chapter 2

2.7K 175 14
                                    






Unedited....



Dali-dali niyang kinuha ang kape at mabilisang ininom dahil magkikita sila ni Mariel ngayon dahil sa wedding gown nito. Siya mismo ang tatahi at bibili ng mga gamit dahil nangako siya noon na kapag ikasal ito, aakuin na niya ang wedding gown. Kung ang iba ay nagagawan niya ng damit, si Mariel pa kaya na naging karamay niya sa lahat?

Nagmaneho siya patungo sa apartment nito kasama si Sabina. Tatlong araw nang nakalipas mula nang magkita sila ni Rafael Soriano pero hanggang ngayon, sariwa pa rin sa isipan niya ang mga titig nitong tila nagtutunaw sa kaluluwa niya.

"Mommy? Can I play?" tanong ni Sabina. "With Elzar?" na ang tinutukoy nito ay ang pamangking babae ni Mariel.

"Sure. Basta sa condo lang kayo, okay?" sagot niya pero nasa unahan ang mga mata.

"Yes po!"

Ilang beses niyang gustong kalimutan si Rafael pero paano niya magagawa iyon eh mukha nito ang nakikita niya kapag tingnan niya ang anak.

"I love you, baby," sabi niya para magkaroon ng lakas ng loob.

"I love you too, Mom."

Matapos ang ilang minutong pagmaneho ay nakarating na sila sa condo unit ng kaibigan.

"Hello, is Elzar here?" agad na tanong ni Sabina.

"Sa kabilang unit," sagot ni Mariel.

"Can I go there?" inosenteng tanong ni Sabina.

"Sure. Magpasama ka kay Kakai," sabi ni Mariel na ang tinutukoy ay ang pamangkin. "Kai, samahan mo nga si Sabina sa kabilang unit."

Nang makalabas na ang mga bata, sinukatan na ni Tangerine si Mariel.

"Maglagay ako ng one inch na adjustment ha," sabi ni Tangerine. "Pero kailangang huwag ka nang tumaba."

"Parang mahirap yata 'yan," natatawang sabi ni Mariel na medyo chubby. Sa height na 5'2", 65kgs siya pero magaling naman magdala ng damit.

"True," pagsang-ayon ng dalaga.

"Tse! Buti ka pa nga, payat ka kahit na may anak na," sabi ni Mariel na nainggit kay Tangerine dahil kahit lamon ito nang lamon, hindi pa rin tumataba. Hindi kagaya sa kanya na kapag todo diet ang kailangan para lang pumayat.

Biglang may nag-doorbell kaya sumigaw si Mariel.

"Bukas 'yan!"

"Kailan pala darating ang boyfriend mo?" tanong ni Tangerine. US citizen ang boyfriend nito at may inaayos lang na mga papeles kaya nagpaiwan sa US. Nagkakilala ang dalawa dahil sa business trip ni George sa France kaya nagkita ang dalawa at madalas na nga itong nagbabakasyon sa France dahil kay Mariel.

"Next week na," sagot ni Mariel.

"May damit na—" napatigil si Tangerine nang pumasok si Rafael na may dalang backpack.

"Mabuti at dumating ka. Tamang-tama, nandito si Tangerine kaya magpasukat ka na ng damit mo," sabi ni Mariel kaya napakunot ang noo ni Tangerine.

"Pasukat?"

"Kukunin ko siyang groomsman dahil hindi makakarating ang isang pinsan ni George," sabi ni Mariel.

"Di ba may damit na silang groomsmen?"

"Magpapatahi ako sa kanya dahil sobrang taba ng pinalitan niya," sagot ni Mariel. "Okay lang ba na kunan mo na siya? Ise-send ko na lang sa mananahe ang sukat niya dahil nasa Rizal pa ang mananahi e. Kung okay lang."

My Secret PregnancyWhere stories live. Discover now