♥ May tama ka #2

54.3K 189 26
                                    

♥ nagbabago ang tao dipende sa nararanasan,
ngunit ito ay hindi niya kasalanan,
dahil hindi mo alam kung ano ang kanyang naramdaman,
at ang sakit na naranasan na nagpabago sa kanyang kalooban ♥

 --------------------

♥ Wag kang tanga. Hindi ka mahalaga sa kanya. Tama na ang pagsasayang ng oras para lang ipahiwatig at ipaalam sa kanya na mahalagang-mahalaga siya sayo. Kasi binabaliwala kana, wala kapang ginagawa.”

 --------------------


 Taken For Granted  


- Ginawa mo na lahat ng tama para sa kanya pero hinayaan ka pa din niyang mawala sa buhay niya.

- Ginawa mo na lahat ng efforts tinodo mo na, buong puso at kaluluwa mo nakuha niya, in the end wala pa din sa kanya.

- Hindi ka pinapahalagahan.

- Nagpaka-tanga ka na pero worthless.

- Nagdududa ka na mahal ka niya, tapos sasabihin sa’yo “akala mo hindi kita mahal, wala kang tiwala?!” pero pinaparamdam niya na BALEWALA ka sa kanya.

- Tipong Sinakripisyo mo na ang lahat pero isang simpleng hiling mo lang, hindi niya mapagbigyan.

 --------------------

♥ Nakakainis kapag nalaman ng crush mo na crush mo siya, tapos bigla bigla na lang siya magiging sweet sayo.


Oo, naiinis ako sa mga taong ganto. Ang sakit rin kasi nito eh. Sweet siya sa’yo. Bakit? Para ma-fall ka lalo? Para hindi mawala ‘yung feelings mo sakaniya? Para i-take advantage niya ‘yung feelings mo? Pa-fall pa lalo eh. Ikaw naman, wala kang magagawa kundi umasa. Pwera na lang kung gagamitin mo ‘yung utak mo at hindi magpapadala sa mga ginagawa niya

Mas gusto kong iwasan na lang ako kung hindi talaga ako gusto. Kesa sa maging sweet pa sakin tapos lalo ko pa siyang mamahalin. Kasi kung iiwasan niya ako, alam ko sa sarili ko na wala at hindi na dapat ako umasa. Mas mabilis pang makakalimot. Kesa sa pa-fall. Swerte mo nalang kung mahulog rin siya sa’yo.

 --------------------

♥ Payong kaibigan:  Magfocus ka sa mga taong nagpapahalaga sayo.

 

Alam mo kung bakit ka nasasaktan? Kung bakit akala mo lagi kang narereject? Kung bakit parang hindi sapat yung efforts mo? Na parang walang wala kang nagawang tama sa buong buhay mo? na nagdadrama ka at over acting na?

kasi nga wala kalang sakanya!

Hindi ikaw yung taong gusto niyang gumagawa ng mga bagay na ginagawa mo. Hindi ikaw tung ineexpect niyang nagtext ng mga sweet na text messages.  Wala kang halaga para sa kanya.

Hindi ikaw yung mahal niya. Hindi ikaw yung mahal niya. Hindi ikaw yung mahal niya. Hindi ikaw!!

Dapat dun ka magfocus sa mga taong tanggap at mahal ka. Yung taong nirerespeto ka at may pakialam sa nararamdaman mo. Dun ka sa taong aalagaan ka kasi gusto talaga nila. Dun ka sa taong alam mong kahit kailan hindi ka tatalikuran ng basta basta. Yun ang tamang tao para sayo.

Quotes Nating LahatDonde viven las historias. Descúbrelo ahora