Chapter 7

2 1 0
                                    

School works are getting out of hand, padami ng padami ang mga kakailanganing gawin namin in a short period of time. Halos lahat ng mga subjects namin binigyan kami ng tig-iisang projects tapos may iilan pang pabida na more than one activity ang gagawin namin! Hindi na naawa sa amin.

Kaya nakakaparanoid isipin kung tama na ba lahat ng nagawa ko dahil baka puro mali ang mga ito at baka nagkaka-interchange ang iilan dahil sa kakamadali. Binigyan rin kaming deadline na halos isang linggo lang namin gawin which is very short talaga! Hindi man lang ginawang 2 weeks before the deadline, nakakainis.

Wala man lang patawad!

That's why together with Emma and Hannah andito kami sa library at gumagawa ng iba't-ibang activities, in short, nagtutulungan. Actually hindi namin 'to magagawa in just one week kaya nagtutulungan kaming tatlo na makatapos ng isa o dalawang gawain in a specific subject for today and since tatlo kami, hopefully by the end of the day makatapos kami ng more or less six activities para the next day iba naman.

Since iba-ibang subject ang ginagawa namin automatic na may mga answers na ako sa ibang subjects kahit hindi ko pa nasisimulan dahil kokopyahin ko ang mga answers nina Emma at Hannah vice versa and the cycle continues, less hassle. Iniiba-iba nga lang namin ang mga iilang answers ng bawat isa para hindi halata na iisa lang ang mga sagot namin.

Sinisigurado rin namin na tama at accurate ang mga answers namin para iwas zero score sapat na sa amin ang magkaroon ng passing scores basta hindi butlog.

"Hayst, gutom na ako..." mahinang reklamo ni Emma sabay himas sa kaniyang tiyan kaya bahagya akong natawa dahil ang cute niya tignan.

"Same," sabay naming sabi ni Hannah kaya agad kaming nagkatinginan at bahagyang natawa.

Kanina pa kami dito sa library since hindi kami pinasukan ng iilang teachers namin dito na lang namin napag-isipan tumambay since tahimik tapos malakas ang wifi dito unlike sa room namin napakahina parating loading, nakakainis. Tapos maganda rin dito sa lib dahil air-conditioned ang buong building kaya maganda ang flow ng paggawa namin ng mga gawain dahil malamig hindi mainit.

After a couple of minutes at break time na namin kaya aalis muna kami sa lib at pupunta sa caf since wala akong dalang snacks for us. Kanina pa talaga kami nagugutom kaso hindi kami makaalis dahil wala pang break time it is also a way of disciplining ourselves na wala munang aalis hangga't wala pang time.

"Finally... nakikita ko na ang prinsipe ng tiyan ko!" Emma rejoiced as she saw the main door of our cafeteria at hinila pa niya kaming dalawa ni Hannah dahil ang bagal raw namin, hmp!

"Emma! I get it you're hungry pero hindi mo naman kailangang manghila." Pangangaral ko sa kaniya kaya nakapout itong lumingon sa akin at nagpapacute pa talaga siya!

"Sorry po..." aniya while still pouting kaya inirapan ko siya at inunahan sa paglalakad agaran namang sumunod ang dalawa sa akin.

Nang tuloyan na kaming nakapasok sa cafeteria and as usual the caf is still very crowded by students eating at ang iba ay tumatambay lang, nothing new. Hindi rin mawawala ang ingayan ng iilan na nakakarindi kaya siguro hindi kami madalas tumambay dito dahil ang iingay ng mga naglalakihang grupo tapos ang lalakas pa ng boses nila kahit na nag-kwe-kwentuhan lang naman.

May iilang group of girls naman na puro chismis ang dala akala siguro nila hindi namin naririnig. Some are just here to eat peacefully with their friends. Buti na lang at may malaking 65 inches na TV sa harapan at mayroong music na naka-play kaya okay na rin hindi puro kalokohan at chismis lang ang maririnig namin whenever we are here.

"Anong bibilhin mo, Callie?" Hannah asked when we reached the counter.

Marami namang pagpipilian kaso sobrang mahal!

Cold Breeze of TomorrowWhere stories live. Discover now