iii - text sweetums

12.2K 733 311
                                    

QUIN's POV



Ako: Maxie, pwede bang manligaw?


Shet! Tawang-tawa ako sa sarili ko ngayon! Nagkunwari na nga akong lalake, tapos ngayon naman magkukunwari akong may gusto sa Maxie'ng babae 'to? Grabe na talaga ang kalog ko sa buhay. Huehue.

Ilang minutong hindi nagreply si Maxie, pero habang hinihintay ko ang text niya napangisi lang ako.


"Quin, ngingiti mo diyan?"

"Wag kang makealam dito, King. HAHAHA!" tawang-tawa kong sabi.

"Kakambal kita, so I care." drama niya.

Tiningnan ko siya ng maigi. Nu pinagsasabi nito?

Pumalakpak ako, "Galing mo, bhe! Payb tawsan!"

"Lokaret! Tabi nga! Manunuod ako ng episode ng Kindaichi." pagtataboy niya sakin.

HALA. K-KINDAICHI? AS IN YUNG LIVE ACTION?! AS IN YUNG KAY YAMADA RYOSUKE?


"Shet, kambal! Ako din panuod!" sigaw ko.

"Tse! Umalis ka diyan!"

"SHET, ANG GWAPO NI YAMADA RYOSUKE!!" sigaw ko sa tenga niya.

"Alam ko! Shet, kelangan ipagsigawan?" irita niyang sabi tapos in-on na yung laptop. Seryoso na ko sa panunuod ng magring ang cellphone ko.


Agad akong tumayo. Shete, si Maxie na ata 'to.

1 message received.

For loading yesterday, here's your free quote..


EDI WOW! Ang sweet ng SMART noh? Buti pa ang smart naalala ako, eh si Maxie kaya? Im kidding.


1 message received:

Maxie: Bakit mo ko liligawan? Eh hindi mo naman ako kilala.


Sabagay, may point din siya.


Ako: 

Kaya nga kita liligawan para mas lalo kitang makilala eh.

Maxie: Pag nakita mo ko, baka magsisi ka.


Hala, bakit? Panget kaya siya sa personal? Baka serial killer 'to? Or baka drug pusher. Ohmygod. Wag naman sana. Nag-isip ako ng malalim...

"Ang lalim yata ng iniisip mo, Quin. Knowing na ang babaw lang ng utak mo. Huehue." agad kong binato yung throw pillow kay King. Leshe! Paano ko kaya 'to naging kakambal? Biggest mystery.



Ako: 

Okay lang. Kinikilig ako pag katext ka eh.

Maxie: Hindi sa lahat ng oras na kinikilig ka eh inlove ka na, minsan naiihi lang.


Wrong SentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon