Kabanata 15: Ang Mga Sakristan

19.4K 20 1
                                    

 Ang magkapatid na sakristan na sina Crispin at Basilio. Sila ang kausap kanina ni Pilosopo Tasyo at sinabihan ng sila ay hinihintay ng kanilang inang si Sisa para sa isang hapunang pangkura. Sa anyo ng hitsura ng magkapatid mapagsisino na sila ya hilahod sa hirap.

May matinding suliraning hinaharap ang dalawang batang sakristan at ito ay lubos na nagdudulot ng kawalang pag-asa ng magkapatid, lalo na kay Crispin, ang nakababata sa dalawa. Pinagbintangan kasi siya ng Pari na nagnakaw ng dalawang onsa o halagang P32.00. Ang sahod lamang nila ay dalawang piso sa isang buwan, kung kayat hindi niya mababayaran ang nawawalang salapi, at ang pataw na multa ng tatlong beses. Hiniling nito sa kanyang kuya na tulungan siyang bayaran ang ibinibintang sa kanya ng pari, bagay naman na tinutulan ni Basilio dahil na rin sa kailangan niya itong ibigay sa kanilang ina upang may makain. Nahiling tuloy ni Crispin na mabuti pang lahat sila ay magkasakit. Nangulila din ang bata sa kanyang ina, na kung ito ay kapiling nila tiyak niyang ipagtatanggol sila nito sa kalupitan ng mga pari. Naisip rin niya na mabuti pa nga ay ninakaw na lang niya ang nawawalang pera at ng sa gayon ay maibabalik pa niya ito at mamatay man siya sa palo ay may maiiwan naman siya sa kanyang ina at kapatid. 

Nag-aalala pa si Basilio na kapag nalaman ng kanilang ina napagbintangang nagnakaw si Crispin, tiyak na magagalit ito. Pero, sinabi ni Crispin na hindi maniniwala ang kanilang ina sapagkat ipakikita niya ang maraming latay na likha ng pagpalo ng kura at ang bulsa niyang butas-butas na walang laman kundi isang kuwalta na aginaldo pa niya noong pasko, na kinuha pa sa kanya ng masamang kura.

Bukod sa mga palong tinatamo ni Crispin, gutom na gutom na rin siya sapagkat hindi na siya pinapakain mula ng siya ay pagbintangan. Patuloy na nag-uusap ang magkapatid tungkol sa kanilang kalagayan at hindi nila namalayan ang pagpanhik ng sakristan mayor. Narinig nito ang kanilang pag-uusap at nagpupuyos ito sa galit. Pinagmulta niya si Basilio dahil daw sa salang maling pagpapatugtog nito sa kampana. Sinabi naman nito kay Crispin na hindi siya makakauwi hanggat hindi niya ibinabalik ang ninakaw na salapi. Tinangkang mangatwiran ni Basilio, bagay na nakapagpahamak pa sa kanya sapagkat hindi siya papauwiin hangang hindi ika-sampu ng gabi. Ang desisyon ng sakristan ay lubhang mapanganib para kay Basilio sapagkat mahigpit na ipinapatupad ng guwardiya sibil na bawal ng maglakad ang sinuman bago sumapit ang ika-siyam ng gabi. Pagkasabi nito ay  hinawakan sa bisig at akmang kakaladkarin na ng sakristan mayor si Crispin at tinangkang makiusap ni Basilio dahil sa pangamba at awa sa kapatid. ngunit tinapik ng sakristan mayor sa kamay si Basilio at hinila na si Crispin at kinaladkad na ito pababa ng hagdan.  Dinig na dinig nito ang kalabog ng katawan at daing ng kapatid dahil sa sakit na nararamdamanat unti-unting nawawala ang tinig ng kapatid. Wala siyang magawa kundi ang matulala at balutin ng matinding paghihinagpis, awa, at kawalang pag-asa na may magawa siya para tulungan at baguhin ang kalagayan ng kapatid. Sa kabila ng kamusmusan ng kaisipan ay tumindi ang pagnanais na makapag-araro sa bukid upang maka-alis sa kalupitan ng simbahan.

Pumunta naman si Basilio sa ikatlong palapag at kinalag ag lubid na nakatali sa batingaw. Makikita ang bakas ng galit sa kanyang mukha pero walang bahid na luha. Bumababa na ng kampanaryo si Basilio habang sa labas naman ay humupa na ang ulan at ang kalangitan ay unti-unting nagliliwanag.

Noli Me TangereWhere stories live. Discover now