ii - text question

15.7K 739 260
                                    

QUIN's POV


Okay, ngumisi sakin si Kim Taehyung. Di ko alam kung ano problema nun. Siguro ganun talaga ang hobby niya, bigla nalang nagssmirk.


Abala ako sa pagaayos ng gamit ko dahil sa wakas uwian na. Nalusutan ko na naman ang isang nakakatangina at nakakabagot na oras sa klase.


"Pres, sasama ka samin kakain?" Tanong ni Lyn, ang representative namin. Maganda siya, kaya nga naging Representative. Sana pala dun nalang ako nag-run, ganda din naman ako eh. *pout eww*


"Nagtitipid ako, Lyn." Tipid ko ring sagot sabay lagay ng mga gamit ko sa bag ko.

"Sama ka na, Quin! Makakasabay kong kumain si Jungkook eh! Sige naaa~" tingnan mo 'to! Kaya pala pinipilit ako kasi siya yung makikinabang. Aba leshe!

"Kayo nalang, 'yoko maging third-wheel." Tugon ko pero di pa rin ako tumitingin sakanya. Busy ako sa pag-aayos ng gamit eh. Alam niyo na~

"Libre naman ni Taehyung eh!"


Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Hindi talaga ako makapaniwala at hindi ako maka-move on sa sinabi niya. OA kung OA pero ganun talaga, wag niyo ko pangunahan dahil character ko 'to.

Pero seryoso talaga siya? Libre ni Taehyung?

Eh hindi pa nga yun nabayad ng 5-pesos na project contribution tapos ngayon manlilibre ng pagkain? Wow naman! Wow lang!


"Ayoko sumama. Enjoy sa paglandi- este sa paglafang. Bye~"

"QUIN!!" Sigaw niya pero that didn't made me change my decision.



*****



Pagdating ko ng bahay, agad akong sumalampak sa couch. Nakataas ang paa sa mesa kahit na nakapalda. Ok lang, sa bahay naman hehe.


"Dito ka na pala." Sabi ni King, kakambal ko.

Babae siya pero King ang true name. Ewan ko din kay author kung bakit.


"Ayy wala pa ako. Picture lang." Bara ko sakanya.


She just rolled her eyes at me then humiga sa sofa, sa tabi ko. 


"Shet, nakita ko si Yoongi kanina!"

"Oh tapos?" Walang gana kong sagot, in-on ko nalang yung TV, kaso in-off ko ulit kasi Ika-anim na utos yung palabas lol.

"Sungit mo, mumshie!" puna ni King sa akin.

"Akala ko ba kay Jimin ka?" tanong ko sakanya.

"Yeah, kaso naguguluhan ako. Si Suga kasi may swaeg, si Jimin naman may abs. Ewan! I'm so confused." Ang drama niya po, pagpasensyahan niyo na ang kapatid ko. Actually, ampon lang ata siya. Kinupkop nila mama sa damuhan kasi kamukha ko, hahaha. K.

"Kay Suga ka nalang." Pagrereto ko pa pero umiling-iling lang siya. Hindi ko rin gets ang takbo ng isip niya. Minsan Jimin, minsan kay Yoongi. So ano, dalawahan? Tsk. Dami talagang unloyal smh.

Wrong SentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon