Chapter 4

9 0 0
                                    

           Matapos nang pagkikita namin ni Ellrix ay dumating na rin agad si Serina. Kahit hindi ko sabihin sa kanya alam kong napansin nya ang pamumula ng mukha ko, hindi ko na hinintay na magtanong pa sya, sinabi ko na lang sa kanya ang nangyare bago sya dumating.

Hanggang ngayon para akong mabubulunan kapag naaalala ko yung nangyare kanina, ganon na lang ata talaga ang impact ng pagka-usap sa akin ni Ellrix.

At tulad ng inaasahan sinermonan nanaman ako nito na kesyo bakit hindi ko sinamantala ang pagkakataon para umamin kay Ellrix, at tulad ng lagi kong sinasabi 'hindi ko pa kaya'

Hanggang sa magkahiwalay kami ni Serina ganon parin ang sinasabi nya. Kinukumbinsi ako na umamin at tutulungan nya daw ako. Pero hindi ako nagpatinag dahil bukod sa wala akong lakas ng loob hindi ko rin alam ang sasabihin. Baka mamaya mag mukha lang akong tanga sa harap nya. Tama na muna yung pagkapahiya ko ngayong araw, ayoko nang sundan pa.

Kasalukuyan akong naglalakad pauwi, mula school hanggang bahay naglalakad ako. Naglalakad ako tuwing pauwi para makatipid dahil hindi ako makakahingi kina Tita. Kaya hanggat maari magtitipid ako.

Bago pumasok ay huminga muna ako ng malalim at saglit na pumikit.

Heto nanaman tayo.

Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang ng bahay, galit na mukha ni Tita ang sumalubong sa akin.

"Punyeta! Hindi bat sinabi ko sayo na umuwi ka ng maaga! Alam mong maglalaba ka ngayon pero nagpagabi kapa! Hoy, baka nakakalimutan mong palamon ka lang dito at hindi mo ito bahay para umuwi ka ng kahit anong oras mo gusto!" pasimple kong sinilip ang relo at iniwasan na mapa-irap na isang minuto lang akong nalate pero kung pagalitan ako akala mo naman ilang oras akong nalate ng uwi.

Dala-dala ko pa ang bag ko patungo sa maliit na kwarto kung nasaan ang washing machine. Hindi ko manlang naibaba ang bag ko dahil pinagtutulakan na ako ni Tita papunta dito. Ni hindi parin ako nakakapag-bihis.

Pagkapasok na pagkapasok ko tumambad sa akin ang dalawang basket ng mga damit nila. Napapa-iling na pinatong ko ang bag ko sa cabinet para hindi mabasa.

Hindi ko maintindihan kung bakit ganito kadami ang labahin ko ngayon e kung tutuusin naglaba naman ako nung nakaraang araw.

Ang una kong ginawa ay paghiwalayin ang de kolor sa puti, kinula ko muna ang puti bago ko simulang labhan ang mga de-kolor. Tinupi ko muna ang long sleeves ko para hindi mabasa, habang umiikot ang washing sumaglit muna ako sa taas upang magpalit ng damit at maisama ang uniform ko.

Matapos kong maglaba ay sinampay ko na rin agad ang mga ito para matuyo, papasok sana ako ng kusina para kumain ngunit hindi ko na natuloy ng marinig ko ang boses ni Emmily.

"Ma, yung mga kaklase ko nakabili na sila nung latest iphone, ako na lang ang wala non! Hindi naman pwedeng napaghuhulihan ako!"

Narinig ko ang pagsita ni Tito sa anak pero agad na sumabat ang boses ni Tita.

"Magkano ba yon?"

"78,000."

"Oh sya maghintay ka ng mga ilang araw pa, sa susunod na linggo naman e makukuha natin yung allowanace ng palamunin mong pinsan. Ipandadagdag ko na lang yung mga pera na natira sa akin nyang si Aitana para makabili ka," nagsimula na namang kumuyom ang mga palad ko sa mga narinig ko.

Saglit na umirit ang pinsan ko, "The best ka talaga Mama! Eh taka lang, ano bang balak nyo dyan kay Aitana kapag naka-graduate yan? Omg, don't tell me dito parin yan! Ma, ayoko nang kasama yan dito!"

"Ano pa ba? Edi palalayasin. Perwisyo lang naman sa atin yang pinsan mo na yan. Naaalibadbaran ako sa pagmumukha nyan tuwing nakikita ko ang babae na yan, tsaka kung hindi naman dahil sa pera ng mga magulang nyan hindi ko yan tatanggapin dito. Pasalamat pa nga sya at kinupkop ko sya kahit na sagad sa buto ang galit ko sa nanay nyan,"

Like A StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon