Ending...

4.5K 170 44
                                    




Unedited...

Matapos niyang marinig ang side ni Rafael ay umuwi siya sa bahay at hindi nakipag-usap kahit kanino. Sa kwarto lang siya at nagmukmok. Hinayaan na muna siya ng pamilya hanggang sa umabot na ng isang linggo ang pananahimik niya kaya kinausap na siya ni Blue.

"Gusto ko pong mapag-isa," sabi niya na nakaupo sa kama, magulo ang buhok at nanlalalim ang mga mata. "Sa loob ng mahigit pitong taon, niloko ako nina Kuya at Grey. Ne hindi man lang ako nilapitan ni Rafael at kinausap. Masama ang loob ko, daddy. Sana sa loob ng mahabang panahon na iyon, naging masaya kami kasama ang anak namin pero mas pinili nilang ilihim ang lahat sa akin."

"At sa loob ng mahabang panahon na iyon, itinago rin ninyo sa akin ang katotohanan," wika ni Blue kaya napatingin si Tangerine sa kanya. "Hindi ba't sa lahat sa atin, ako ang niloko ninyo? Ako na ama mo at nagpalaki sa 'yo?"

"D-Dad."

"Pero ayaw kong magsayang ng oras dahil kapag pairalin ko ang galit at pagtatampo ko, masasayang lang ang nalalabing oras ko sa mundong ito. Mahirap man pero tinanggap ko ang pagkakamali mo at sinusuportahan kita. Nangyari na ang nangyari. Ang nakatadhana ay mangyayari talaga," sabi ni Blue at naupo sa tabi ng anak saka tinapik ito sa balikat at pinahilig ang ulo sa balikat niya. "Ama mo pa rin ako. Kahit na magkakapamilya na kayo, I have a shoulder to lean on, twenty four seven."

Ipinulupot ni Tangerine ang mga kamay sa bewang ng ama at pinakawalan ang mga luha sa balikat ng ama.

Hinaplos ni Blue ang malambot na buhok ng anak at hinalikan ito sa bumbunan.

"Do you still love him?"

Napapikit si Tangerine bago sumagot. "Y-Yes, I love him. Minsan sa buhay ko, iniisip ko na kung sinabi ko kaya sa kanya ang totoo, panindigan kaya niya ako? Ano kaya ang buhay namin? Kahit na ilang beses ko nang sinabing wala na akong pakialam sa kanya, dumadating pa rin sa buhay ko ang mga what if's ko."

"Hindi mo ba siya mapapatawad?"

"G-Gusto ko siyang patawarin at unawain, Dad. M-Medyo mabigat lang sa dibdib e."

"It's okay."

"Ikaw dad? T-Tingin mo kailangan ko na siyang patawarin?" luhaang tumingala siya sa ama pero nanatiling nakayakap sa bewang nito ang mga kamay niya.

Pinahidan ni Blue ang mga luha ng anak. "Ama mo lang ako at ikaw ang makakasagot ng tanong ko, Tangerine. Ikaw? Kaya mo pa ba?"

"M-Marupok naman po ako eh!" natatawa na naiiyak na sagot niya.

"Just in case na gusto mo siyang kausapin nasa baba lang siya."

"What?" Lumayo siya sa ama para makita ang mukha nito.

"Araw-araw naman pinupuntahan ka niya at dinadalhan ng bulaklak."

"W-Wala akong natatanggap na flowers."

Napatingin siya sa flower vase niya na araw-araw pinapalitan ng katulong ang bulaklak. Napansin niya ang
tangerine rose na akala niya sa hardin nila nanggaling pero naalala niyang wala silang ganoon sa hardin.

"Bakit ba mahilig kayong maglihim sa akin?" inis na sabi niya at tumayo.

"Bakit?"

"Kainis kayo! Hindi nyo talaga ipinapaalam sa akin ang lahat!"

"Akala ko ba ayaw mo nang kausap?" inosenteng tanong ni Blue.

"Sympre gusto ko pa rin na sinusuyo ako!" tumulis ang nguso niya dahil sa pagtatampo sa ama.

My Secret PregnancyOnde histórias criam vida. Descubra agora