♥ Sad love story

29K 102 7
                                    



SAD LOVE STORY ( TRUE STORY )

-- from multiply


Isa akong taong palangiti, laging nakatawa, malakas mang-asar, masayahin, pinipilit ang sariling huwag pumasok sa isang relasyon kahit marami nang dumating pinalampas lahat dahil takot magmahal at masaktan true love?  fairytale? ssh kalokohan.

Pero nagbago ang lahat ng mga paniniwalang yan nung may nakilala akong isang kaibigan. di ko nga siya napansin nung una eh. pinagtatawanan ko pa siya kasi kumakanta siya mag-isa sa likod ng upuan ko hanggang sa naging close kami di ko alam kung paano gabi-gabi magka-text puro asaran at biruang walang kwenta akala ko nung una isa lang siyang makulit na kaklase. Hanggang sa mapansin kong kapag lumalapit siya bumibilis tibok ng puso ko, pagka-usap ko siya hindi ako makahinga napapangiti pag siya ang pinag-uusapan gabi-gabi siya ang laman ng mga panaginip ko, “take note”  pati day dreams kasama siya.

Ewan. naging super close kami sabay pumasok nagpapaalam sa isat-isa kung may pupuntahan alam lahat ng kilos kahit ata pagligo pinapaalam pa eh, M.U. kung baga walang commitment pero alam niyong pareho kayo ng nararamdaman. one time nga eh nag-send siya ng quotes shocks! tuwang-tuwa ako kasi never siyang nagse-send ng quotes. one month ata kami naging ganun magturingan :)

Dahil sa pagdating niya ang daming nagbago sa akin kung dati maaga akong matulog nung dumating siya? Duh! kahit walang tulugan kaya ko dati laging naka-silent phone ko nung dumating siya? todo-todo ang lakas nang ring tone ko. kahit ata taga-lebanon maririnig tunog ng cell phone ko eh para kapag nag-text siya kahit alas-tres nang madaling araw magising at makapag-reply ako agad wala kong pake kahit maging five layers eye bags ko dati minsan lang ako magpa-load. nung dumating siya? naging best friend ko na ata yung tindera dito sa amin nang paglo-load ko.

 

Hanggang isang araw tinanong niya ako ng ganito “kung sabihin kong mahal kita, ano isasagot mo?” shit! ang hirap sumagot di ko alam gagawin ko! gusto ko sanasabihing “mahal din kita!”  kaya lang paano kung pinag-tritripan niya lang ako?  kaya dinaan ko na lang sa biro at sinabing “weh corny… ok ka lang?” nagreply siya at sinabing “seryoso ako” shit! halos magka-nervous breakdown ako hay pagkatapos ang ilang araw sinagot ko siya masaya nun una pero nung medyo tumagal na unti-unti kong nararamdamang nadudurog puso ko ang daming nagbago… nagkailangan kami di na nagpapalam kung may pupuntahan nawala yung sweetness sa isat-isa siguro dahil di namin alam kung paano itrato ang isat-isa ang dami kong tiniis maghintay nang matagal magmukhang tanga mabalewala.

Ilang beses kong sinubukang tapusin na ang relasyon namin sinubukan ko siyang kausapin shit! palapit pa lang siya nabura lahat ng plano ko di pa nga siya nagsasalita kusa nang umaatras dila ko  sabi ko sa sarili ko… “kaya mo yan! go girl. remember? matapang ka” lumipas pa yung ilang araw di na talaga na carry ng beauty ko yung sakit.

Nalaman kong mahal niya pa pala yung “ex” niya. shit! Ang sakit.. pakiramdam ko naging “panakip-butas” ako bakit ganun? kung mahal niya pa “ex” niya dapat di siya nanligaw ng iba… di niya man lang ba naisip na mas masakit dun sa girl yung ginawa niya? selfish siya kung nasaktan siya sa past niya? di siya dapat nandamay ng iba tang-ina naman kasi nananahimik ako… dadating-dating siya para ano? saktang lang ako? abi na nga ba masasaktan lang ako sa lecheng pag-ibig na yan eh napakatanga ko kasi eh.

Nung araw ding yun kinausap ko siya shit! parang gusto kong tumalon na lang sa building kesa makipag-break! pero naisip ko dapat tapusin ang dapat tapusin wala eh andun na ko tinanong ko siya… “ayaw mo na ba?” di siya sumagot pero inulit ko “ang sabi ko… ayaw mo na ba?”… dahan-dahang bumuka ang bibig niya at sinabing “ikaw?” shit! parang feeling ko nakatahi lalamunan ko pero nagtapang-tapangan ako at sinabing “ayoko na” nung sinabi ko yun di ko nagawang tumingin sa mga mata niya pagkatapos ang tagal naming nanahimik di ko alam ang gagawin ko humarap ako sa kanya kunyari hindi apektado at sinabing “ok na?” tumango lang siya “sige, una ka na sa room” pinilit kong huwag maiyak.

Habang nakatalikod siya at naglalakad palayo sa akin nanlambot ang mga tuhod ko  pakiramdam ko naka-inom ako ng tatlong case ng emperador “take note!” walang chaser! tatlong case isang lagukan lang shit! dapat bang magtiis huwag lang mawala ang mahal mo?... o… dapat nang itigil ang pagtitiis kung nagmumukha ka ng tanga? tumakbo agad ako sa CR tumingin ako sa salamin.. nakita ko ang isang babaeng nanginginig sa takot di ko mapigilang maiyak grabe! uloy-tuloy ang pagtulo pinupunasan ko na pero hindi nauubos para akong nasa extra challenge pinilit kong alisin yung takot at lungkot sa mukha ko pinilit kong maglagay ng ngiti sa mga labi ko… ayoko kasing makita ng ibang umiiyak ako paano ko sila ico-comfort pag may problema sila kung makikita nila akong umiiyak gusto kong makita nila yung masayahin, makulit, palangiti at matapang na side ng pagkatao ko.

Pagpasok ko sa room pinilit kong magkunwari tumawa sa mga biruan hahaha! sa wakas! tagumpay ako di nila nahalatang may problema ako pero super hirap din palang magkunwaring matapang ka kung alam mong napakahina mo napakahirap ngumiti kung alam mong umiiyak ang puso mo dapat ba akong magpasalamat sa ginawa niya? o dapat akong magalit? kanini ako dapat magalit? sa lalaking nang-iwan para sumaya siya? o sa babaeng nagpaiwan para sumaya mahal niya? makabangon pa kaya ako sa daydream na ako rin ang may gawa? maalis pa kaya yung takot sa puso ko na ginawa ng taong pinahahalagahan ko ang higit pa sa buhay ko?

Ang daming tanong na gumugulo sa isip ko pero salamat na rin sa kanya kasi nalaman ko ang totoong meaning ng true love “sacrifice” kung alam mong di siya magiging masaya sa iyo? eh di pakawalan mo napatunyan ko ring totoo pala ang fairytale kaya lang sa totoong buhay di lahat happy ending malas ko lang kasi napabilang ako dun sa mga hanggang “once upon a time…” lang.

Ngayon pinilipit kong makalimot kasi di ko na kilala ang sarili o dahil sa naiwang sugat sa puso ko. hay… pag-ibig nga naman nakakapangiti. nakakatuwa, nakakagago.

Quotes Nating LahatWhere stories live. Discover now