Chapter 16 - JEALOUSY

579 40 4
                                    

Dahan-dahang bumaon ang kutson sa malambot kong kama. Halinhinan ang paglapit ng bigat sa pwestong kinahihigaan ko.


Gumulong ako patihaya nung umalon ang higaan. Unti-unti kong narinig ang malakas na bugso ng ulan, sa labas ng bintana.


Kinagat ako ng mala-yelong lamig ng ihip ng hangin. Bumilog akong parang bola as I shivered from the cold. Pikit-mata kong hinila ang kumot ko para magtalukbong. Ngunit, may nakapatong doong mabigat na bagay na pumipigil sa hatak ko. 


"KYAAAH!" My shriek sliced the silence in my room.


Dali-dali akong umupo at tinadyakan ang kama nung may magaspang na palad na dumulas sa baywang ko. Kumirot ang bungo ko nung matigas akong mabagok sa headboard ng higaan.


"R-Ruther?" I panicked. Dilat-mata ko siyang pinanood na mabilis na gumagapang papalapit sa akin.


I haven't seen Ruther for days simula nung bumisita si Madame Joy sa bahay. Halos isang linggo na ang lumipas since he bit my ear and threatened me na gagapangin niya ako kung hindi ako titigil sa kalokohan ko.


Pero, wala naman akong ginawang kalokohan, para gawin niya ito, ngayon! In fact, hindi ko nga siya ginagambala kasi, masyadong halata na iniiwasan niya ako.


Lagi na ring abala si Ruther sa negosyo kasi, tapos na ang honeymoon leave niya. He always ends up coming home late at tulog na ako. 


In fact, hindi ko alam kung naaalala niyang Sabado na mamayang umaga at schedule na ng seminar namin sa simbahan. Unfortunately, sa sobrang bihira naming magkita, hindi ako nagkaroon ng pagkakataong paalalahanan siya.


Mabigat na bumagsak si Ruther sa dibdib ko. Agad niyang inilingkis ang mahigpit niyang bisig sa palibot ng baywang ko.


Sinubukan ko siyang itulak sa panga para tuklapin siya mula sa cleavage ko. Pero, lalo lang namiga ang yakap niya nung panandaliang sumindi ang kidlat na dumidila sa madilim na kalangitan.


—CRACKABOOM!


Ginantihan ko ang yakap ni Ruther nung nayanig ang bahay sa sobrang lakas ng nakabibinging kulog. Dinig ko ang marahas na pag-alog ng babasaging de-kurtinang bintana.


Pero, mas nanlamig ang mga daliri ko sa emosyong namayani sa ere nung sumigaw si Ruther. It was unadulterated terror, laced in horror and steaming with panic.


"Hey! Hey! Calm down!" kinakabahan kong sabi. Mabilis kong hinagod ang likod niyang matigas na pinupukpok ng nagwawala niyang puso.


"I'm scared!" iyak niya, Bumaon ang kuko niya sa makinis kong balat. "Gabby really hates thunder!"


Nagulat ako nung muling nagbowling ang mga anghel sa kulay-uling na mga ulap. Lumingon ako sa bintana at nakita ko ang pagliwa-liwanag sa malayo ng hulma ng madilim na mga bulak ng himpapawid.

PHOENIX: OUR WIFEWhere stories live. Discover now