[Warning: SPG]
Stacey's POV
"Ano ba yan! Talo!" Inis na sambit ni Rhodes.
"Paano ba naman kasi, walang ambag yung Gusion!" Inis na sambit ko na ikinatuwa niya rin.
"Until now, curious pa rin ako kung sino yung taong tinutukoy mo na nagkakagusto saakin." Sambit ko na ikinabuntong hininga niya lang.
"Do you have any clues kung sino siya??" Tanong niya na ikinakunot ng noo ko.
"Wala akong idea Rhodes..." Sagot ko na ikinabuntong hininga niya.
"The person who is secretly liking you... kilala mo siya..." Sambit niya na ikinakunot ng noo ko.
"Itulog mo na lang yan Rhodes!" Pag asar ko na ikinatuwa niya.
Tumayo na ako sa kinauupuan ko para kumuha ng cup noodles sa kusina.
Pagpasok ko sa kusina, nanlaki bigla yung mata ko nang makakita ako ng ipis na gumagapang sa sahig.
Wag kang lilipad Antonio! Sasabog na yung mundo natin pag lumipad ka!
Kumuha na ako ng tsinelas at balak kong lapitan yung ipis para patayin ito.
"AAHHHHHH!!!" Sigaw ko nang bigla itong lumipad at napatakbo ako palayo sa kusina.
"Huy! Anyare sayo?!" Tanong ni Rhodes may pagtataka.
"Antonio!"
"Hah?! Antonio?!" Natatawang sambit niya.
"Basta patayin mo si Antonio!" Utos ko na ikinasunod niya.
Alam rin kasi ni Rhodes na takot ako sa ipis, lalo na pag lumipad. Kaya siya minsan yung inuutos ko para patayin yung ipis na yan.
"Deads na Stacey!" Sambit niya na ikinabuntong hininga ko lang.
"Potek! Kadiri ka Rhodes!" Sigaw ko nang hinawakan niya pa si Antonio.
"Lumipad talaga tong si Antonio?"
"Isa pa Rhodes! Sasabog na yang mundo mo!" Pagbanta ko.
"Uyy!! Miss ka na ni Antonio!" Pag asar ni Rhodes habang linalapit saakin yung ipis.
"Isa! Rhodes!" Inis na sambit ko na may halong tuwa.
"Whee!" Paghagis niya ng ipis saakin at napasigaw ako.
"Mapapatay kita!" Sigaw ko bago ko siya habulin, kaya napatakbo ito palayo saakin.
Habang naghahabulan kami, bigla na lang ako natapilok at napakapit ako kay Rhodes na naging sanhi ng pagkatumba naming dalawa.
Nanlaki bigla yung mga mata namin nang malaman namin na nagdampi na pala yung mga labi namin sa isa't isa.
"Sorry Rhodes!" Sambit ko bago tumungo sa kwarto ko.
S**t! First kiss namin to ni Rhodes!
Ano ba naman yan?!
Kayla's POV
"Kumusta na yung baby natin Kayla?" Tanong ni Damian na ikina-ngiti ko.
"Excited na daw lumabas."
"Anak, kapit ka lang ah! Excited na kami ni Mommy na lumabas ka." Sambit niya na ikina-ngiti ko.
"Kambal!!!" Pagdating ni Kylie na kasama si Tyrus.
"Kambal!! Buti napabisita kayo!"
"Kayla... Damian... we need your help." Sambit ni Tyrus.
YOU ARE READING
Love or Pleasure
FanfictionThe Agents and Spartans are back! New challenges, new people and so many more! Macha-challeng ba sila sa pag ibig nila? Could it be really love? (WARNING: SPG Contents on some chapters. Kung ayaw niyong basahin, don't force yourself. Be mindful, dah...