Chapter 3

3 1 0
                                    

Buong gabi akong ginulo ni Emma ng kung ano-ano tungkol kay Nico. Ewan ko ba diyan na adik na ata sa lalaki.

Sinabi pa niya sa akin na bagay daw kami at kung hindi man maging sila okay lang as long as mapasa akin daw si Nico, gaga talaga.

"Tumigil kana babae ka! Matutulog na ako!" Narinig ko pa siyang tumatawa sa kabilang linya at walang balak tapusin ang tawag.

"As if! Maaga pa Callie Isabelle. Huwag mo akong lokohin 10 pm ka natutulog quarter to 8 pa!" Iyan parati ang sinasabi niya sa akin, tama naman siya maaga pa kaso nakakasawa ang kaingayan niya isama mo pa na parating si Nico ang topic niya. Okay lang kahit sino h'wag lang ang lalaking iyon.

Patuloy padin si Emma sa mga pinagsasabi niya hanggang sa pumasok si Mommy sa kwarto ko kaya natigilan si Emma at bumati pa kay Mommy. Nagbatian pa sila bago ako binalingan ni Mommy upang pabilhin ako ng Ramyeon sa 7/11 dahil naubos ko daw ang stock namin.

Ako ba naman sisihin? Eh ang sarap ng ramyeon kaya hindi ko matiis gabi-gabi ata ako nagluluto pagtulog na sila. At sa kasamaang palad nalaman pa ni Mommy. Well sino pa ba? Ako lang ata ang anak nila ni Daddy sino pa ba ang sisihin? Si Daddy hindi rin dahil hindi naman siya mahilig sa ramyeon kami lang ni Mommy.

Nagbihis ako ng bagong damit dahil nakapajama na ako ngayon. I wore black oversized shirt and paired it with my white sweat pants, sinuklayan ko ang aking medyo brownish wavy hair at nag pulbo at liptint na rin ako para komportable at kaaya-aya ako tignan.

Heto ako ngayon naglalakad palabas ng subdivision namin patungo sa malapit na 7/11 dito. Hindi naman ako natatakot lumabas dahil safe naman dito kahit na gabi na isama mo pang nag-aaral ako ng taekwando at may balak pa akong mag-aral ng martial arts. Kaya kayang-kaya ko anh aking sarili at may dala rin akong pepper spray if ever lang naman.

Nakalabas na ako ng subdivision at as expected kahit gabi na gising na gising parin ang kapaligiran dahil narin sa mga nagtitinda na mga stores. Hindi rin mawawala ang mga kumpolan ng mga estudyante na mukhang ginabi sa gala at ang iingay pa nila.

"Gaga ka! Lagot ako kay Mama ginabi na ako!" Saad ng babaeng may katangkaran at mukhang gangster sa way ng pagsuot niya sa uniform nito.

"Masaya naman kaya okay lang 'yan!" Komento ng isang babaeng mukha ng clown sa kapal ng make-up nito sa mukha.

Nilampasan ko na sila at dumiretso na sa daan papunta sa 7/11 na hindi naman kalayuan sa subdivision. Nasa labas palang ako alam ko ng madaming tao sa loob ng 7/11 buti na lang at medyo malaki ang store dito hindi naman sana ganun kasikip sa loob.

Saktong papasok na ako sa loob ng 7/11 at akmang hahawakan ko na ang glass door nang may biglang nauna sa akin kaya agad akong umiwas sa lalaking higante. Tsk. Walang modo.

Sumunod ako sa kaniya at agad akong kumuha ng limang ramyeon, iilang chocolates at gummies. Yummy! Natatakam na akong kainin lahat ng 'to pero doon na lang pag-uwi ko sakto may papanuorin akong movie kaya kumuha pa ako ng madaming gummies at mga sour candies. Guston-gusto ko 'tong mga 'to!

Matapos makuha lahat ng bibilghin ko agad akong pumila para makauwi kaagad. Kaso sa kasamaang palad ang daming nakapila din kaya nasa hulihan ako ngayon. Patience, Callie.

Dahil wala akong choice naghintay na lang ako at kinuha ang phone para may malibangan ako while waiting.

Gustohin ko mang makaalis wala akong magagawa kaya heto ako naririnig ang kaingayan ng mga kalalakihang nasa iisang table. Gustohin ko mang sitahin sila dahil ang iingay nila kaso baka mapagalitan pa ako or what kaya h'wag na lang.

"Grabe! Ang ganda ng babaeng kasunod sayo kanina, pare!" Ako ba ang tinutukoy nila? Sabagay maganda naman talaga ako.

"Hindi naman," sagot lalaking may malalim na boses. Gustohin ko mang lingunin sila ngunit ayokong mag-eskandalo.

Cold Breeze of TomorrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon