Kabanata 57

829 20 1
                                    

Sunny's POV

Pagpasok ko sa kwarto ay pabagsak kong isinara ang pinto. Marahas kong pinahid ang aking pisngi dahil sa sunod-sunod na pagpatak ng aking luha.

Iniisip ko pa lang na magkasama sila nung Agatha na iyon, mas lalong kumukulo ang dugo ko.

Bwiset siya!

Natigilan ako ng makarinig ng sunod-sunod na katok mula sa labas ng silid. Agad kong tinuyo ang aking pisngi bago ito marahang binuksan.

Nakahinga naman ako ng maluwag ng bumungad sa akin sina Shiela at Mercy kasama ang mga bata.

Pagpasok nila sa loob ng kwarto ay marahan nilang ibinaba ang mga bata sa carpet. Nakasunod naman si Shiela sa kanila habang dahan-dahan na humahakbang papunta sa baby size na sofa. They are wearing their baby bathrobes that's why I can't take my eyes off of them.

Lihim akong napangiti dahil dito. They look so cute wearing that. Sayang nga lang at hindi ito nasilayan ng daddy nila.

Maybe some other time.

"Sunny, ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Mercy.

I nodded my head as a response to her.

"Don't mind me, Mercy. I-I'm...okay." Nabigo akong kumbinsihin siya dahil sa aking pagpiyok.

I just can't bear to imagine him in other woman's arms. Gusto ko ako lang.

"Gusto mo bang pag-usapan natin iyan?" Suhestyon niya.

Dahan-dahan akong tumango bilang tugon.

"Sure." I shortly replied.

Umupo ako sa malaking sofa habang si Mercy at Shiela naman ay umupo sa akin harap.

Huminga muna ako malalim bago magsalita.

"Na-move ang photoshoot bukas dahil may mga gagawin pa siya sa opisina, p-pero biglang tumawag si Agatha-"

Naputol ang aking pagsasalita dahil sa marahas na pagsinghap ni Mercy at Shiela.

"Sinong Agatha?!" Pasigaw nilang tanong.

Marahas kong pinunasan ang luha sa aking pisngi bago sumagot.

"G-girlfriend niya.... yata." Mahina kong saad.

Napaawang ang kanilang mga bibig dahil sa labis na pagkagulat.

"I-Imposible naman yata iyon, Sunny. Malay mo friend niya lang yung Agatha." Saad ni Shiela.

"Oo nga, Sunny. Baka friend niya lang yun-"

"Sige nga, sabihin niyo sa akin. May kaibigan bang magsesend ng nude photos at dirty messages? Mercy naman, hindi ako ipinanganak kahapon para hindi magets ang ibig sabihin non." Frustrated kong saad.

Natigilan sila dahil dito. Napakamot na lamang sa ulo si Shiela na tila napapaisip din.

"T-tanungin mo na lang kaya siya para malinawan ka, Sunny." Suhestyon ni Shiela.

Agad naman umiling si Mercy sa kanyang sinabi.

"Masyado namang simple ay ideya mo, Shiela. If ever nga na may girlfriend si sir Enzo at diretsa siyang tinanong ni Sunny, sa tingin mo ba aamin siya? I think hindi kasi ayaw niyang mahurt ang feelings ng ina ng mga anak niya." Paliwanag ni Mercy.

Tumingin sa akin si Mercy ng may kakaibang ngiti sa labi.

"I think I know the best solution sa problema mo, Sunny." Nangingiti niyang saad.

Napaayos ako ng upo dahil dito.

"A-ano naman iyon, Mercy?" Tanong ko.

"Seduce him." She smirked evily.

Namula ang pisngi ko dahil sa suhestyon ni Mercy. Kahit ilang beses na kaming nagtatalik ni Lorenzo ay hindi pa rin ako ganon ka-confident na ibalandra sa kanya ang  aking katawan.

"B-baka naman may iba pang paraan." Halos pabulong kong saad.

Napatango-tango naman si Shiela sa aking sinabi kaya nakahinga ako ng maluwag.

"Magmumukha lang siyang uhaw sa atensyon kapag sineduce niya si sir Enzo ng walang dahilan. Ang naiisip kong solusyon ay ang pakikipagkita mo kay Michael." Wika niya.

"Make him jealous." Saad ni Shiela.

Nagsalubong naman ang kilay ko dahil dito.

"Diba nag-aya siya sayo na kumain sa labas, nag-iwan pa nga siya ng calling card at sinabi niya na pwede mo siyang tawagan anytime kapag may free time ka na." Paliwanag niya.

"Pag-uwi ng family ni Lorenzo ay eexit ka na agad para magbihis. Sasama kami ni Mercy para hindi siya maghinala at ang ipapaalam natin ay pupunta tayo sa mall para magpaderma. Doon mo kokontakin si Michael para ayain na kumain sa labas." Wika niya.

Napanguso ako ng biglang may maalala.

"Paano naman ang mga bata? Sino ang mag-aalaga sa kanila habang wala tayo?" Tanong ko sa kanya.

Saglit na napaisip si Shiela sa aking sinabi.

Hindi naman ako papayag na ipagkatiwala sa hindi ko kakilala ang mga anak ko, baka mamaya may mangyari pang masama sa kanila.

"May contact naman ako kay Ma'am Krissa, kung ayos lang sa iyo ay siya na muna ang magbabantay sa mga bata." Suhestyon niya.

Si Krissa? Ang tagal na rin pala namin hindi nagkita.

"Ayos lang naman. Good terms na naman kaming dalawa." Saad ko.

Napangiti naman si Shiela sa akin.

"Don't worry, Sunny. Wala ng natitirang galit at inggit sa puso ni Ma'am Krissa, nakamove on na iyon." Saad ni Mercy.

Napatango-tango na lamang ako bilang pagsang-ayon.

"At para naman hindi masayang ang ideya ni Mercy, iseseduce mo pa rin siya." Nakangisi niyang saad.

Ilang beses akong napalunok sa nerbyos dahil sa sinabi niya.

Si Shiela ba talaga itong kaharap ko?

"Pag-uwi mo dito, dumiretso ka na agad sa kwarto ninyo. Ipeprepare na namin ni Mercy ang susuotin mo, Ipapahiram ko muna sayo ang strawberry scented body wash ko, bukas mo na lang ibalik." Mahabang wika niya.

"The rest ikaw na ang bahala." Pagtatapos niya.

Napasapo ako sa aking mukha. Ano ba itong papasukin ko?

"P-pero medyo mahapdi pa kasi y-yung" Hindi ko magawang ituloy ang aking sinasabi dahil sa pagkahiya.

"Don't worry, hindi naman kayo magjujugjugan ni sir Enzo eh, aakitin mo lang siya tapos kapag nakikita mo ng natuturn on na siya, titigil ka na. Doon ka na mag-aaya na matulog." Paliwanag ni Mercy.

Napahalakhak sila ni Mercy dahil sa ideyang iyon.

"Ang epic siguro ng itsura ni sir Enzo no? Hahahaha, paniguradong hindi mababalik sa katinuan yun si sir hanggat hindi nakakaisa kay Sunny." Natatawang saad ni Mercy.

"Mercy, pahiramim mo si Sunny ng pinaka-daring na damit." Saad ni Shiela.

Agad naman na nagthumbs up si Mercy bilang pagsang-ayon sa kanya.

"No probs. Marami ako non." Wika niya.

Gagawin ko ba talaga ito?

"Nga pala, Sunny. Sa katabing guest room kita matulog para safe." Dagdag pa ni Shiela.

Napatango-tango na lamang ako bilang tugon sa kanya.

Sana nga gumana.









Ruthless Men Series #1: Captured and TaintedWhere stories live. Discover now