017

169 24 279
                                    

INDIGO


"Kumusta ka?"


Napatingala ako kay Eunice nang itanong nya sa'kin 'yon. Sandali akong tumulala bago pilit na ngumiti.


"Ewan ko rin," sagot ko at tumawa ng peke. "Ang gulo na."


Umupo sya sa harap ko at inabot ang aking kamay. Nang mapatingin ako sa kanya ay nakatingin na sya sa mga mata ko.


"Ano ba kasing nangyari?" malumanay na tanong nya. "Why did you have to break up with him?"


Kinagat ko ang ibabang labi ko. Maalala ko lang ang nangyari ay parang gusto ko na uling umiyak. Sariwa pa rin ang sakit na naramdaman ko noong araw na 'yon. Hindi 'yon madaling kalimutan.


Hindi sya madaling kalimutan.


"I had to," simpleng sagot ko.


"Why?" muling tanong nya.


"Mahal sya ng kapatid ko." sagot ko at ngumiti ng mapait.


"So?" kunot-noong tanong nya. "Does that mean hindi na puwedeng maging kayo? Is that a valid reason para hiwalayan mo sya?"


"Eunice," tawag ko sa pangalan nya dahil nagsisimula na syang mainis.


"Sorry, Indigo, pero hindi ko maintindihan, eh. You could've stayed together kahit gusto sya ni Ate Ingrid. Kahit naman hiwalayan mo si Zy, ikaw pa rin ang pipiliin nya, hindi ang kapatid mo," sunod-sunod na sabi nya, dismayado. "You didn't even let him have his say."


Natahimik ako sa sinabi nya. Hindi ko itatangging tama si Eunice. Wala akong sapat na rason. I was unreasonable.


I always have been.


Nanatili akong tahimik. Wala akong masabi dahil alam kong walang makakaintindi. Wala rin namang ibang dapat makarinig ng mga rason ko kung hindi si Zyron, at wala akong ibang pagpapaliwanagan kung hindi sya. Sya lang.


"Maghapunan ka na." rinig kong aya ni Mama.


Ilang linggo na ang nakakalipas, pero ni isang beses ay hindi pa namin napag-usapan ang nangyari noon. Kahit noon, wala pa rin silang balak ayusin ang mga problema nila. Namin.


Nakakapagod. Nakakawalang-gana.



Nang matapos akong kumain ay dumiretso lang ako sa kuwarto ko. Sa mga nakaraang araw ay wala na akong ibang ginawa kung hindi ang magmukmok at isipin lahat ng katangahang ginawa ko sa buhay. I fet hopeless.


Bumalik ako sa realidad nang makarinig ako nang mahihinang katok sa pintuan ko. Taka naman akong napatingin doon, iniisip kung sino ang nasa likod ng pagkatok.


"Pasok." aya ko.


Dahan-dahang bumukas ang pinto at doon ko nakita si Ingrid na nakasilip. Nagulat ako nang makita sya, pero agad din akong nakabawi.


"Can I borrow your phone charger? Mine's broken." tipid na paalam nya.


Napatango ako. "Kunin mo lang. Nando'n sa drawer ko."


Humakbang sya papasok ng kuwarto at lumapit sa drawer na itinuro ko. Nang makuha nya na ang hinihiram ay tumalikod na sya at lalabas na dapat ng kuwarto ko nang may maisip ako kaya agad ko syang tinawag.


"Ate,"


Napatigil sya sa paglalakad. Sandali syang natigilan bago ako hinarap. Hindi sya sumagot, pero nagtatanong ang kanyang mga mata.


Heartbreaker (VBoys Series #2)Where stories live. Discover now