Teaser

5.5K 176 20
                                    











"My Secret Pregnancy" (short story)

Mula nang makilala ko siya, naghabol na ako sa kanya pero kung paano niya ako iniiwasan, mas nag-double pa ang ginawa niyang pag-iwas nang may nangyari sa amin. Kung sabagay, ako naman kasi ang habol nang habol sa kanya. Iyong lahat ay ginawa ko para mapaibig at makuha siya. Sa murang edad, nagpakabaliw ako sa isang lalaking mas naka-focus sa pag-aaral kaysa magkarelasyon. Walang nakakaalam sa kabaliwan ko dahil sa mata ng lahat, isa akong babaeng kagalang-galang at mula sa angkan ng respetadong pamilya.

Habang tumatagal, mas lalo niya lang pinaparamdam sa akin na wala akong halaga hanggang sa napagdesisyunan kong iiwasan ko na siya. Humingi ako ng kapatawaran sa panggulo ko ng buhay niya bago lumipad sa ibang bansa.

Kailangan kong mag-isip at mahalin muna ang sarili ko. Sobrang sakit pero kailangan ko ngang bigyan ng respeto ang sarili ko bago ako humingi ng halaga mula sa ibang tao.

Ang hindi niya alam, nasa sinapupunan ko talaga ang magbubuklod sana sa aming dalawa at bubuo para maging isang pamilya pero ano ang magagawa ko kung ayaw niya sa isang katulad ko?

Ilang taon na ang lumipas, wala pa ring pagbabago ang Pinas pero ang pagmamahal ko sa kanya ay naglaho na . . . iyon ang aking inaakala. Nakita ko siya, may kasamang iba. Ngayon ko lang napagtanto na ang tanga ko nga talaga! Dahil sa loob ng mahabang panahon, hindi pa pala ako naka-move on sa kanya. Taon na ang lumipas pero bakit pakiramdam ko, kahapon lang ako nagkasugat?

I am Tangerine Villafuerte, this is my secret story.

A/n:

Two chapters lang o depende. Basta short story lang siya.





My Secret PregnancyWhere stories live. Discover now