TPM 31

2.7K 73 0
                                    

TPM 31

 

Angela's POV

-3- naman si Mia ko eh ayaw magsalita kung ano talaga nangyari sa kanilang dalawa ni Hero. Nakakagulat kaya yung nakita namin sa picture, ang hot sobra hahaha. Para kami nakakita ng SPG sa ginawa nila eh. Sobrang pula ng mga mukha nila Hero kanina hahaha.

"Madaya ka talaga Mia. Sabihin mo na kung ano nangyari sa inyo ni Gino" sabi ni Kath, nasa sala kami ngayon nila Mia tapos yung dalawang lalaki nandon sa kwarto ni Hero. Pinipilit din na magsalita.

"Hindi ko alam na ang hot mo palang humalik huh" nakangising sabi ni Cess habang tinitignan yung picture. Napatawa kami ni Kath dahil namula ng konti si Mia. Nahihiya pa hahaha.

"Shut up" sambit nya pero mas lalo kami natawa. Ngayon ko lang nakitang ganto si Mia lalo na si Hero ang dahilan. Ang cute.

"Kung ayaw mong sabihin kung ano talaga ang nangyari. Kay Gino na mismo natin malalaman ang lahat" napatingin kaming tatlo kay Cess tapos may nilabas syang cellphone nya at may pinindot pindot don.

"Wag kami Gino. Iba na lang. Sabihin mo na kung ano talaga nangyari sa inyo ni Mia" boses ni Cyrus yon ah. Hindi kaya..

"Nagplano kami ni Cyrus kung sakaling hindi mo sabihin samin kung ano ang nangyari sa inyo. Si Gino naman ang magsasabi kanila Cyrus dahil mukhang mapipilit nila magsalita si Gino." kumindat si Cess kay Mia, napangiti ako hindi dahil sa malalaman na namin ang nangyari kundi nagkakabutihan na yung dalawa.

"Wala naman yung mga babae kaya sabihin mo na kung ano talaga ang nagyari at bakit ganon kayo kahot mag you know hahaha!" -Kyle. 

"Kung ano ano nanaman lumalabas sa bibig mo Kyle lalo tuloy namumula si Gino hahaha" -Cyrus, ang lakas nilang mang asar. -___-

"Ano ba kayo?! haist kasi naman eh"  -Hero, siguro pulang pula talaga ang mukha nya.

"Sabihin mo na kasi kung ano nangyari. Tayo tayo na nga lang nandito ayaw mo pang sabihin" -Cyrus.

"Hindi ko alam kung pano uumpisahan eh"-Hero

"Edi simulan mo kung bakit nawala ka nung lunch time" -Cyrus

"Ah..yun ba..nacorner ako nila Nick kaya nawala ako non. Hindi ko na masyado alam ang nangayri dahil pinagbubugbog ako nila Ren hanggang sa nawalan na ako ng malay."

"ANO?!" kaylangan sabay pa sila. Pero ginawa nila Nick yon? napatingin ako kay Mia, nakakunot noo sya at mukhang wala din syang alam don. 

"Tapos nagising na lang ako nasa loob na ako ng frezzer"

The Probinsyano in ManilaWhere stories live. Discover now