E I G H T E E N

6K 343 26
                                    

I had been waiting for Ville to come home since the moment he went out from the door of the cabin. I was damn worried about him that I couldn't even sit properly on one of the cabin's sofa. I was walking back and fort while I keep glancing at the door wishing that the damn attorney would finally come home. Pero dumilim na lang at lahat-lahat ay wala pa ring Ville na umuwi.

Mas lalo akong dinumog ng kaba. Napapahawak na ako sa dibdib ko, kinakapa kung maayos pa ba ang puso ko. While waiting for him in worry, I decided to call Phaebe and the others to seek for help. I really need their help right now. Who knows what that damn attorney was doing at this moment. Lalo na't nakakakaba ang huli niyang sinabi bago siya tuluyang umalis ng cabin.

Dali-dali kong dinial ang number ni Harriet. Mabuti na lang at agad niya itong sinagot.

"Hello? Nik? Why?" bungad niya sa akin mula sa kabilang linya.

"Yet! May problema ako! Malaking malaking problema!" wika ko saka pabalik-balik na naglakad.

"What? Anong problema? Teka, sandali tatawagin ko lang si Evans at pupunta kami diyan! Ano bang nangyari kasi?" tanong niya saka narinig ko ang pagtawag niya sa kay Evans.

"Pwede ba, Yet? Kumalma ka nga! Ayos lang ako. Kailangan ko lang talaga ang tulong ninyo ngayon. Lalo na si Evans. Kailangang kailangan ko ang tulong niya," saad ko.

"Bakit? Ano ba kasi ang  nangyayari? Pinapakaba mo naman ako, eh! Teka-- Evans?! Puntahan natin si Nikki doon sa cabin nila ni Clad. Kailangan daw niya ng tulong. Ewan ko kung anong tulong kasi hindi naman sinasabi ng gaga-- pero tara, puntahan natin, dali! (W-What? W-Wait I'm still peeing, mahal!) " rinig ko ang ingay ng dalawa mula sa kabilang linya.

My nervousness and worries somehow faded because of their noises. But still, I need Evans's help right now.

"Ano kasi si Ville hindi pa rin umuuwi. Nag-aalala na ako. Kanina pa ako naghihintay pero wala pa rin talagang anino ni Ville ang nauwi rito sa bahay! Kanina pa iyon, eh! Madilim na pero wala pa rin siya! I'm worried. I was just going to ask Evans if he knew where that damn attorney is?" saad ko.

Rinig ko naman ang pagbuntong hininga ni Harriet.

"Akala ko naman kung ano na! Ikaw talagang babae ka, pinapakaba mo ako! Teka tatanungin ko si Evans. Tsaka pupunta na rin kami diyan para may kasama ka. Tawagan mo na rin ang iba para naman mas marami tayo diyan sa cabin niyo ni Clad," wika niya kaya napatango ako.

Iyon naman talaga ang plano ko, eh. Gusto kong pumunta rin sila dito sa cabin para marami kaming mamomroblema sa pagkawala ng gagong attorney. Aba, malay ko ba kung ma-murder na iyon dahil sa mga kalaban niya. O baka na-hostage na o kaya na-kidnap. Or worst na-salvage! Kawawa naman siya kung ganoon!

"Evans, Nikki asked me if you knew where Clad is? She's worried. Hindi pa raw umuuwi si Clad. (Yeah, I heard that he has something important to do. I don't know what it is but I kind of had the idea now. Just tell Nikki to not worry about that jerk, he's so damn fine.) Okay! Nik? Are you still there? Did you heard what Evans said? Ang sabi niya wag ka na raw mag-alala, Clad's going to be fine. And, oh-- Evans, tara na pumunta na tayo sa cabin nila!" rinig kong saad ng mag-asawa.

Napabuntong hininga na lamang ako saka napapatango kahit alam kong hindi naman nila nakikita. Dahan-dahan akong naupo sa sofa at pinakalma ang sarili ko.

Wala naman kasing nakapagsabi sa akin na ganito pala ang pakiramdam nang may kasama ka sa bahay tapos gago pa. Para kang mamamatay kakaisip kung napaano na ba sila sa daan o sa pinuntahan nila? O kung nawawala ba sila? O baka may ginawang masama sa kanila ang mga masamang tao! Jusko, Ville! Mapapatay kita ng maaga!

Heart in Caution (Heart Series #1)Where stories live. Discover now