008

183 28 86
                                    

INDIGO


["Sure ka? Pupunta ka rito?"] tanong ni Eunice.


Sinabi ko kasi sa kanya na pupunta ako roon sa resort para dalawin sya. Bakit?


Gusto kong umiwas.


Isang linggo na ang nakalilipas noong halikan ako ni Zyron. Simula noon ay hindi na ako mapakali at ilang beses kong sinubukang pakalmahin ang sarili ko, pero hindi ko kaya. Kailangan ko ng makakausap. Kailangan ko si Eunice.


"Dadalaw lang naman. Hindi ako dyan matutulog." sabi ko. Sa pagkakaalam ko ay pang-siyam na araw na nila roon ngayon.



["Sige. Text me when you're ready. Susunduin kita."] aniya bago binaba ang tawag.

Nang maputol ang linya ay dahan-dahan kong binaba ang phone mula sa tainga ko. Iniisip ko kung tama ba ang desisyon ko na umiwas kay Zyron imbis na klaruhin ang nangyari sa'min kahapon. Feeling ko nga ay umiiwas din sya dahil hindi nya naman ako tine-text o tinatawagan.


Bumuntong-hininga lang ako. Tumayo na ako para magsuot ng maayos na damit. Sling bag lang ang dinala ko dahil hindi naman ako magtatagal doon. Kailangan ko lang talaga ng makakausap.


Dahil malayo ang resort na 'yon ay kailangan pa akong sunduin ni Eunice. Mahihirapan daw kasi ako kapag bumiyahe pa.


In-expect kong makita si Eunice nang buksan ko ang backseat door ng itim na sasakyang pumarada sa tapat ng bahay namin, pero nagtaka ako nang makita si Jaiden lang ang naroon.


"Hey," nakangiting bati nya.


"Hi," bati ko pabalik. "Si Eunice?"


"I told her to stay. She's... been through a lot lately." pilit na ngiti nya.


Hindi na ako nagtanong pa dahil baka mairita na sya sa'kin. Tumango na lang ako at nanatiling tahimik. Hindi rin naman kasi madaldal 'tong si Jaiden. Tapos kapag naman umimik, English pa. 'Wag na lang.


Ilang oras din ang biyahe kaya nakatulog din ako. Nagsuot kasi ako ng earphones habang nasa sasakyan, pero syempre nagpaalam ako kay Jaiden na matutulog muna dahil baka ma-offend sya kapag basta lang akong nagsalpak ng earphones.


Nang makarating kami ay nag-park na sya. Naglakad kami papunta sa entrance at kakatapak ko pa lang sa loob ng resort ay agad na sumalubong sa'kin si Eunice.


"Indigo!" sigaw nya at sinalubong ako ng yakap. Niyakap ko rin sya pabalik at nang kumalas ako ay bumaling sya kay Jaiden. "Thank you."


"Anytime, love," nakangiting tugon ni Jaiden. "Doon na 'ko." turo ni Jaiden sa isang direksyon. Nang tanguan sya ni Eunice ay hinalikan nya muna ito sa noo bago naglakad paalis.


"Sana all." naiinggit na sabi ko. Inirapan lang ako ni Eunice kaya natawa lang ako.


Umupo kami sa loob ng isa sa mga cottages na nandoon. Kinuhanan nya pa ako ng chichirya at softdrinks para may makain ako.


"Anong chika mo?" agad na tanong nya.


Umirap ako. "Dumalaw lang ako, ibig sabihin may chika na?"


"Of course. Tsaka mo lang naman ako pupuntahan ng ganito kalayo kapag may problema ako o may problema ka," sabi nya at uminom ng softdrinks. "Come on. Talk."


Napalunok ako. Talagang kilala na ni Eunice maski ang mga kilos ko. Ano pa bang maiitago ko mula sa kanya?


"Ano kasi..." usal ko, hindi malaman kung paano ko sisimulan ang kuwento. "T-There's this guy..."


Heartbreaker (VBoys Series #2)Where stories live. Discover now