chapter 3

3.1K 174 22
                                    




Unedited...

Galit siya kay Rafael! Mula nang umuwi sila ni Sabina, hindi pa niya kinakausap si Mariel. Gusto niyang malaman kung paano nagkita ang mag-ama niya pero hindi pa siya handang marinig ang lahat. Ang daming katanungang bumabagabag sa kanyang isipan pero mas minabuti niyang huwag na muna ngayon lalo na't may sinabi si Rafael tungkol sa kasal. Agad niyang binuhat kahapon si Sabina at dali-daling nilisan ang unit ng kaibigan.

"May bisita ka."

Napalingon siya kay Red na kakabukas ng pintuan. Nasa balkon siya at nagmumuni-muni dito sa likod ng bahay.

"Sino?"

"Si Lolo Skyler."

Napapikit siya. Hindi pa siya handang magpaliwanag sa mga ito lalo na't magulo ang utak niya.

"Pakisabing masakit ang ulo ko, please."

"Tama na ang pagtatago, Tangerine. Pumasok ka na at kausapin mo na sila."

"Kuya..."

"Tapusin mo na ito. Walong taon na ang pagtatago mo kaya panahon nang harapin mo ang problemang ito."

Napasabunot siya sa ulo tapos tumayo.

"I'll talk to them but please support me, Kuya."

"We will," sabi ni Red dahil nasa baba rin si Grey.

Mabibigat ang mga hakbang na ginawa niya habang pababa ng hagdan kasunod ni Red. Gusto sana niyang bumalik nang makita si Rafael pero huli na dahil napalingon na ang mga ito sa kanila.

"Mabuti naman at bumaba ka na," sabi ni Blue sa anak.

"Ginagawa mo rito?" tanong niya kay Rafael na walang pakialam sa ibang tao.

"Gusto ko lang liwanagin ang lahat para sa anak natin," seryosong sagot nito kaya padabog na naupo siya sa harapan nito.

"Ano ba ang paliwanag na kailangan mo? Hindi mo siya anak, period!"

"Hindi ako tanga para paniwalaan ang walang saysay mong kasinungalingan," sagot ni Rafael na napipikon na rin.

"Ano ba kasi ang gusto mo?" bulyaw niya.

"Marriage," diretsahang sagot ni Rafael kaya nakaramdam ng lungkot si Tangerine. Kung dati ay hirap na hirap itong talakayin ang tungkol sa kasal, ngayon parang ang dali lang dito bigkasin ang salitang iyon. Siguro dahil sa anak nila.

"Malaki ang respeto ko sa kasal kaya ayaw kong madaliin ang mga bagay-bagay," sagot niya.

"May anak na kayo!" sabat ni Skyler na salubong ang kilay. "Ano pa ba ang hinahanap mo?"

"Pagmamahal!" prangkang sagot ni Tangerine. "Hindi ako magpapakasal sa taong papakasalan lang ako dahil may anak kami. Ihaharap ko ang lalaki sa harap ng Diyos na alam kong nagmamahalan kami!" Taas noo niyang hinarap si Rafael. "At alam kong hindi ikaw ang taong iyon!" Siya ang may hawak ng patalim pero siya pa rin ang nasusugatan. Masakit lalo na't ito naman ang pinangarap niya noon pa pero kung papakasalan siya nito para sa anak nila, wala ring kwento. "Hindi ba't may girlfriend ka? Nagpapa-change oil pa nga kayo, 'di ba? Bakit hindi na lang sya ang pakasalan mo, tutal siya naman ang dreamgirl mo."

"Magkaibigan lang kami ni Petra," pag-amin ni Rafael. "Sinamahan lang niya akong magpa-change oil tapos wala na."

"Change oil pero buong araw o magdamag?" bulalas niya. "Sana all sinasamahang magpa-change oil."

"Lintik na change oil na 'yan!" sabat ni Skyler. "Ano ba talaga? Magsama na lang kayo sa iisang bubong tapos kapag mag-click kayo, magpakasal na kayo!"

My Secret PregnancyHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin