapo ang brasong pinalo ko. "But seriously, alam ko na naman na hindi mo yun gagawin na ikaw yung unang mag-aaya. Pero balik ulit tayo dun sa tanong ko kanina sweetie gusto ko lang talaga na makatabi ka sa pagtulog papayag ka ba?"

Napatingin naman ako sa mga mata nito na tila nagsusumamo na sana ay pumayag ako.

'Wala namang mawawala sa akin kung papayag ako tutal matutulog lang naman kami nang magkatabi saka nagawa na rin naman namin yun noong nasa isla pa kami ang pinagkaiba lang wala nang unan na nakagitan sa amin.'

"O-Ok, sige," pagpapayag ko.

Kitang-kita ko ang kasiyahan sa mukha ni Tyron sa pagpayag ko.

"Thank you, sweetie," masayang sambit nito at mabilis na ginawaran ng halik ang aking mga labi. Bahagya pa kong natigilan pero agad din namang napangiti.

******

Napatingin ako kay Tyron habang hinuhubad nito ang suot na coat at necktie. Napalunok naman ako ang isiping nandito ang mismo ako sa loob ng kuwarto nito ang nagbibigay sa akin ng matinding kaba. Kahit alam ko namang wala kaming ibang gagawin kundi ang matulog. Huminga ako ng malalim at umupo sa kama.

Ang guwapo nitong tingnan sa puting long-sleeved polo na suot. Lumapit sa akin si Tyron sa akin pagkatapos ay umupo rin ito sa kama katabi ko. Muli naman akong napalunok at umisod palayo.

"Huwag kang kang matakot sa akin. Wala akong gagawing kahit ano na ikakagalit mo," pabulong na saad ni Tyron.

Tiningnan ko ito at nakita ang sinseridad sa mga mata nito.

"Hindi naman ako natatakot sayo," nakangiting saad ko.

"Ayokong madaliin ang lahat, sweetie. I want you to feel loved and cared for."

Napangiti naman ako hindi ko naman mapigilan ang pagluha sa sinabi nito.

"Huwag ka nang umiyak," pinunasan nito ang aking mga luha. "Matulog na tayo."

Tumango ako at nauna nang mahiga sa kama saka naman sumunod na humiga si Tyron sa aking tabi at tinapik pa nito ang sariling dibdib.

"Lay your head down here."

Umisod naman ako palapit kay Tyron at umunan sa dibdib nito. Niyakap ako nito nang mahigpit at ganoon din ang ginawa ko.

Hindi ko alam kung anong oras ako nakatulog kagabi. Nagising na lamang ako dahil sa mahigpit na pagkakayakap sa akin na halos hindi na ko makahinga. Dumilat ako at narealize na yakap pala ako ni Tyron at nasubsob ang mukha ko sa matipunong dibdib nito. Sinubukan kong gumalaw pero lalo lang na humigpit ang mga braso nito na nakayakap sa akin.

"H-Hindi ako makahinga," nakatingalang saad ko kay Tyron.

"Oh, sorry," nakangiting saad nito bago niluwagan ang pagkakayakap sa akin. "Buti naman at gising ka na past seven na."

"Ano?" mabilis naman na napabangon ako saka tiningnan ang relo na nasa bedside table at nalamang totoo nga ang sinasabi nito. "Bakit hindi mo naman ako ginising pareho tayong malalate nito sa trabaho natin."

"Well I can't help it. Gusto ko pa kasing titigan ka nang mas matagal habang natutulog. You really look like an angel while your sleeping," nakangiting tugon nito.

At nagulat na lamang ako sa hindi inaasahang sunod nitong ginawa inilapit nito ang mukha sa gilid ng leeg ko para halikan ang parteng iyon. Napasinghap naman ako at bumilis ang tibok ng puso ko.

"Tyron!" sambit ko na lamang sa pangalan nito.

"I forgot to say my greetings sweetie, Good morning," saad nito nang may pilyong ngiti sa mga labi.

Inilayo ko na agad ang sarili ko kay Tyron dahil baka may kung anong kapilyuhan naman itong gawin saka ako maingat na bumaba sa kama nito.

"Wait, sweetie you have not said your morning greetings to me."

"Magandang umaga rin sayo, Tyron."

"Iyon na yun wala man lang bang good morning kiss," ani nito.

"P-Pero nahalikan mo na ko di ba."

Napailing naman muna ito bago mabilis na nakalapit sa akin si Tyron at hinapit ako sa aking baywang.

"Tyron, ano ba," ani ko na pilit kumakawala sa pagkakahapit ni Tyron sa akin.

"I want a morning kiss from you sweetie," saad nito.

'Gusto ko rin naman sana itong halikan kaya lang hindi pa ko nagto-tooth brush'

"K-Kaya lang kasi hindi pa ako nagtotooth brush mabaho pa yung hininga ko mamaya na lang pagkatapos ko," nahihiyang ani ko.

"Well, I don't care. Parehas lang naman tayong hindi pa nagtotooth brush kaya ayos lang sa akin iyon," ani nito saka ako hinalikan sa aking mga labi.

Napapikit ako nang maramdaman ang paglapat ng mainit na mga labi ni Tyron sa aking mga labi. He kissed me slowly at first until he became more demanding. Bahagyang lumayo sa akin si Tyron our breathing was ragged.

"I really do I love kissing you, sweetie," nakangiting ani pa nito pagkatapos ay marahang hinaplos ang aking pisngi.


+++++++++++++

Merry Christmas po sa lahat at maraming salamat po sa patuloy na pagsubaybay sa stories ko. Hindi ko po inaasahan na aabot po sa 500 ang followers ko sana patuloy po kayong dumami. Sana po matuwa po kayo sa pagbibigay mukha ko sa magkakapatid na Zaavedra. Creation ko po sila sa Sims 4 hindi ko po alam kung familiar po kayo dun. Salamuch po ulit.

Zaavedra Brothers Series 1: The Gentleman Ceo (BXB)Where stories live. Discover now