Kabanata 12: Araw ng mga Patay

18.9K 27 7
                                    

Makikita ang libingan ng San Diego sa dakong kanluran, sa gitna ng mga palayan. Lubhang napakakipot ng daang patungo rito. Ito ay maalikabok kung tag-araw at pwedeng mamangka naman kung tag-ulan. Nababakuran ito ng kalahating bato at kalahating kawayan at may pintong kahoy. Malawak ang libingan at may malaking krus na nakatirik sa kalagitnaan ng bato. 

Isang napakalakas na ulan ang bumuhos ng gabing iyon,Dalawang tao ang abalang-abala sa paghuhukay sa isang bahagi ng sementeryo. Ang isa ay ang tagapaglibing na mabagal na naghuhukay at ang isa ay ang Sepulturero hindi siya mapakali sa kanilang ginagawa, nagpapawis, humihithit ng sigarilyo, at lura ng lura. Sinabi ng sepulturero na lumipat na sila ng ibang lugar sapagkat sariwa o bago pa ang bangkay na kanyang hinuhukay. Hindi niya matagalan ang gayong tanawin, sapagkat dalawampung araw pa lamang itong naililibing mula ng mamatay. Sinusunod nila ang pinag-utos ni Padre Garrote, na walang iba kundi si Padre Damaso, ang kura paroko ng panahong iyon na ilipat ang bangkay sa libingan ng mga Intsik. Ngunit dahil sa kabigatan ng bangkay at sa malakas na buhos ng ulan, minarapat na lamang nila na itapong ito sa lawa.

Noli Me TangereWhere stories live. Discover now