Chapter 19

2 0 0
                                    

After what Aria told me about her cousin Nico being jealous sa hindi ko malamang dahilan kaya agad ko itong tinignan na nakatingin na pala sa akin na mukhang nagtataka dahil sobrang lapit ni Aria sa akin na ngayon ay kumakain narin.

"What?!" Masungit nitong tanong sa akin kaya tumayo ako at agad siyang nilapitan na ngayon ay nagtataka narin sa ginawa kong paghakbang palapit sa kaniya.

"Sungit," pang-aasar ko sa kaniya bago ako tumabi sa kaniya kaya nagkadikit ang pareho naming braso na bahagya pa akong nagulat dahil sa kuryenteng naramdaman ko sa pagdikit ng mga balat namin. What was that?

"What do you want?" Tanong niya sa akin at hinarap ako na puno ng inis sa buong itsura niya. That made me chuckled by his face's reaction kaya agad niya akong inirapan at umiling-iling pa ito sa hindi ko malamang dahilan.

Ano ba kasing kinaiinisan ng lalaking 'to? Ang sungit-sungit akala mo may regla tinalo pa ako t'wing may regla ako sa kasungitan. Minsan talaga may saltik 'to sa utak, may times na puro pang-aasar ang lumabas sa bibig niya, meron ding nasobrahan sa pag kain siguro ng mga sweets kaya nagkaroon ng sweet bones sa katawan at higit sa lahat nagsusungit kagaya na lang ngayon. Hmp!

"Bakit ang sungit mo? Red tide?" Pang-aasar ko sa kaniya kaya mas lalong kumunot ang noo nito at sinamaan ako ng tingin and if a single stare could kill a person then by now I'm already dead however, ang cute niya tignan! Shet! Hindi naman ako ganyan ka-cute pag-inaasar niya ako at baka nga nagmukha pa akong tigre kung sakali.

"Why do you care?" Aniya bago hinarap si Aria na ngayon ay busy sa pagkain niya at mukhang may sariling mundo.

"Why not?" Balik ko sa kaniya kaya lumingon siya sa gawi ko bago inirapan na naman ako!

"Pag ako nainis sa mga mata mo baka madukot ko 'yan ng wala sa oras, Nico!" Peron imbes itigil ang kakairap niya sa akin mas lalo lang niya akong inasar at iniirapan kaya inis akong tumititig sa mukha niyang mapang-asar.

"Whatever!" Agad akong pumunta kay Aria at agad hinawakan ang wrist nito para makaalis na ako dito kaso ang lalaki sumunod pa talaga sa akin!

"Where are you doing?" Puno ng pagtatakang tanong niya sa akin dahil hinawakan ko na si Aria para sana i-tour ko si Aria sa buong field and every booths dito kaso may lalaking sunod ng sunod sa amin gusto ko sana ng alone time with Aria.

"Girls only." I said to him.

"I wanna be with Ate, Kuya! Ang boring mo kasama!" Aria said to him kaya agad kumunot ang noo ni Nico sa narinig. Oh no, we're in trouble Aria.

"Whatever, Aria. Iuuwi na kita sa bahay dahil mag-gagabi na." Anunsyo ni Nico kaya napasimangot agad si Aria sabay tago sa likod ko na para bang ayaw niyang sumama kay Nico.

"No! I don't wanna go home, Kuya! If you're jealous because Ate Callie is having a crush on that band member of Apocalypse then move on and leave us alone." Agad naman akong napangiti sa mga sinabi ni Aria sa kuya niyang ubod ng sungit.

"Aria!" Dahil sa pagtawag nito kay Aria bigla itong natakot kay Nico kaya mas lalong humigpit ang hawak nito sa aking damit.

"Stop it, Nico! You're scaring her." Agad kong umupo at hinarap si Aria na ilang segundo na lang ay tutulo na ang mga luha nito sa kaniyang mga abong mata.

"It's okay, Aria. I'm here don't be afraid." Bulong ko sa kaniya kaso imbes na tumahimik ito ay mas lalo lang siyang umiyak sa harapan ko.

"He's scary Ate..." gosh! Pati bata walang ligtas sa kaniya.

Nagulat na lang ako ng biglang tumabi si Nico sa tabi ko at pinapatahan si Aria na ngayon ay umiiyak parin. Hindi rin nakatakas sa aking mga tenga ang mga pinagsasabi ng mga estudyanteng malapit lang sa amin na pinag-c-chismisan na pala kami.

Cold Breeze of TomorrowWhere stories live. Discover now