Kabanata 16: Si Sisa

11.2K 16 0
                                    

Malalim na ang gabi, Mahimbing na ang tulog ng lahat. Pero, si Sisa ay gising. Siya ay nakatira sa isang maliit na dampa na sa labas ng bayan. May isang oras din bago narating ang kanyang tirahan mula sa kabayanan. Naging asawa nito ang isang walang pusong lalaki ito ay si Pedro na laging palakad-lakad lamang at nakikipagsabong, bihira lamang silang magkita at kung magkita man ay sakit ng kalooban pa ang ibinibigay kay Sisa minsan pa nga ay ipinagbibili pa ni Sisa ang kayang alahas para sa bisyo ng asawa at kapag wala na siyang nabibigay ay sinasaktan nya na ito. Hindi niya asikaso ang mga anak, tanging si Sisa lamang ang kumakalinga kay Basilio at Crispin. Mahina ang kanyang loob at nangingibabaw ang puso kaysa mga isipan kaya nagagawa na lamang nya ay umiyak at magtiis. Para sa kanya ang lalaking ito ay ang kanyang Bathala, anghel naman ang kanyang mga anak.  

Bata pa lamang si Sisa ay makikita sa kanyang mukhang siya ay Maganda at kabigha-bighani. May mapupungay na mata na may pilik-matang malalantik yun naman ang nakuhang katangian ng dalawang anak, Matangos ang ilong, may kaputlaan ang labi subalit may kaaya-ayang hugis, ang kanyang hugis ay kayumangging kaligatan. Maayos na nakapusod ang malagong buhok.

Nang gabing iyon, abala siya sa pagdating nina Basilio at Crispin. Mayroong tuyong tawili at namitas ng kamatis sa kanilang bakuran na siyang ihahain niya kay Crispin. Tapang baboy-damo at isang hita ng patong bundok o dumara na hiningi niya kay Pilosopo Tasyo ang inihain niya kay Basilio. Higit sa lahat, nagsaing siya ng puting bigas na sadyang inani niya sa bukid. Ang ganitong hapunan ay tunay na pangkura, na gaya ng sinabi ni Pilosopo Tasyo kina Basilio at Crispin ng puntahan niya ang mga ito sa simbahan. Sa kasamaang palad, hindi natikman ng magkapatid ang inihanda ng ina sapagkat dumating ang kanilang ama. Nilantakang lahat ang mga pagkaing nakasadya sa kanila. Itinanong pa niya kung nasaan ang dalawa niyang anak. Nang mabusog ang asawa ni Sisa ito ay muling umalis dala ang sasabunging manok at nagbilin pa siya na tirahan siya ng perang sasahudin ng anak. Windang ang puso ni Sisa. Hindi nito mapigilan na hindi umiyak. Paano na ang kanyang dalawang anghel. Ngayon lamang siya nagluto, tapos uubusin lamang ng kanyang walang pusong asawa.

Luhaang nagsaing siyang muli at inihaw ang nalalabing daing na tuyo sapagkat naalala niyang darating na gutom ang kanyang mga anak. Hindi na siya napakali sa paghihintay. Upang maaliw sa sarili, di lang iisang beses siya umawit nang mahina. Saglit na tinigil niya ang pagaawit ng kunduman at pinukulan niya ng tingin ang kadilimang bumabalot sa kapaligiran. Nagkaroon siya ng malungkot na pangitain. Kasalukuyan siyang dumadalangin sa Mahal Na Birhen, ng gulantangin siya ng malakas na tawag ni Basilio mula sa labas ng bahay, at nakaramdam si Sisa ng pangingilabot.

Noli Me TangereWhere stories live. Discover now