PROLOGUE

86 20 26
                                    

AUTHOR'S NOTE

DISCLAIMER:
This is a work of fiction. Names, Characters, Place, Events are either the product of author's imagination only. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

~⚖️~

🚫Warning:
This story contains words that not suitable for young readers.
Read at your own risk.

~⚖️~

"Welcome to Torres University" halos pasigaw na sabi ni Kevin, kaya napalingon sa amin ang ibang tao sa paligid.

"Thanks Bro. Pero medyo OA ka naman yata" nakangiti kong sabi pero halos magtakip na ako ng mukha.

"Pasensya na, Bro. Medyo na excite lang. Oh, sige. Una na muna ako kasi may kailangan pa akong puntahan, kita na lang ulit tayo sa lobby para sabay na tayong mag enrolled"

Tumango lang ako.
"Welcome sa school namin, Bro." pasigaw ulit niyang sabi.

"Sige na! Umalis ka na, nakakahiya ka" pabulong ko lang na sabi habang nagkakamot sa ulo.

Tinawanan lang ako ng loko at tuluyan na itong tumakbo palayo.

Naglakad na ako habang minamasdan ang kabuuan ng school, hindi naman ito nalalayo sa mga school sa Manila pero medyo maliit lang ito, nakarating ako sa isang lugar kung saan maraming matataas na puno, iba't-ibang bulaklak at halaman.

Medyo nature lover din ako, bihira kasi ang ganito sa Manila kaya kinuha ko ang cellphone ko upang kumuha ng pictures.

"Aray!" napahawak ako sa ulo ko na tinamaan ng kung anong bagay.

Nakita ko ang isang itim na backpack sa hindi kalayuan "Kanino kaya ito?"

"Taaabbbbeee"

Napalingon ako dahil sa narinig ko, nakita ko ang isang babae na tumalon sa isang mataas na bakod ng school kaya napayuko ako at napahawak sa ulo ko.

Naramdaman ko ang malakas na hangin sa tabi ko kaya alam kong nakababa na siya, nilingon ko siya pero nakatalikod na ito.

Ibang klase "Sorry, ha!" sigaw ko kaya napalingon siya.

Ngumisi lang siya, itinaas ang kanang kamay at nag bad finger.

"F*ck you" sigaw niya kaya nagulat ako.

Please support this story of mine.
Don't forget to vote, comment and follow! Thanks in advance..
-Librakhen27

In Iove with a Gangster (COMPLETED) Where stories live. Discover now