Chapter 10

13 0 0
                                    

"Serina, kumalma ka nga."

Imbis na kumalma ay binigyan nya ako ng masamang tingin. Kung nakamamatay lang ang masamang tingin baka kanina pa ako nakabulagta.

"Kumalma? How can I calm down?! This never happen in my 21 years of existence, ngayon lang!"

Napangiwi ako sa sinabi nya. Mukhang imbis na kumalma mas lalo pa syang nag-alburuto.

"Ang lalake na yo'n, sinasabi ko na nga ba, gusto nya talaga akong isabutahe." Gigil na sambit pa rin nya habang masama ang tingin sa labas ng pintuan.

Kung nakakasunog lang ang mga tingin nya kanina pa nagliliyab ang pintuan.

Yung kawawang pintuan na lang ang pinagdidiskitahan nya dahil bago pa nya mahabol si Ellrix ay hinila ko na agad sya at pinilit na pinaupo habang si Ellrix naman ay hindi ko alam kung nasa labas lang o tuluyang bumaba.

"Bakit naman nya gagawin yon?"

Hinawi nya ang kanyang buhok at mayabang na ngumisi sa akin. "Simple, because that  guy can't accept na sa aming magpipinsan ay ako ang pinaka ma-appeal."

Naguguluhang tinignan ko sya. Inirapan naman nya ako nang makita ang naging reaksyon ko.

Ibang klase din, naisingit pa nya yon?

"What? Totoo naman kase, kaya nga hindi ko maintindihan kung bakit nagka-gusto ka sa lalake na yon. He's not gwapo naman. He's tall but not gwapo at ALLL."

I just shake my head at hindi na nagsalita pa.

"Why are you shaking your head? Hindi ka ba nag-aagree?"

"Hindi naman sa gano'n--"

"Ay no, Aitana." Hinead to toe nya pa ako.  "I know that you like that cousin of mine but believe me, madami pang mas gwapo dyan. He's boring kaya na kasama. 'Pag yon ang kasama ko, nako! Mapapanis laway mo dahil sa sobrang tahimik nyan. Kung hindi natutulog, nagkukulong sa music room para lang tumugtog o kaya naman nagbabasa ng kung ano-ano. Sya yung tipong kapag kasama namin sa party o kaya sa bar imbis na makihalubilo sa mga tao andon sya sa isang sulok and guess what he was doing?"

"Playing with his phone?"

"Eek! Wrong answer! Mas okay pa siguro yung nagce-cellphone lang sya pero ang ugok kung hindi natutulog habang naka headphone ay nagbabasa! Imagine my shock when I saw him reading while we are at the bar?! Jusmiyo, Aitana! Ano ba akala nya sa bar, tulugan? Library?"

I can imagine Ellrix na nasa isang sulok ng bar habang nakapikit at natutulog habang ang paligid nya ay puno ng ingay at mga nagsasayawang mga tao--

"Don't tell me you're daydreaming right now, Aitana?"

Kahit walang iniinom ay bigla akong nasamid sa sinabi ni Serina.

"H-hindi a." Depensa ko.

Sa tingin sa akin ni Serina alam kong hindi sya naniniwala sa palusot ko.

E ano magagawa ko? Alam ko namang malayong makita ko si Ellrix sa ganong pagkakataon kaya hanggang imagination na lang ako.

"I can't believe you. Nag-rarant ako dito tapos ikaw nakuha mo pang mag daydream dyan? You're incurable. Malakas na tama mo, Aitana."

Napakamot naman ako sa batok at isang hilaw na ngiti ang naibigay ko sa kanya ng mahuli nya ako.

"I don't understand why you like that guy. Ano bang nagustuhan mo dyan sa p--"

"Haha, Serina amuyin mo nga kung mabago yung perfume na nabili ko." Agad kong nilapit sa bibig nya ang palad ko para pigilan syang magsalita.

"Mmmm,mmm!"

Like A StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon