Chapter 1

61 6 34
                                    

Camora's P.O.V

"200, 201, 202, 203, 204__250" Agad akong napahiga sa sahig dahil halos nanginig ang mga braso ko at kalamnan sa kakapush-up.

"Dammit! Hindi na ba talaga ako aabot ng 300 push-up!" Pagmamaktol ko sa sarili at pagkatapos lumanghap ng hangin. Napasabunot ako sa sariling buhok dahil sa inis. Agad akong dumapa at malakas pinalo ang sahig sabay tayo.

Kinuha ko ang nakasampay na tuwalya sa gilid at nagpunas ng pawis. Pagkatapos muli na naman akong umupo sa sahig. Inipit ko ang mga paa sa baba ng pintuan kung saan may butas saka humiga. Nilagay ko ang mga kamay sa ulo at huminga ng malalim. Sinimulan ko ang pagsit-up habang nagbibilang. I reached three hundred sit-up and I drank some water to avoid dehydration__bruh just in case. I roamed my eyes and I grinned when I saw my babies.

Okay then! Let's proceed to my favorite routine. Oh yeah, these are my routine in every morning. As I take my double knife I immediately went outside.

Nalanghap ko naman ang preskong hangin. Napapikit ako dahil sa bango ng paligid. Mga dahon, mga kahoy, at sapa ang nasa paligid ng munting bahay ko. Mas pinili namin ni Papa na tumira sa gitna ng gubat at nasa bukid kami ng Hudson. Mas maganda kasi kapag sa bukid titira. Walang gulo at walang sakit sa ulo. But sad to say, my father wasn't here. He is the leader of Redeemer guild, so he's now in the palace. And my mom? She died when I was born.

I opened my eyes and I immediately ran away from my house. Mas binilisan ko pa ang pagtakbo at nadaanan ko naman ang matatayog na puno. I smirked at agad akong nag tambling patagilid sa ere habang nakahanda ang mga kamay kong nakahawak ng mga kutsilyo. Habang nasa ere ako, agad kong pinakawalan ang mga kutsilyo. Naglanding ako sa lupa at deretso namang naitukod ko ang isa kong tuhod. Marahas kong binalingan ang puno na nasa kanan at nakita ko ang isang dahon na nakadikit sa katawan nito dahil sa kutsilyo kong nakatarak. Napangisi ako. Binalingan ko naman ang kaliwang puno at mas lalo akong napangisi dahil nakatarak din ang isa ko pang kutsilyo.

Agad kong inapak sa lupa ang paa kong nakaluhod at agad nagback-flip. Sa aking paglanding, mabilis akong tumakbo papunta sa kanang puno at agad kong binunot ang kutsilyo. Mabilis akong tumalon at buwelo ng sipa sa kabilang katawan ng puno. Narinig ko naman ang paghulog ng mga dahon kaya mabilis kong binaling ang mukha sa gilid at deretso ang tingin ko sa mga dahon. Mabilis kong pinakawalan ang kutsilyo kasabay ng pagtanggal ng tali ko sa dark brown kong buhok. Paglapag ko sa lupa mabilis din akong nag tambling ng apat na beses papunta sa isa pang puno kung saan nakatarak ang isa ko pang kutsilyo. Mabilis ko naman itong binunot at agad nagback-flip. Naglanding ako sa lupa at mabilis kong dinulas ang paa papunta sa likod sabay wasiwas ko ng kutsilyo. Agad akong tumayo ng tuwid at dineretso ko ang aking kamay na may hawak na kutsilyo sa aking likod. Marahas kong binalingan ng tingin ang dahon na ngayon ay nagkapira-piraso.

Tiningnan ko naman ang isa ko pang kutsilyo at nakita kong nakatarak ito sa kahoy na may tatlong dahong natuhog. Napangisi ako ngunit agad ding sumeryoso nang may naramdaman akong tao sa paligid. Napapintig ang mga tenga ko nang may narinig akong pinakawalan na palaso. Mabilis akong tumagilid ng kaunti at nakita ko naman ang palasong dumaan sa aking harapan. Agad kong hinagis ang aking kutsilyo at sabay ang mga itong tumarak sa katawan ng puno. Dikit na dikit ang kutsilyo ko sa palaso.

"Bull's-eye!" Usal ko at ngumisi. Narinig ko naman ang pagpalakpak ng taong nasa aking likuran at sa kanya nanggaling ang palaso.

"You never failed to impress me Camora. Until now dala parin 'yang husay mo sa paggamit ng kutsilyo" Komento niya kaya mas lalo akong napangisi.

"Of course My dear charming friend Davis. Just like you" Sang-ayon ko at nilingon siya. I shrugged habang nakangiting nakatingin sa kanya at agad din siyang ngumiti.

The Redeemer Where stories live. Discover now