T H I R T Y - O N E

5.7K 278 17
                                    

After our tragic rendezvous, I still haven’t gone to a deep sleep yet. I was still bothered by everything. Every words still managed to brought me nightmares. I was left livid with deep cuts. But realization hit me. What Ayen said was a fact. It struck me with a knife but I couldn’t hide the fact that she was right. And all I could do to ease the pain of these tragedy is acceptance.

Napabuntong hininga ako habang nakatingin sa labas ng glass wall ng condo unit ko. I was leaning on the glass wall as I sipped on my milk. Hanggang ngayon ay binabagabag pa rin ako ng mga nangyari.

I sipped on my milk again nang mapagtantong ubos na pala ang gatas. Napailing na lamang ako saka muling bumuntong hininga. Tumalikod na ako mula sa pagtingin sa labas ng building saka tumungo sa kusina upang ibalik ang mug ko. Hinugasan ko ito bago ibinalik sa mug tray.

“Bakit tila malalim ang iniisip mo simula kagabi? May problema ba?” Bahagya akong napaigtad nang marinig ang boses ni Nivia mula sa likod ko.

Nilingon ko siya. Tumikhim ako. “May nangyari lang kagabi na hindi namin inaasahan.”

“At ang nangyaring iyon ay malaki ang epekto sayo?” wika niya pa.

Tumango ako. “Oo.”

She sighed. “Tsk. Kumain na nga lang muna tayo. Nag-bake ako ng cake at cookies dahil wala naman akong ibang ginawa rito kagabi. Kainin natin.”

Tipid akong ngumiti saka tumango. Sumunod na ako agad sa kanya nang tumungo siya sa reef. Tinulungan ko siyang ihain ang mga cookies at ang cake na ni-bake niya saka inilagay sa mesa sa hapag-kainan.

“So, how was Nicco last night? Tulog na siya nang maabutan ko. Hindi ba siya umiyak?” tanong ko.

Umiling siya. “Hindi naman. Pero hinahanap ka. Sinasabihan ko na lang na may lakad ka at dadalhan mo siya ng pagkain kaya natahimik at ayon natulog.”

I nodded as I cut the cake and placed a piece on my plate and take a bite. It’s delicious. Just enough for my taste.

“Plano kong lumabas ngayon. Gusto mong sumama? I’ll go to the mall,” I said.

“Hmm. Sige ba. Wala rin naman tayong ginagawa dito sa bahay,” sagot niya.

“Hmm. Naisip ko rin na ilakad si Nicco. Pumunta tayo sa mga magagandang lugar dito sa La Seriah. Para naman ma-enjoy natin ang bakasyon dito. Babalik rin naman ako agad sa California,” wika ko habang ngumunguya ng cake.

“Kailan naman ang balik mo sa California? Ang bilis naman yata,” wika niya.

Bumuntong hininga ako. “Hindi ko pa alam kung kailan pero babalik din kami agad doon. Tsaka alam mo naman ang reason kaya kami pumunta rito, diba? Eh, iyon naman pala, hindi totoo.”

“Sabagay.” Kibit-balikat niya.

“Eh, ikaw ba? Hindi ka ba babalik sa France?” Baling ko sa kanya.

Kita ko ang pagbago ng emosyon niya. Mula sa maaliwalas ay bigla siyang natabunan ng dilim, lungkot, poot at sakit. Kating-kati na akong malaman ngunit ayoko naman na pilitin siya kung ayaw niya pang sabihin.

She breathed out. “Hmm… hindi pa siguro ako babalik doon. Siguro, kung papayag ka, sasama ako sayo sa California.”

Napatingin ako sa kanya nang may pagtataka. “Sigurado ka? Sasama ka sa akin? Well, maganda naman kung sasama ka para naman makita mo na nang personal ang bar ko. Tsaka, sinasabi ko sayo mabubuti at mababait ang mga tao doon. Favor na sa akin iyan, noh!”

Heart in Caution (Heart Series #1)Where stories live. Discover now