TPM 34

2.6K 65 2
                                    

Eto na! medyo natagalan dahil Hell week, ngayon lang ulit nakapag update.

TPM 34

 

Cess's POV

"Wow!" manghang sabi namin nila Ange. Ang ganda dito sa palawan. Mahangin at ang ganda.

"Cess picture tayo! Hero picturan mo kami" binigay ni Ange yung camera nya kay Gino kaya puwesto kaming dalawa ni Ange.

"Wait sali kami!" sumingit sila Lou samin. Wala talaga sawa ang mga to sa picture kanina pa sila nagpi-picturan.

"1..2.." bilang ni Gino pero hindi na tuloy dahil kanila Kyle, nakisingit din.

"Kami din!" -___- hindi na natuloy yung picture dami sumisingit pati sila Nick nakisingit na din.

"Game na photographer!" sabi ni Ren. Nakakitbalikat na lang si Gino at kinuhaan kami ng picture.

"Isa pa!" hirit ni Spencer. Nagwacky kaming lahat tapos kinuhaan ulit kami ni Gino.

"Isa pa yung look up naman" hirit nanaman ni Spencer pero sinunod na lang namin.

"Isa pa!" -____- ayaw magpaawat neto.

"Tama na, baka masira na yung camera ko sa mukha mo" mataray na sabi ni Ange, eto nanaman sila.

"Wow naman. Masira man lang yan dahil sa gwapo ko"

"Tara na, biglang humangin na malakas eh baka bumagyo" nailing na sumunod kami kay Ange, mga bitter ata ang mga to baka bandang huli sila pa rin ang magkatuluyan.

"Sino sino magkakasama sa isang room?" tanong ni Kyle. Nagkatinginan naman kaming lahat tapos nagsalita sila na hindi kami nagkakaintindihan. 

"Tahimik!" nagsitahimikan kaming lahat sa sigaw ni Mia, tiklop lahat kapag si Mia na yung nagsalita. "Magbunutan na lang tayo kung sino magkakasama sa isang room. Dalawa lang pwede sa isang room diba?" tanong ni Mia kay Ange tapos tumango si Ange sa kanya. "Akin na yung string" agad kinuha ni Cyrus yung string tapos binigay kay Mia.

"Pano yan 13 tayo, yung isa magso-solo?" tanong ni Nick.

"Oo, yan pumili na kayo na magtigil kayo" sabi ni Mia tapos sinunod namin sya mukhang naiinis na eh. Ang haba ng sinabi. "Pagkasabi ko ng tatlo hilahin yon yung string nyo tapos hanapin nyo ang magiging kasama nyo sa room" tumango kaming lahat tapos hinintay matapos magbilang.

"Yes! destiny talaga tayo Pancake!" masayang sabi ni Kyle tapos niyakap si Kath, PDA talaga. Pero swerte nila ah silang dalawa ang magkasama sa room kaya walang ilangan. Napatingin ako sa string na hawak ko na bigla may humila. Para akong timang na sumunod sa paghila ng string, -___- gusto ko na mahiga eh.

The Probinsyano in ManilaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon