CHAPTER 7

76 2 0
                                    

Samantalang bago matapos ang gabe na iyon ay nag usap usap ang mga babaeng kasama ni Celestine dahil ito ay namumuhi sa kanya. Ang mga babaeng kasama niya na sina Rose, Chelsea, Vhanessa, Zephanie maliban lang kay Martha na labag sa kalooban nito ang pag usapan ng patalikod si Celestine. Alam ng mga babaeng ito na mas nakakahigit si Celestine sa kanila, mas bata, mas maganda at hindi gamit. Ganun nala mang ang galit at inggit nina Vhanessa, Chelsea, Zephanie at Rose dahil si Celestine ang may pinaka malaking pera na nakuha sa gabeng yun. Alam nila kung sino ang naka bili sa kanya dahil ipinag mayabang ito ni Madam Tanya sa kanila. Samantalang sila ay wala pang lalaking kumuha sa kanila upang makasiping sa gabeng yun. Nang makita nilang paalis na si Celestine kasama si Madam Tanya papunta sa mga kwartong nakalaan sa mga kliyente ay mas lalong nagliyab sila sa inggit.

"Ang akala niya, na sobrang ganda niya. Malalaos din siya" mapaklang saad ni Rose

"Masyadong malandi kasi ang Celestine na yun kaya nauna siyang bilhin kesa sa atin" sabi naman ni Zephanie at nag tawanan sila

" Tama ka jan Zeph, natural na ata sa kanya ang pagiging malandi. Kitang kita naman sa kanya kanina na siya mismo ang lumalapit sa mga lalake" saad naman ni Chelsea

"Tigang na ata, nag papanggap lang na virgin para naman kumita" dugtong pa ni Vhanessa

"Huwag naman kayong ganyan. Bago palang siya dito sa negosyong ginagalawan baka nahihirapan din siya hindi niya lang ipinapakita" pagtatanggol naman ni Martha kay Celestine na walang kamalay malay na tinitira patalikod ng mga babaeng inggit sa kanya. Sa mga pag kakataong iyo ay nagsimula nang pag saluhan nina Celestine at ni Xander ang makamundong kaligayahan. Bago matapos ang party ay lahat ng mga babae ni Madam Tanya ay may kanya kanyang lalaking pag sisilbihan pero mas nangingibabaw ang bagong alaga ni Madam Tanya dahil si Celestine ang kauna unahang kumita ng higit Dalawang Million sa isang gabe.

Nang matapos ang gabeng iyon ay nagising si Celestine na hubo't hubad sa kwartong saksi sa pagkakuha ng kanyang pagkabirhen. Kita kita niya na may mantsa ng dugo ang bedsheet ng kamang kinahihigaan niya. Nanghihina ang kanyang kayawan at may sakit na nararamdaman sa kanyang kaselanan. Kinuha niya ang mga damit na naka kalat sa sahig at dahan dahan nag lakad papuntang cr para mag ayos ng sarili.

"Natapos din ang gabeng simula ng tinahak kong trabaho" saad ni Celestine sa kanyang sarili na naka titig sa kanyang repleksiyon. Kitang kita niya ang mga marka at kagat na iniwan ni Xander sa kanilang pagtatalik. Hindi niya maitatanggi na nagustuhan niya ang ibayong sarap na ipinaramdam sa kanya nang lalaking kanyang nakasiping at kumuha ng kanyang pag kababae. Alam niyang yun na ang simula ng kanyang pagyaman. Natuwa siya na isiping isang gabe limpak limpak na salapi ang sweldo niya. Hindi niya pinagsisihan ang kakaibang sensasyon na naramdaman niya kagabe at ngayon ay hindi niya maiwasang mithiin ito ulit.

Nang makapag linis na siya ng sarili ay tama namang may kumatok sa kanyang pintuan. Agad naman niya itong pinagbuksan at nakita niyang isa ito sa mga tagasunod at taga pamahala ng bahay.

"Lady Celestine, ipinapatawag na kayo  ni Donya Tanya. Pagkatapos niyo daw pong mag ayos ng sarili ay sabay sabay daw po kayong kakain ng almusal" saad nito sa kanya

" Maraming salamat po Manang"

Umalis ang katulong at siya naman ay agad na nag tungo sa kwartong binigay sa kanya ni Donya Tanya upang magbihis ng panibagong kasuotan dahil ang suot suot niya ay ang kanyang damit pa kagabe. Matapos niyang maka pag bihis ay agad naman siyang nag tungo sa baba at sa dining hall. Nang makarating si Celestine duon ay nakita niyang andun na lahat ng mga babaeng kasama niya sa trabaho. Nasa gitna si Donya Tanya at ang ibang mga babae ay may kanya kanyang upuan. May naka laan na upuan sa kanya sa kanan bahagi ni Donya tanya. Nang mapansin ng lahat na dumating na siya ay agad na napatitig sa kanya ang iba. May mga naka ngiti sa kanya at meron ding naka irap at halatang galit sa kanyang presensiya. 15 mga babae ang nandito kasama na siya, maliban kay Donya Tanya. Agad na tumayo naman ang Donya para batiin si Celestine, tuwang tuwa ito dahil si Celestine ang nag bigay sa kanya ng napaka laking kita sa gabeng iyon.

"Oh iha Good morning andito kana pala. Here have a sit. Dito ka malapit saakin" masayang saad ni Madam Tanya sa kanya

Sumunod naman siya at nang maka upo na siya at nag simula namang mag salita ulit si Madam.

"Okay ladies, I want you all to meet Celestine. Simula ngayon ay kasali na siya sa pamilya nating ito" paunang saad nito

"Gusto kong maging mabait kayo sa kanya, alam kong may mga inggit sa inyo dahil mas maganda siya sa inyo, mas bata at mas masikip, pero wag na wag kayong aasta ng mas mataas pa sa kanya. Sa mansion na ito ay magkakapatid kayo. Ayaw na ayaw kong maririnig na may nag aaway dito. Maliwanag ba?" mahabang saad niya

Nag pakilala isa isa ang mga babaeng kasama niya sa trabaho, ngunit ang namumukod tanging babaeng nag bigay sa kanya ng ngiti ay si Martha. Kaya ay binigyan niya din ito ng isang matamis na ngiti pabalik.

"First, I would like to congratulate everyone of you, last nights event was a success lahat kayo ay may kanya kanyang kita at malalaki ang mga perang sahod na matatanggap niya. Alam niyo naman na 50 - 50 ang hatian natin sa negosyong ito. Kaya mamaya ay maibibigay ko na sa inyo ang iyong mga Tseke. Pwede kayong mag bakasyon kung gusto niyo pero isang linggo lang. Sa susunod na mga linggo ay wala tayong gaganapin na party dahil may dadaluhan akong importanteng bagay at alam kong mas ikabubuti natin ito at magkakaroon tayo na mas malaking kita. Nakuha niyo ba girls? "

" Yes, tita!" sabay sabay naming sagot sa kanya

Bumaling ang tingin ni Madam Tanya kay Celestine at ngumiti. Nginitian din ito niya din ito bilang ganti. Hindi niya inaasahan ang gagawin nito na mas lalong ikinainggit ng ibang babaeng may tinatagong inggit kay Celestine, lalong lalo na sina Rose, Zephanie, Chelsea at Vhanessa.

"Congratulations Iha, ikaw ang may pinaka malaking pera sa lahat. Ito ang kauna unahang pag kakataon na napakalaking pera ang pumasok sakin sa isang gabe at dahil yon sa iyo." puri nito sa kanya

"Naku, wala po iyon Tita. I tried my best and remembered all your advices and our training to satisfy my costumer. And I don't want to disappoint you" saad naman ni Celestine sa Donya

"See girls, ito ang dahilan kung bakit malaking pera agad ang nakuha ni Celestine sa unang gabe ng serbesyo niya. Kasi mahusay siyang makipag talastasan at sumabay sa mga kausap. Dapat ay hindi niyo kalimutan iyan. Parte nayan ng pagkakakilanlan ng Masion De Luis, ang mga alaga ko ay magagaling mag salita at pino kung kumilos" dagdag pa ng Donya sa kanilang lahat

Matapos ang usapan ay nag simula na silang mag sikain habang kumakain ay mas lalong nag ngitngit sa galit si Vhanessa dahil mukhang may bagong paborito na ang Donya at hindi nayun siya.

"Sipsip at mayabang na babae, kelangan niyang malaman kung sino ang masusunod dito sa mansiyon" turan ni Vhanessa sa kanyang sarili at may plinaplanong masama laban kay Celestine na walang kamuwang muwang sa galit at inggit na nadarama ng iba niyang mga kasamahan.

Enslaved by Sex and MoneyDove le storie prendono vita. Scoprilo ora