CHAPTER 11

32 16 18
                                    

<THIRD PERSON POV>

Nakatanggap ng text si Clyde mula kay Kevin.

From Kevin
Bro! Sabay na tayong kumain, kita tayo sa canteen.

Naglakad na ito papuntang canteen.

"Clyde!" hinanap nito ang tumawag, nakita niyang kumakaway si Kevin, agad siyang lumapit dito.

"Mag-isa ka lang?" tanong nito.

"May gusto ka bang isabay?" may pang-aasar na tanong ni Kevin

"Loko! Hindi ba't lagi kayong sabay ng girlfriend mo"

"Sabay nga kami" napalingon siya kay Mimi.

"Sabi ko nga. Bakit mo ako pinapunta kung sabay pala kayo ni Mimi?" tanong nito.

"Bakit bawal ba?" tanong ni Kevin.

"Gagawin n'yo na naman akong chaperon, ayaw ko nga. Lilipat na lang ako ng table" patayo na si Clyde ng mapansin niya kung sino ang nasa kabilang table.

Si Ariane at Renz..

Nakaramdam siya ng selos at inis, hindi niya gustong tumatawa si Ariane ng dahil sa ibang lalaki.

Boyfriend ka ba niya?..tanong ng isip niya.

Napansin nila Mimi at Kevin ang itsura ni Clyde kaya agad nilang sinundan ito ng tingin.

"Kung ang titig ay nakamamatay, may bumulagta na si di-kalayuan" sabi ni Kevin.

"Kung ang selos ay nakamamatay, may bumulagta na sa tabi natin" sabi naman ni Mimi.

Napatingin sa kanila si Clyde kaya nakita niyang nag appear yung dalawa.

"Gusto mo ba ang pinsan ko?" tanong ni Mimi na hindi kaagad nasagot ni Clyde.

"Silence, means yes" bwelta ni Kevin.

"Magsama kayong dalawa" sabi ni Clyde at saka siya tumayo.

"Saan ka pupunta? Sayang naman itong binili kong pagkain" sabi ni Mimi.

"Nawalan na ako ng gana" naglakad na ito palabas ng canteen.

"Clyde" dinig niyang tawag ni Kevin pero hindi niya ito pinansin.

Napatingin naman si Ariane ng marinig niya ang pangalan ni Clyde, nakita niya itong palabas ng canteen kaya tumayo na ito.

"Teka! Saan ka pupunta?" tanong ni Renz.

"Una na ako, akin na lang ito" kinuha niya yung tinapay at ice tea,at saka lumabas ng canteen para sundan si Clyde.

Nakita niya itong naka-upo sa isang puno, nakapikit ito. Dahan-dahan siyang lumapit, yumuko at saka tinitigan ang lalaki.

Gwapo ka pala sa malapitan, hindi kasi halata... sabi nito sa isip.

Bigla namang nagmulat si Clyde ng mata kaya nagulat si Ariane at nawalan ito ng balanse, mabuti na lang at nahawakan siya nito.

In Iove with a Gangster (COMPLETED) Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang