Chapter 1

17 2 0
                                    

"Yung totoo? Hindi ka ba napapagod dyan sa pasulyap-sulyap mo? Mula 1st year ganyan na ginagawa mo kulang na lang sundan mo yang si Ellrix hanggang banyo---"

"Ssh! Wag ka maingay Serina, baka marinig ka nya! Tsaka anong hanggang banyo ka dyan! Hoy fyi lang ha, crush ko sya pero hindi ako stalker noh!" walang lingon na sambit ko sa kanya. Nandito kami ngayon sa may gilid ng pader nagtatago at umaasang hindi mahahalata ang pasulyap-sulyap ko.

Kasalukuyang naka-upo ngayon sa isang bench na katapat lang ng room nila habang hawak ang gitara at kinakalabit nito ang mga string habang nagha-hum... Ellrix Cane Villegas, sya ang lalakeng matagal ko nang gusto .

Grabe bakit kahit nakaupo lang sya at nakatuon ang atensyon sa kanyang gitara ay ang gwapo-gwapo nya? Parang ang sarap tuloy maging gitara.

Ako na lang kalabitin mo!

Mula sa kinatatayuan ko ay kita ko ang matangos nyang ilong at ang makinis at maputi nyang balat. Na halos kuminang kapag natatamaan ng araw. Ang manipis at mapula nyang labi na mapang-akit. Tama lang din ang katawan nya, may muscle pero hindi ganon kalaki. Makapal ang kilay nya at dinaig nya pa ako dahil sa haba ng pilik-mata nya. Pero ang pinaka-gusto ko talaga ay ang mga mata nya dahil sa golden brown na kulay nito na talaga namang napaka-gandang titignan.

Muntikan na ako mapatili nang makita ang maliit na ngiti nito. Minsan ko lang makita ang ngiti nya, kaya daig ko pa ang inasinan na bulate dahil sa ngiting yon. Bilang na bilang ko sa kamay dahil kadalasan ay blangko lang ang mukha nito, hindi mo alam kung masaya ba o wala sa mood. Hindi rin naman ganon ka-ingay ang aking sinisinta at kadalasan ay mas gusto nitong mag-isa. Makikita mo lang itong ngumiti kung hawak ito ang mga instrumentong alam nyang patugtugin tulad ng gitara, piano, violin at kung ano-ano pa. Marahil mahal na mahal nya ang musika dahil ang mamahaling ngiti nya ay makikita mo lang kapag tumutugtog o nakanta sya.

Ilan lang yan sa mga mahalagang bagay na nalaman ko sa nakalipas na apat na taon kong pagnakaw-tingin at pagsunod sa kanya.

"Alam mo I quit!" magtatanong na sana ako ng bigla ako nitong hilahin na sya namang kinagulat ko. Natigilan pa ako sa ginawa nya at hindi nagproseso ang dahilan ng paghila nya pero agad rin akong nagpumiglas ng maintindihan ko ang binabalak nya.

Hinihila nya ako patungo sa kinaroroonan ni Ellrix!

"Alam mo Aitana, nakakapagod nang panoorin ka habang nagtatago at pasulyap-sulyap dyan sa crush mo, kaya ngayon eto na ang tamang panahon para humarap ka sa kanya. Ilang buwan na lang e ga-graduate na tayo kaya kapalan mo na yang mukha mo!" pagod ngunit puno ng determinasyon na sabi nya.

Halos magmakaawa ako na tumigil sya at kung ano-anong suhol na ang sinabi ko sa kanya para lang magbago ang isip nya. Pero ang gaga hindi nagpatinag at patuloy lang sa paghila sa akin.

Nang malapit na kami sa pwesto ni Ellrix ay agad kong napansin ang ilang kababaihan na alam kong tulad ko ay may pagtingin rin sa lalaking ito. Maaring tulad ko ay pinapanood lang din nila ang ginagawa ng binata at marahil pati rin sila ay nakita ang ngiting yon ni Ellrix na ang sarap ipagdamot.

Napansin ko ang unti-unting pagkunot ng mga noo nila nang makita nila akong naglalakad papunta sa pwesto ni Ellrix pero kung tututusin hindi lakad ito e, more of kinakaladkad. Para bang isang kasalanan ang pagpunta ko sa harap ng binata, parang isang pribadong lugar ito kaya ganon na lang ang pagkunot ng mga noo nila.

Sa maniwala kayo o hindi, hindi ko to ginusto! Nakikita nyo ba to?! Hila-hila ako oh!

Nang makarating kami sa mismong pwesto ni Ellrix agad itong tumigil sa pagstrum ng kanyang gitara at mabilis na tinuon ang paningin sa amin. Halos matumba ako ng dumako sa akin ang kanyang paningin, pumunta kase sa likod ko si Serina ng makalapit kami. Puno nang pagtataka ang kanyang mga magagandang mata pero wala kang makikitang kahit na anong reaksyon sa gwapo nyang mukha. Halos manginig ang tuhod ko, hindi ko kinakaya ang mga titig nya.

Like A StarUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum