TPM 29

2.5K 61 5
                                    

TPM 29

Mia's POV

Malapit ng mag uwian pero wala pa rin si Probinsyano, kanina pa tapos ang lunch pero hindi pa din sya bumabalik. Kaya tong limang to hindi mapakali sa kinauupuan nila kanina pa tingin ng tingin sa labas at kung may papasok man sa pinto agad nilang titignan to pero kapag hindi si Probinsyano yung pumasok agad malulungkot. Masyado naman sila nag aalala sa Probinsyanong yon hindi lang nakabalik kung ano na pinag iisip katulad na lang na baka mapahamak si Probinsyano, baka may nangyari sa kanyang hindi maganda at kung ano pa.

Nandito naman sila Nick kaya sigurado walang nangyari sa Probinsyano yon. Wala namang cellphone si Probinsyano kaya hindi din nila matawagan. Kaya ang nagawa na langnila ay maghintay na dumating si Probinsyano.

"Nasan kaya si Gino" nag aalalang tanong ni Cess. Paulit ulit na tanong nila. Hindi ba sila marunong kumalma huh? akala mo naman batang nawawala si Probinsyano kung makapag alala. Malaki na yon at kaya nya sarili nya kaya wala dapat sila ipag alala.

Naramdaman kong nagvibrate cellphone ko kaya kinuha yon sa bulsa ko at tinignan ng palihim, baka mamaya makita pa ng matandang boring magturo na nagce-cellphone ako at kunin pa. Madami akong files na dapat gawin dito kaya hindi pwedeng makuha o mawala to.

Kumunot noo ko ng makita kong Unknown Number ang nagtext sakin. Kung isa to sa biro ni Kyle malilintikan sya sakin.

From: Unknown Number

Si Gino nasa freezer ng caf.

 

Mas lalo kumunot noo ko. What the heck is this? sino ba tong Unknown Number at bakit nasa freezer si Probinsyano? re-replyan ko sana sya ng magtext ulit sya.

From: Unknown Number

Pumunta ka na don bago pa mawalan ng malay si Gino.

Tsk..may hindi nga magandang nangyari sa Probinsyanong yon. Tumayo ako at nagpaalam na magC-CR ako hindi muna dapat malaman nila Cess tungkol dito baka mamaya hindi sila magpauwi ng estudyante hanggat hindi nila nakikita kung sino may gawa kay Probinsyano neto. Gusto pa naman non magdusa muna bago makauwi ng bahay. Pero syempre mas malala ako sa kanila.

Pagkarating ko sa caf. agad ako pumunta sa kinaroroonan ng freezer. Bago ko buksan ang pinto, nilow level ko ang lamig ng freezer tsaka ko binuksan pinto. Nagulat ako ng pagkabukas ko ng pinto ay natumba si Probinsyano sakin kasabay non ng pagbilis ng tibok ng puso ko. Bakit ako kinabahan bigla?

Pinalipas ko muna ang nararamdaman ko at inasikaso si Probinsyano. Kinuha ko ang jacket na kinuha ko sa locker bago ako pumunta dito at isinuot sa kanya kahit nahihirapan ako dahil nakayakap sya sakin. Putek chansing na to ah.

"Iha! anong nangyari?" napatingin ako kay Manang na dumating. Tinignan nya si Probinsyano at biglang sumigaw ng napakalakas, nakalunok ba sya ng mic? -____- sakit sa tenga ah.

"Eto na po!!" isa rin to eh nakalunok ba ng mic ang mga nagtra-trabaho sa caf.?

The Probinsyano in ManilaDonde viven las historias. Descúbrelo ahora