Chapter 6

700 8 22
                                    

Tiffany's POV

Lumipas na ng ilang linggo at eto nanaman, back to work.

Bumaba na ako para magluto, pero nagulat na lang ako nang makita ko si Demyx na nagluluto sa kusina.

"Good morning mahal!" Bati neto saakin.

"Demyx! Ang aga mo nanaman gumising!"

"Relax ka lang mahal. Malapit na matapos tong linuluto ko. Upo ka muna." Utos niya na ikinasunod ko lang.

Lumipas na ng ilang minuto, dinala na ni Demyx yung mga pagkain na linuto niya at linagay niya ito sa dining table namin.

"Mahal, kumain ka na. Baka malate ka pa sa work mo." Sambit niya na ikinasunod ko lang

"Eh Ikaw Demyx? May work ka pa bang gagawin?" Tanong ko.

"Binigyan ako ng monthly vacation ng boss ko. Tsaka lahat ng mga inipon kong pera, linagay ko na sa alkansya natin para sa kasal natin." Sambit niya na ikina-ngiti ko lang.

"Grabe ka nga mag propose saakin nun eh."

"Mas grabe yung kapatid ni Esther!"

"True! Hindi na nga makahintay yung fiancé niya eh. Or should I say, asawa niya na."

Lumipat na si Demyx sa tabi ko at ngumiti lang siya saakin.

"Oh? Tinitingin mo diyan?" Tanong ko na may pagtataka.

"Sexy mo ngayon Tiffany."

"Bwisit! Namamanyakan ka nanaman Demyx!" Inis na sambit ko.

"Galit na galit ah. Alam mo Tiffany, pasalamat ka na lang at hindi ibang lalaki yung nangmamanyak sayo. Baka nga literal na kamanyakan lang yung gagawin nila sayo."

"Eh ano naman yung sayo Demyx?! Diba minamanyak mo rin ako?!"

"Etong manyak na nakakasama mo Tiffany, seryoso yan sayo. Hindi ako basta basta nangmamanyak kung kani kanino. Nung nagpropose ako sayo, diba sincere yung mga salita na binitaw ko?"

"Hayys. Akyat na nga muna ako para maligo."

Pagkatayo ko, agad naman ako yinakap ni Demyx patalikod na ikinalaki ng mata ko.

"Mahal, payakap muna. Kahit saglit lang." Sambit niya na ikinabuntong hininga ko lang.

Maya maya pa, agad ako hinalikan ni Demyx sa pisngi ko hanggang sa umabot ito sa leeg ko.

"Demyx, anong ginagawa mo?" Tanong ko.

Napapikit na lang ako sa mga halik ni Demyx sa leeg ko habang gumagapang yung mga kamay niya papasok sa damit ko.

"Uggh!"

"Ang sexy mong umungol mahal." Sambit niya na ikinalaki ng mata ko.

"BWISIT KA DEMYX! ANONG PINAG-GAGAWA MO?!" Sigaw ko sakanya.

"Bakit, wala naman masama sa ginagawa natin ah."

"Tigil tigilan mo nga yang kamanyakan mo!" Inis na sambit ko bago umakyat sa hagdan.

Bwisit naman! Libog na libog na ba talaga tong si Demyx saakin?!

Brooklyn's POV

"Here's your coffee sir!"

"Thank you miss Brooklyn!" Sambit niya na ikina-ngiti ko lang.

Nang makalabas ako, agad kong napansin yung janitress na nakatingin saakin ng masama.

Well, bahala siya tumingin saakin!

"It's been a long time since we've seen each other Brooklyn." Sambit niya na ikinalingon ko lang.

"Allyssa! The Allyssa Lim!"

"You haven't changed a bit Brooklyn." Pataray niyang sabi.

"Alangan! Ako lang naman yung Brooklyn na kinaiinisan mo hanggang ngayon diba?!" Pagpilosopo ko.

"You're lucky na secretary ka ni Levi. But I'll make sure na maaagaw ko siya sayo." Pagbanta niya na ikina-ngisi ko lang.

"Asaan yung pruweba? Mukhang malabo kasi engaged na nga kami ni Levi." Sambit ko habang pinapakita yung singsing na suot ko.

"And I'll make sure na tatanggalin mo yan pag nakikita mo tong pagmumukha na to!" Pagbanta niya ulit.

"Matanggal man yung singsing na suot ko ngayon, I know for the fact na ako yung nasa laman ng puso't isip ni Levi."

"And I'll make sure na buburahin ko yung pangalan mo sa puso't isip ni Levi. Kahit nga operahan ko yan, gagawin ko pa." Sambit niya na ikinatuwa ko ng peke.

"Laman loob yung makikita mo pag inoperahan mo siya! G**o!"

Sa sobrang inis ni Allyssa, kumuha siya ng tubig sa may table ko kung saan ako nagpapadala ng coffee at akmang babasain niya ako.

Pero nagulat na lang ako na may humarang saakin.

"Levi?! I-I didn't mean to..."

"Wala to. May pamalit naman ako." Walang emosyon na sambit niya bago ako hilain palayo sakanya.

"Levi, wait lang." Sambit ko bago niya ako bitawan.

Kinuha ko yung sponge na hawak ni Allyssa at binato ito sa pagmumukha niya.

"What the hell?!"

"Sorry not sorry! That's what you get for disrespecting the CEO of this company!" Pag real talk ko bago ako nag hairflip sa mukha niya at bumalik kay Levi.

Nang makarating kami sa office ni Levi, agad ko siya linapitan para tanungin kung okay lang siya.

"Levi--"

"Wala to Brooklyn. Sinadya ko talaga na humarang para hindi ka mabasa." Sambit niya na ikina-ngiti ko lang.

Maya maya pa, nanlaki yung mata ko nang biglang tinanggal ni Levi yung coat at polo na suot niya.

Ang hot ah! Di ko aakalain na ang hot pala ng fiancé ko!

Habang pinapagpag niya yung polo niya, pabilis ng pabilis yung kabog ng puso ko dahil sa katititig sakanya.

"Oh? Tititig ka na lang?" Tanong ni Levi at bumalik na ako sa sarili ko.

"A-ako?! Tumititig?! Sayo?! Hindi ah!" Pautal na sambit ko.

"Wag ka nang tumanggi Brooklyn. Enjoy na enjoy ka sa pagtingin saakin eh." Pagbanat ni mokong.

"BOLERO!" Sigaw ko bago ko kunin yung pamalit ni Levi.

Oo, may cabinet din si Levi para sa mga polo at coat niya at binigay ko agad yan sakanya.

"Magbihis ka na! Nakakahiya pag iba yung makakakita sayo!" Sambit ko bago umalis.

JUSKO! Anong meron at nauutal na lang ako pag walang pantaas si Levi?!

Love or PleasureWhere stories live. Discover now