020

143 14 216
                                    

Warning: This chapter contains mature scenes and effects that are not suitable for young audiences. Read at your own risk.

———

INDIGO


"So... you're okay with this?"


Tumango ako sa tanong ni Zyron. Naka-uwi na kami at nasa condo na dahil pagkatapos ng breakfast naming magkakaibigan ay nagsi-uwian na kaming lahat. Hanggang ngayon naman ay gulat pa rin si Zyron sa nangyari kanina.


Iyon ang ginawa ko kagabi nang hindi pa ako nakakatulog. Dahil tatanga-tanga ako tuwing inaantok ay nagawa kong i-post 'yon nang walang pag-aalinlangan, at masaya akong ginawa ko 'yon dahil so far ay puro "kinikilig" na comments ng fans ang nakikita ko.


"Okay lang ba kina Kuya RJ? Dapat pala nagpaalam muna ako sa kanila," nag-aalalang sabi ko. Hindi ko naisip na baka hindi sila payag sa ganito.


"No, they're okay. Nag-text na sila sa'kin kanina," tugon ni Zyron na nakatayo sa harap ko habang ako'y nasa sofa.


Dahan-dahan akong tumango at tumingin sa kaniya. "Ikaw? Okay lang sa'yo?"


"Are you serious?" tanong ni Zyron at umupo sa tabi ko para hawakan ang parehas kong pisngi. "Baby, you made me so happy."


Ngumiti ako. Unti-unting lumapit ang mukha niya hanggang sa mahalikan niya ang labi ko. Napasandal pa ako nang tuluyan sa sofa nang itulak niya ako roon. Nang pakawalan niya ako ay hingal at hinahabol ko na ang sariling hininga.


"Sabay tayong pumasok bukas," alok niya at sumandal din sa sofa.


Liningon ko siya. "Sa Revista tayo bukas, 'di ba?"


Tumango lang si Zyron at ngumiti sa'kin. Last day na ng shoot namin kasama ang Revista bukas. Tatlong buwan din ang nagamit ko sa pakikipagtrabaho sa kanila. Hindi ko masasabing maganda ang naging experience dahil irita ako sa kanila half of the time, pero at least ay matatapos na.


Kagaya nang napag-usapan ay sumabay ako kay Zyron kinabukasan. Nang makarating kami sa studio ay medyo kinabahan pa akong bumaba mula sa sasakyan dahil ngayon lang ako magpapakita sa maraming tao simula kahapon. Kasama ko pa si Zyron!


"Kinakabahan ka?" natatawang tanong ni Zyron nakatingin sa kamay kong mukhang nanginginig pa.


"Hindi," tanggi ko at inipitan ang buhok ko para malayo ang kamay mula sa paningin niya. Pang-asar, eh!


"Relax, babe," tumatawa pa ring sabi niya at nag-alis ng seat belt. "Let's go."


Huminga muna ako nang malalim bago bumaba ng sasakyan. Hinawakan kaagad ako ni Zyron sa bewang at kasabay no'n ay ang paglapit ng guards para i-escort kami papasok sa studio. Dumami kasi bigla ang mga taong nasa labas na talagang sumusunod pa sa'min. Ang dami masyadong fans nito!


"You okay?" pangungumusta sa'kin ni Zyron habang hinuhubad ang shades niya nang makarating na kami sa studio.


"Ang dami mong fans! Kinabahan ako!" hinihingal na sambit ko na tinawanan naman niya. Napatakbo pa ako nang slight dahil ang daming humabol sa'min. Ang intense!


Heartbreaker (VBoys Series #2)Where stories live. Discover now