Kabanata 15

1.1K 33 0
                                    

Krissa's POV

I slammed the door loudly and lay down on my bed. Tuloy-tuloy lamang ang buhos ng aking luha sa aking pisngi.

I can't believe this!

My mom fooled me just for money!

Now, I realized na hindi niya talaga ako mahal. She doesn't even care kung anong mararamdaman ko, dahil mas importante sa kanya ang paghihiganti sa pamilya ni Sunny.

I sighed deeply. I stare at my hands for a few seconds.

Nakapanakit ako ng inosenteng tao, nabahiran na ng dumi ang mga kamay ko. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko.

Should I say sorry for ruining Sunny's life? Should I stop my evil deeds?

Siya ang dapat na natutulog sa malambot na kama, siya dapat ang nandito sa mansyon. Hindi kami karapat-dapat na manatili dito ni mommy.

And my father, I thought hindi niya ako mahal. I thought si Remus Mendez ang tatay ko na piniling iwan kami ni mommy para kanila Sunny at sa mama niya.

Si Andres Villamor pala ang tunay kong ama, abot-kamay ko na pala siya tapos hindi man lang pinaalam sa akin ni mama.

May tatay pala ako.

I just wanted to be loved! Mahirap bang mahalin ang isang tulad ko na naghahangad lamang ng pagmamahal mula sa aking mga magulang?

Pagak akong natawa bago marahas na pinunasan ang aking luha.

Kaya siguro ayaw sa akin ni Hunter, isa lang naman akong babae na kulang sa aruga. Naghahanap ng atensyon para punan ang pangungulilang nararamadaman ko mula sa aking ina.

Maybe he's right.

I should forgive and love myself first.

Dali-dali akong bumangon sa aking kama at kinuha ang aking malaking maleta. Nagtungo ako sa aking walk-in closet at kinuha isa-isa ang aking mga damit.

Kailangan kong magpakalayo-layo rito.

Basta ko na lamang isinalpak ang mga damit na nahahagip ng mata ko sa loob ng maleta. Wala akong pakialam kahit magulo ito, ang importante ay makaalis na agad ako.

Kinuha ko ang aking jacket at nagtungo sa cr para kunin ang hygiene kit ko. Paglabas ko ng banyo ay nagtungo ako sa aking vault at kinuha ang mga pera.

Matapos kong mag-empake ay dali-dali kong hinila ang aking maleta palabas ng kwarto.

Wala na sa sala sina mommy at ang papa ko kaya madali akong nakalabas ng mansyon. Akmang bubuksan ko ma sana ang pintuan ng kotse ko ng may mapagtanto.

Hindi pala sa akin ito, regalo ito ng papa ni Sunny sa kanya. Mapait akong napangiti bago ito talikuran.

I should take a bus para hindi nila ako madaling mahanap.

Nang dumaan ang tricycle sa aking harapan ay agad ko itong pinara. Nagbayad ako ng one hundred at nagpababa sa pinakamalapit na terminal.

Pumila ako sa ticket booth at bumili ng ticket papuntang Ilocos. Pag-akyat ko ng bus ay agad kong ipinakita sa konduktor ang ticket ko kaya pinapasok niya ako.

Pinili kong maupo sa mismong harapan ng bus para hindi ako mahirapan sa pagbaba. Isinandal ko ang aking noo sa bintana ng bus habang tahimik na lumuluha.

I need to do this to heal myself.

Breath in, Breath out.

Kaya ko to!

Ilang saglit lamang ay umandar na ang bus. Tahimik na tinatahak nito ang madilim na daan sa kalsada. Patulog na rin ang mga tao at sobrang tahimik.

Naramdaman ko ang pagvibrate ng aking cellphone sa bulsa kaya agad ko itong kinuha at pinatay.

I don't want to answer those calls dahil mas lalo lang akong hindi makakapag-isip ng maayos.

Ipinikit ko ang aking mga mata at akmang matutulog nang biglang malakas na prumeno ang bus kaya lahat kami ay tumilapon.

Narinig ko ang reklamo ng mga pasahero ngunit ang mas nangibabaw ang sunud-sunod na putok ng mga baril.

Agad na nagsiyukuan ang mga tao sa loob ng bus ngunit hindi pinalad ang iba dahil natamaan sila ng bala.

Nanginginig ang aking kamay ng muli kong damputin ang aking cellphone ngunit napasabunot ako sa sariling buhok ng makitang low battery na ito.

Sino ba ang mga nagpaputok? Mga terorista ba sila?

Please lord wag naman po sana.

Gusto ko pang mabuhay.

Gusto ko pang linisin ang kaluluwa ko.

Gusto ko pang magkapamilya

At gusto ko pang......

"Hey baby, Krissa. Did you miss me?" Nanlamig ang buong katawan ko ng marinig ang isang pamilyar na boses.

Hindi ako pwedeng magkamali.

Dahan-dahan kong iniangat ang aking ulo upang makita ang kabuuan niya.

Napasinghap ako ng mapagtantong tama nga ang nasa isip ko.

"S-stanley?" Pabulong kong saad.

Iniluhod niya ang kanyang isang tuhod bago ialok sa akin ang kanyang kanang kamay.

"That's right, baby. I'm glad because you still remember me. Your future husband is back." Nakangisi niyang saad.

Oh no! The psycho mafia is back!

A/N: Krissa's story is entitled His Broken Possession. Iuupdate ko siya once na matapos ko ang story ni Hunter at Sunny

Ruthless Men Series #1: Captured and TaintedWhere stories live. Discover now