Kamsa'tash-15 (Honey & Bee)

299 18 0
                                    


"Shower me with your love
Shower me with the love that,
I long for"

Seb

Naiiling na binaling ko yung paningin ko sa kung saan nagbibihis si Raya. Mahirap na magka kuliti.Tuwang tawa ng isip ko.

Even her bedroom I Installed a camera na hindi pa din niya alam.Buong parte siguro ng condo niya. Lalo sa pinto. Kasi entrance yun.

Saan na naman kaya pupunta tong babaeng to. Pagkakaalam ko kasi on leave siya sa hospital ng one week. Opisina malamang.So on leave din ako.

Mabuti naman at hindi napapansin nito na sinusundan ko siya. Mabuti na lang din na hindi na to nag usisa dun sa bulaklak na sinabi ng secretary niya. Palihim kong kinuha yun. Para i-check kung may di kanais- nais na nilagay.Safe yung bulaklak. Pero bakit nakabalot ng itim at ang creepy lang ng pag ka-design. Design pampatay.

I will dig deeper pa sa kung sino man ang may gawa nun.Mahirap maisahan.Lalo't tumitindi ang threat ni Raya ng hindi niya namamalayan. Sooner or later magiging palala na ng palala ang tactics ng kalaban.

Speaking of labas nandito ako ngayon nagbabantay na naman sa kanya.Habang on meeting sila.Bakit ba ang hilig nitong mag meeting sa labas. Eh may meeting room naman siguro sila sa opisina.

Dagdagan pa yung trabaho ko eh. Si Ms.Bagtik pa din pala yung kameeting niya or tamang sabihin na ka date niya.

Alam kong lipstick lesbian yun.Tingin at titig palang malagkit na eh.

Seryoso gaano ba katagal ang meeting nila or halong may landi. Lalo't si bagtik ang ka meeting nito. Hindi ba alam ni Raya na nilalandi siya ni bagtik. Kitams may pa flowers pang bitbit.

Nakasunod ako kay Raya. Papunta siyang mall. Maglakad naman tong babae to akala mo rumarampa.

I watching exactly doon sa dalawang tao. Mukhang gulo to.

Inunahan ko sila at inakbayan si Raya. Alam kong nagulat siya pero hindi ko pinahalata. "Turn right Raya", at sumunod naman siya habang naka akbay at hinapit siya sa beywang.

Tamang lakad lang para hindi mahalata ng dalawa na kanina pa sunod ng sunod sa kanya.

"Straight forward and lean your shoulder on me", bulong ko sa kanya para hindi halata ng nakasunod samin. "Don't panic, honey, I'm here". Kahit halata ko na natatakot na siya.

Sinadya kong pumunta doon sa matao para makapag isip ako ng diskarte.

After ilang minutes, nahuli ko yung isa sa kanila.Inunahan ko na agad ng hampas sa batok para iwas takas. At hinila siya agad sa cubicle ng banyo. Marunong din sa martial arts tong babaeng to.Naunahan ko lang.

Pasimple akong lumabas sa wash room at pinagmamasdan ang isang babae palinga linga. For sure hinahanap nito yung kasama niya.

Inakbayan ko yung babae at piniga sa leeg habang inakay papuntang wash room. Pagkapasok pa lang namin sa loob nagpupumiglas na agad yung babae.

Inambahan niya ko ng suntok sa gilid kaya nabitawan ko. Magaling nga tong mga to. Pero nakahanap ako ng tyempo at nag flying kick sa kanya ayon sapol.Tulog.

Again, I dial Jeth number at agad naman umaksyon at pupunta raw agad dito. Sinabi kong bilisan kasi si Raya ang inaalala ko.

"Jeth, ikaw na muna bahala dito,"tumungo lang siya bilang tugon.

"Sure, go now!" Taboy niya sakin.

Pinuntahan ko agad si Raya sa fast food court kung saan siya umupo.Sinadya ko sa maraming tao just in case na mabulilyaso at matagalan ako doon sa dalawa.

White Love: UhibbukiWhere stories live. Discover now