Chapter 3

8 2 0
                                    

You can play the video sa may media and try to imagine na babae ang natugtog. Thank you! - _AuReveur

_____________________________________________

"And that happened almost 4 years ago.." pagpapatuloy ko.

"What?! So you mean sinundan mo sya dito?" nanlalaki ang dalawang mata nya ng sabihin sa akin.

Nahampas ko kaagad sya dahil sa sinabi nya. "Sira! Nung pumasok ako dito hindi ko alam na dito rin sya mag-aaral, tsaka alam mo namang scholar ako at imposibleng makapasok ako dito kung hindi ako nakakuha ng scholarship. Tsaka bakit ko naman susundan yon, crush ko lang sya pero hindi ako stalker at hindi ko rin alam ang pangalan nya noon," paliwanag ko sa kanya.

Eto ang isa sa pinagkaiba namin ni Serina, sya ay galing sa mayamang pamilya at may mga magulang na mahal na mahal at suportado sya, kabaligtaran ko na para bang isang malaking kasalanan kina Tita ang gustuhin kong makapag tapos sa pag-aaral.

Dahil nga hindi naman ako suportado ng tiyahin ko, naghanap ako ng school na nag-ooffer ng scholarship dahil alam ko namang kahit sa public ako ay hindi ako bibigyan ni Tita ng allowance, pahirapan din yon dahil nasa limang libo ang nag-exam at sa kabutihang palad isa ako sa limang nakapasa sa exam nila. Sobrang hirap ng exam pero reasonable naman dahil sagot nila ang tuition fee, expenses at syempre may allowance din.

Halos magtatalon ako sa tuwa ang may tumawag sa akin at sinabing nakapasa ako sa exam nila at isa na ako sa scholar at halos isang linggo lang bago ang pasukan non ay binigyan na agad nila kami ng allowance para sa tatlong buwan. Tinago ko kina Tita yung allowance ko dahil paniguradong hihingin nila yon at syempre hindi ako makaka hindi sa kanila dahil nga nakikitira lang ako sa kanila.

"Sabagay may point ka naman, pero teka pano ka nakabalik dun sa bahay ng hinayupak mong Tita?"

"Nung okay na ako, tinanong ako nung driver nila kung saan daw ba ako nakatira, nung una nag dalawang-isip pa ako kung sasabihin ko ba sa kanila, kase nga baka mamaya kapag umuwi ako doon palayasin lang ako. Tinanong pa nga ako nung driver kung bakit ako nandon at mag-isa, hindi ko lang masabi na iniwan ako ng tiyahin ko. Gusto kong sabihin ang totoo sa kanila pero hindi ko ginawa dahil ayokong kaawaan nila ako o kaya isipin nila na nagpapa-awa ako, kaya in the end ang sinabi ko na lang is napahiwalay ako sa mga kasama ko. Tapos ayon hinatid na nila ko."

"Buti hindi ka pinalayas nung naka-uwi ka,"

Napa-iling ako ng maalala ko ang itsura ni Tita ng makita ako sa labas ng gate, nung nakita nya ako ay handa na syang sigawan ako pero nung makita nyang may tao sa likuran ko ay biglang umamo ang kanyang mukha at bigla akong niyakap na akala mo e alalang-alala sa akin. Gusto kong pumalakpak dahil talaga namang kapani-paniwala sya at bagay na bagay gawaran ng best actress award.

Nasa likod ko non si Ellrix, kasama sya sa paghatid sa akin. Tanda ko pa rin yung pakiramdam na magkatabi kami sa loob ng sasakyan, maging ang mamahaling amoy nya ay tanda ko parin hanggang ngayon. He smell so good, ito yung amoy na hindi masakit sa ilong at hindi rin matapang. Tama lang. Buong byahe namin ay tahimik lang sya, ni hindi nya manlang ako kinausap. Ang huli naming pag-uusap ay nung sinalat nya ang noo ko pero hindi ko parin matatawag na nag-usap kami sa lagay na yon, dahil sya lang ang nagsasalita at habang ako naman ay nakatitig lang sa kanya.

Tsaka lang sya magsasalita kapag may itinatanong si Kuyang driver sa kanya o kaya may sasabihin sya. Pero sa akin wala talaga. As in wala. Para ngang wala syang kasama dahil ni sulyap sa akin ay wala syang binigay. Pero okay lang, hindi naman araw-araw e may makakatabi akong gwapo at mabangong lalaki.

"Kahit na nakita nyang kasama ko na si Tita non ay hindi sya umalis, umalis lang sila nung naisarado na yung gate, tsaka kaya hindi ako pinalayas ni Tita dahil saktong kailangan nila ng pera at hindi naman sila makakakuha ng pera kung walang pirma ko," dugtong ko pa.

Like A StarWhere stories live. Discover now