Kabanata 1

4 1 0
                                    

"Apo, mako naku pu. Tandyanan yula ring binilin ku neh." Bilin niya habang bitbit-bitbit ang maliit na bag na naglalaman ng kanyang mga damit.

Ngayon ang alis niya patungong Maynila, dahil pinapapunta siya ng kanyang 'minamahal' na nanay. Nagulat na nga lang siya kasi bigla itong tumawag sa tita niya, ang sabi raw nito ay lumuwas siya sa Maynila tutal wala naman siyang naitutulong dito, ni hindi nga raw siya nag-aaral. Sa edad na disinuebe hindi na siya nag-aaral. Kaya magtrabaho nalang daw siya ng may magawa raw siyang matino.

'Bakit pa mag-aaral kung mas marunong pa 'ko sa titser, ing bie tamu talaga masakit, hay' Yan ang palagi niyang gustong sabihin sa mga pumupuna sa kanya, pero sinasarili niya nalang dahil kapag sumagot pa siya siguradong magkakagyera na naman, at ang kumander ay ang kanyang tiya.

Tango lang isinagot ng apo niya. Malungkot ang mga mata nitong nakatingin sa kanya. Hindi man sabihin ng apo ay alam niyang ayaw nitong umalis siya. Ayaw niya rin naman pero kailangan.

"Tiya ikaw ng bahala kay apo, eme paburen yan." Baling niya sa tiyang nakaupo sa sofa, inungusan lang siya nito bilang sagot kaya napabuntong-hininga na lang siya. 'Pagyan natigok, titigukin din kita tiya, makita mo lang.'

"Mako naka, karakal mu pa sasabyan." Sabay about sa kanya ng isang libo at dalawang daan. "Pagkasyahin mo yan, wag kang gastarol. Buti nga'y binigyan pa kita ng pamasahe, hala sige lumayas kana." Aburidong sabi nito sa kanya kasabay pa ng pagtulak.

Napailing na lang siya. Parang kasalanan pa niyang wala siyang pamasahe. Kung binibigay lang sana nito ang sustenyo ng nanay niya sa kanya, edi masaya, olrayt ebri bodi pa.

Kumaway siya sa apo habang naglalakad papaalis. Nang bigla itong nagsalita. "M-mebis, m-mimingat k-ka, a-apu ko." Mahina at paputol-putol na animo'y nahihirapan. Hindi niya napigilang mapaluha dito, pinilit pa talaga nitong magsalita kahit nahihirapan. Ilang taon na rin ng magka-stroke ito, na nakaapekto sa pagsasalita ng apo.

Mabilis siyang umalis at pumara ng traysikel, baka hindi na siya umalis kapag mas tumagal pa siya. Bumaba siya sa may terminal ng bus. Sumakay siya sa papuntang Maynila. Hindi naman siya ganon ka bobo para hindi mahanap ang sasakyan. Nang magsimula itong umandar ay napa-krus siya, turo iyon ng apo, na pag-aalis ay dapat nagku-krus ng makarating ng ligtas sa pupuntahan.

Habang nakaupo ay nagpipindot siya sa selpon niyang de-keypad na mas matanda pa yata sa kanya, bigay pa kasi ito ng apo niya. Pindot lang siya ng pindot kasi nga dahil sa matanda na ang selpon nagloloko na ito. Kailangan pang pindutin ng ilang beses para mapindot ang kailangan niya.

Abala siya sa paghahanap ng istasyon ng radyo na kanyang papakinggan ng may kumalabit sa kanya. Winaglit niya iyon at nagpipindot ulit. Nabubwisit na siya dahil hindi parin mapunta sa magandang istasyong hinanap niya. Kaya naman ng may kumalabit na naman ay hindi na niya napigilang mainis.

"Ano ba! Kitang may ginagawa yung tao oh!." Sabay sama rito ng tingin, na kaagad niya ring binawi at napangiwi ng makita ang kondoktor ng bus. Nakatingin ito ng masama sa kanya. Kalbo pa naman at ang balbas ay parang nanggaling sa ilong na parang pinahaba lang, masabing may balbas lang ito.

"Miss, kung busy ka ay mas busy rin ako. Kung gusto mo ay bumaba ka nalang, ikaw nalang nga itong hindi pa nagbabayad. Ang lakas ng loob mo!" Mas lalo tuloy siyang napangiwi ng makita ang nagtatalsikang laways. Laways-kasi nga marami.

"Kuya naman para naman tayong  others, wag masyadong hot kuya sige ka malalagas buhok mo. Sayang gandang lalaki mo." Napapahawak naman agad ito sa bumbunang makintab.

"Sige na't bilisan mo. Na-iistress ako sayo miss, sayang effort ko. Kung yung effort ko sanang 'to eh nagamit ko nalang kay Linda my labs, tss." Pagsisintir nito na para bang sasagutan siya ng nililigawan kahit pa mag-effort pa ito. 'Siguradong mabubulag si ateng nililigawan kung ganto ang manliligaw. Mala-black hole na gilagid at shining shimmering bumbunan, masyadong swerte si ate.'

Chegaste ao fim dos capítulos publicados.

⏰ Última atualização: Mar 25, 2021 ⏰

Adiciona esta história à tua Biblioteca para receberes notificações de novos capítulos!

The Nanny's DaughterOnde as histórias ganham vida. Descobre agora