iv - confiscated phones

12.4K 724 189
                                    

QUIN's POV


Ako: 

Good morning, bebe ko.

Gising na, babe. May pasok pa tayo, uy.

Maxie: Hi, Rain. Good morning too.


Ay sa wakas nagreply na! Kulang nalang i-flood ko siya ng message eh hehe. Nakakagat ako sa isang toasted bread habang nagrereply dito sa katext kong ito na madaling mauto. Sinapian ako ng dakilang espiritu ng kalokohan ng mga panahong iyon kaya ko ito nagagawa eh.


Ako: Eat ka na ng breakfast, babe.

Babe? Yuck! Eww! Kung pwede lang ibuga yung kape-gatas na ininom ko, kaso sayang so wag na. Kopiko 78 pa man din 'tong iniinom ko.


Maxie: I'm already eating. Thanks for the reminder tho.

Ako:

  Oh good. Ako kasi di pa kumakain e. :---(


Ajujuju! Paawa effect muna tayo. Para naman sweet message din ireply niya. Huehue. Lakas tama talaga ako. Kung ano-anong trip sa buhay ang ginagawa ko eh! Jusme! Kaya wag kayong magpupuyat, ganito nagagawa ng kulang sa tulog. HAHAHA

Ini-expect ko na sweet message like, "Ah talaga? You eat na din, Rain." O kaya "Subuan kita, u want? Ahihihi" ang irereply nya kaso...


Maxie: Ah. K.


Tang--na! Nabilaukan ako nung kinakain kong tinapay. Hanep na Maxie 'to! May puso pa ba 'to? Hindi man lang ata 'to tinubuan ng sweet bone sa katawan! Hindi siya magaling magpakilig ng lalake eh! Kaya siguro NBSB. Juice colored! Now I know!

Okay, isa pang hirit.


Ako: Ingat sa pagpunta sa school ah? :) :*

Hehe Alam ko na irereply niya, it's either "Aww, you too." O kaya, "Sweet mo naman. Ingat ka din ah." But then...


Maxie: Sure.


YUNG TOTOO?! Manhid ba ang babaeng 'to? Ako kapag may nanliligaw sa'kin sa text todo-bigay ako eh! Pero yun nga hanggang ligaw lang. Strict kese eng parents ke. Ay ewan! Suko na ako sa babaeng 'to! Hindi man lang tinatamaan ng kilig eh. Asan yung thrill dun? Ayy naku!


*****



I swear to all gods, the old and new (yiee lakas maka-game of thrones) mamumuti agad ang buhok ko dahil sa pagiging class president ko. Stress na stress na ako sa kapasawayan ng mga kaklase kong madadaldal, malilikot at walang disiplina.


"MGA LESHE KAYO! UMUPO KAYO SA PROPER SEAT NIYO! PAG BIGLANG DUMATING NA NAMAN ADVISER NATIN, AKO NA NAMAN ANG LAGOT EH!" sigaw ko sa unahan. Abang mga lesheng kaklase ko kasing 'to! Hindi na natigil sa kakadaldal at kakalipat-lipat ng upuan. Buti kung sila napapagalitan e hindi naman. I-discipline's office ko sila eh.

Nakita ko ang mga kaklase ko na nakatingin sa may bintana. Jusme! Sinabihan ko nang umupo na eh! Pagtingin ko sa labas, aba si Yoongi kasi pala nakatambay sa labas.


"MGA HALIPAROT NA 'TOOOO! TINGIN PA KAYO SA LABAS TATAKPAN KO NG TELA YANG BINTANA AT NANG HINDI NIYO NA MAKITA YANG PINAPANTASYA NIYONG ENGKANTO! ANO?! FIRST TIME NYO MAKAKITA NG GANYAN KAPUTI?  WAG KAYONG MAG-ALALA, REREGALUHAN KO KAYO NG GLUTA, 1000 YEARS SUPPLY! MGA GAGO!"


Nakinig naman yung iba at nagsitahimik na, yung iba namang walang kadala-dala.

"SINABI NANG MAG-BEHAVE EH!" isa pang sigaw ko, mapapatid agad vocal cords ko dito.


"Relax lang, Pres! HAHA" asar sakin ni Nico. Pesteng lalakeng 'to.

"HOY, NICO! IKAW KASI ANG SERGEANT AT ARMS SLASH DISCIPLINARY OFFICER NG CLASSROOM! BAKIT HINDI IKAW ANG MAGSAWAY SAKANILA?! IKAW PA ANG PASIMUNO EH! ANAK KA NG BULLDOG AT SHIH TZU! BULLSHIT!" sigaw ko sakanya. Beastmode na ako talaga

"Ang ingay mo, Pres! O maglista ka dito sa List of Noisy Students. Magbabayad ka ng 20pesos. " natatawa pang sabi ni Karen, ang woman disciplinary officer ng klase, partner ni Nico sa position na yan.

"Baka gusto mong gawin kong 40 ang ibabayad ko pero ididiretso kita sa Supreme Council Office? Corrupt ng babaeng 'to! Tabi ngaaaa!" inis kong sabi saka bahagya silang tinulak.


Pumunta na ako sa upuan ko at kinuha ang cellphone ko.


Maxie: Always have patience. Life is a chaos and the only shield you have is patience. Have a good day everyone. Who's not busy? Text me up. GrpMsg ~Maxie<3


Aba wow! Sumakto pa itong GM ni Maxie sa sitwasyon ko. Kailangan ko talaga ng pasensya sa mga ugok kong klasmeyt. Hayy.


Ako: Hey.


Saktong pagsend ko, dumating na ang teacher namin. Galing naman talaga ng tadhana mag-timing. 


1 message received.


Wow! Ang bilis niya magreply ngayon ah.


Maxie: Hello, Rain. I'll text you later. Andito na kasi teacher namin eh.


Ohhhhkay. Medyo weird. Nasakto na naman kasi na kakapasok lang din ng teacher namin tapos ganun din sakanila Maxie. Ito na ba ang tinatawag na destiny? Ajujuju. Dami ko alam. Huehue

Patago akong nagtatype ng pangreply kay Maxie.


Ako: Ok. Have a fun day at school, babe. :* :)


"Quin, hand it over."

SHIT. FUSCHIA! Ano daw? Anong iha-hand over ko? Wala po akong kasalanan. Inosente po ako. Wala po akong drugs. Wag niyo po akong i-EJK. Parang awa niyo na! Tumingin ako sa teacher namin na kanina pa pala nakatingin sakin.Ay hanep naman oh! Kapag minamalas ka nga naman!

At bago ko ibigay yung cellphone ko, I clicked send.

I was about to give my phone nang may nagring na cellphone sa loob.


Agad akong tumingin sa likod, dahil nandun galing yung tunog.

K-kaninong cellphone yun? Nandito kaya si Maxie? Kaklase ko kaya siya? May kaklase ba akong may pangalan na Maxie?

Biglang nagsalita yung teacher namin,



"Mr. Kim. Hand your cellphone as well. Bilis na, Taehyung." tapos lumapit siya kay V.

TEKA! KAY TAEHYUNG BA YUNG CELLPHONE YUN?!

DOUBLE SHT.

Wrong SentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon