CHAPTER 3

145 2 0
                                    

Kinabukasan ay maagang nagising ang mag iina ganun din si marty para mag handa ng agahan para sa kanyang panibagong pamilya. Matapos maka pag handa ng agahan ay tinawag na niya ang kanyang kaibigan maging ang inay at bunso kapatid nito.

" Nako maraming salamat Marty! Ang dami naman nitong pag kain" ang nahihiyang saad ng nanay ni Gian sa kay Marty

" Nay, ako po ba kayo. Welcome party na po ito sa bago kong nanay at mga kapatid" masayang wika ni marty sa mag iina

" Thank you po, Ate Marty!" pasalamat naman ni Buknoy ang bunsong kapatid ni Gian sa kanya

" Maraming salamat bes! Hulog ka talaga ng langit" wika naman ni Gian sa kanya

Nag salo salo silang lahat at masayang nag agahan. Matapos nilang kumain ay nag presenta na ang Nanay ni Gian na siya na ang bahalang mag ligpit ng kanilang pinag kainan. Ang mag kaibigan naman ay minabuting pag usapan ang pinal na desisyon ni Gian tungkol sa trabahong nais nitong pasukin.

" Napag isipan mo naba bes?" tanong ni Marty sa kanyang kabigan

" Oo bes, sigurado na ako! Lahat ay gagawin ko makaahon lang sa putik na kinababaunan namin" buong tapang na saad ni Gian sa kanya

" Ang iyong trabaho ay iba dahil ako ay isang Transgender woman, ako ay nasa harap ng camera. Ngunit ikaw ay totoong babae at ang kagaya mo ay isasabak sa mga maiinit na tagpo. Kakayanin mo ba bes?" may halong pag aalalang tanong ni Marty kay Gian.

" Kakayanin basta't giginahawa ang buhay namin" makahulugang sabi nito sa kanya

Pinag usapan pa nila kung ano ang mangyayare bago siya ipasok ni Marty sa trabahong pinagkakakitaan niya ng pera. Isa lamang siyang show girl o cybora pero ang mga tunay na babae ay isasabak sa mga mas mataas na kalibre ng mga costumer dahil mayayamang intsek at iba ibang lahi ang nag hahanap ng aliw at nag aantay na handugan ng laman na pag aalayan ng init. Sinabi ni Marty sa kaibigan na sa loob ng isang buwan ay tuturuan siyang mag salita ng english, pano manamit at pumustura. Sa loob ng isang buwan ay mananatili siya sa isang mansyon na kung saan nakatira ang mga babaeng kagaya rin ni Gian na naghahangad na yumaman at mag ka pera. Matapos ang kanilang usapan sa trabaho ay pinag isipan din nila kung ano ang gagawin niyang palusot sa nanay niya upang mapapayag ito, hindi nila sasabihin ang trabahong papasukin ni Gian dahil tiyak na tututol ito. Kung kaya't napag desisyunan nilang sabihin na si Gian ay mag aapply bilang isang sekretarya sa isang mayamang babaeng intsik na kaibigan ni Marty.

" Nay, mag kakaroon na po ako ng trabaho" masayang balita ni Gian sa kanyang ina

" Talaga anak? Napaka gandang balita nga yan. Ano naman ang iyong magiging trabaho at san ka naka hanap?" masayang tanong ng kanyang ina sa kanya

" Nay, kaibigan ko po ang pag tratrabahuan niya. Kinausap ko po kasi ang kaibigan ko kung kailangan niya ng sekretarya. Ito pong si Gian ay nasa wastong edad na kaya natanggap po agad" si Marty na ang sumagot sa tanong ng Ina ni Gian

" Naku! Maraming salamat talaga Marty! Ang laki na ng naitulong mo saamin " pag papasalamat nito sa kanya

" Nay, mamalagi po ako duon ng isang buwan bago ako payagan na mag day off. Dahil sa loob ng isang buwan ay sasanayin ako sa trabahong gagampanan ko. Dito lang po muna kayo kasama niyo po si Marty. Siya po muna ang bahala sa inyo ni Bunsoy" paliwanag naman ni Gian sa Ina

" Ah eh Ganun ba anak? Ayos lang naman saakin. Pero nakakahiya na dito kay Marty!" sabi ng kanya ina

" Naku Nay! Wag na po kayong mahiya sakin. Ituring niyo na po akong anak at kayo naman ang bago kong nanay. Ako po ang bahala sa inyo ni bunsoy" naka ngiting saad ni Marty sa nanay ni Gian

Sa huli ay naging panatag ang loob ng Ina ni Gian sa napipintong pag alis ng anak para sa bago nitong papasukin na trabaho. Wala itong kaalam alam na ang trabahong tatahakin nito ay ang pagbebenta ng laman at pagbibigay aliw sa mga lalaking nag hahangad nito. Ang bunsong kapatid ni Gian ay natuwa rin dahil mag kakatrabaho na ang kanyang ate, at pumayag din ito sa pamamalagi ng isang buwan ni Gian sa bahay ng kanyang pagtratrabahuan hindi bilang isang sekretarya kundi bilang prostitute sa mga bigateng kliyente o iba ibang lahi na nag hahangad at mga uhaw sa tawag ng kamunduhan.

" Bes natawagan ko na si Madam Tanya, okay na daw. Pasok na pasok kadaw" sabi ni Marty sa kaibigan na nag hahanda na ng mga gamit niya

" Mabuti naman kung ganun. Sana lang ay ligtas ako duon at wala anumang mangyareng masama habang naduduon ako" usal ni Gian sa kaibigan

" Huwag kang mag alala Bes, dahil si Madam Tanya ay napaka daming koneksiyon ay protektado ang kanyang balwarte kaya habang nanduduon ka ay wala kang dapat ipag alala" paliwanag naman ng kaibigan kay Gian

" Mabuti naman kung ganun Bes! Sayo ko na muna ihahabilin ang inay at kapatid ko" ang bilin nito sa kaibigan

" Akong bahala bes. Mag iingat ka duon at mamimiss kita" sabi naman ni Marty sa kaibigan

" Mamimiss ko din kayo"

Nang makapag impake na ng kanyang mga damit ay agad naman nag paalam si Gian sa kanyang nanay at bunsong kapatid.

" Mag iingat ka duon anak. Galingan mo saiyong trabaho. Mag aantay kami katapos ng isang buwan" bilin ng kanyang ina sa kanya

" Mag iingat ka duon ate" sabi ni buknoy s nakatatandang kapatid

Matapos makapag paalam ay sumakay na siya sa itim na van na nag aantay sa kanya para ihatid siya sa Mansion ni Madam Tanya Luz. Ang mansion ng makamundong pag nanasa. Nang maka rating siya duon ay agag siyang sinalubong ng isang taga silbinat agad na kinuha sa kanya ang kanyang mga gamit. Namangha siya sa ganda at gara ng mansion at naisip sa kanyang sa sarili na balang araw ay mag kakaroon din siya ng sarili niyang mansion. Bigla siyang bumalik sa realidad ng may mag salita. Isang babaeng kitang kita ang karangyaan. May edad na pero andun padin ang aristocratang aura nito. Nahinuha niya agad na ito si Madam Tanya Luz.

" Maganda diba? Balang araw ay mag kakaroon ka din ng ganito. Basta't mag sisikap ka at gagalingan mong mag trabaho" sabi nito sa kanya

" Magandang hapon po, Madam Tanya" magalang na pag bati ni Gian dito

" No need to be polite iha. Just call me tita" sabi naman nito

" Sige po T - Tita"

" Totoo nga ang sinabi ni Marty, napaka ganda mo nga iha. May karanasan kana ba sa pakikipag talik?" deretsahang tanong nito sa kanya

" Wala pa po tita" buong tapang niyang sagot dito

" Napaka swerte ng lalaking makaka una saiyo iha, nakakapang hinayang lang at hindi ito ang lalaking iyong tinatangi" makahulugang sabi nito sa kanya

Hindi siya umiimik at naisip ang sinabi ng babae sa kanya. Pero kahit mag kaganun paman ay hindi na mababali ang desisyon niyang tahakin ang mundong mag bibigay sa kanya ng mabilis at limpak limpak na salapi.

" Pero wag kang mag alala iha. Malaking pera ang makukuha mo sa una mong karanasan sa pakikipag laro sa apoy" ang wika ni Madam Tanya sa kanya

" 500,000 ang una mong magiging sweldo sa isang gabe. Isang milyong ang magiging halaga ng iyong musmos na hiyas. Sa isang milyon akin ang singkwenta pursyento at sayo ang kalahati" paliwanag nito sa kanya

Nalula siya sa laking perang una niyang makukuha kapalit ng puri niya. May kung anong pag kasabik sa perang mapapasakanya. Sa kagustuhang yumaman maging ang kanyang puri ay ipagbibili. Umusbong sa kanya ang kagustuhang makuha agad ang pera. Ang ganun na kalaking halaga ay makukuha lang niya sa isang gabe. Marami nang bagay na nag lalaro sa isip ni Gian. Kayamanan, karangyaan kapalit lamang ng pakikipag talik.

" Ngunit ikaw ay sasanayin sa loob ng isang buwan. At mag sisismula tayo bukas. Maliwanag ba iha? ano nga ba ulit ang iyong pangalan?" tanong ni Madam Tanya sa kanya

" Gian po"

" Gian Hmm. Mula ngayon ang pangalan mo ay Celestine. Kuha mo Celestine?"

" Opo Tita" sagot ni Gian dito

"Mabuti! Mag pahinga ka na at bukas na bukas ay mag sisismula na ang iyong pag babago" pinal na sabi ni Madam Tanya sa kay Gian o ngayon ay tatawagin ng Celestine.

Enslaved by Sex and MoneyWhere stories live. Discover now