9.
Hindi naman kalayuan ang building na pupuntahan niya para isubmit ang proposal sa client nila. 2 building lang ang pagitan ng kliyente nila, at ng building na pinapasukan ni Jordan. Kaya naman hindi na rin siya nahirapang puntahan ang building na iyon.
Agad niyang pinindot ang 15th floor diretso sa engineering department ng Jiro Enterprises, ang bagong kliyente nila. Agad naman niyang nakausap ang consultant engineer na siyang tatanggap ng proposal ng kumpanya nila na siya mismo ang gumawa at bibigyan daw sila ng sagot after 1 week.
Hindi na rin naman siya nagtagal doon. May babalikan pa kasi siyang trabaho at malapit na rin ang lunch time.
Hinihintay niya lang magping ang isa sa mga elevators para makarating na siya sa ground floor at makalabas na ng building.
Ang elevator na tinapatan ni Jordan ang unang tumunog at nagbukas ng pintuan. Nag-angat siya ng tingin dahil may mga sakay ito pero hindi niya inaasahang hindi siya makakakilos agad sa kinatatayuan niya.
Hindi siya maaaring magkamali. Kahit side view lang ang nakita niya noon ay ito ang babaeng sinundan niya sa Starbucks, na may kasamang boyfriend. Hinding-hindi niya makakalimutan ang korte ng ilong nito, at ang kulay ng buhok nitong kulot.
Hinding-hindi niya ito pwedeng kalimutan dahil hindi siya nito tinigilan simula noong makita niya ang dalaga sa coffee shop.
Pinagpahinga lang ang isip niya ng isang araw pero, muli na namang gumugulo sa kanyang isipan ang tungkol sa nakaraan, hanggang ngayon. Dahil sa babaeng ito. At sigurado siyang ito ang babaeng yun na nagpaalala ng lahat sa kanya.
Napahigpit ang hawak niya sa blue folder na dala niya para kahit papaano ay maramdaman ito. Dahil pakiramdam niya ay namanhid ang kanyang buong katawan, lalo na nang magtama na ang kanilang mga paningin.
Ni hindi niya magawang lumunok ng kanyang laway. Literal siyang naparalisa lalo na at parang tumatagos sa bawat pagkatao niya ang tinging ipinupukol ng dalaga sa kanya. Nakita niya ang 3 lalaking nakasuot ng itim na suit na nakapalibot dito pero hindi na niya magawang pansinin ang mga iyon. Tanging sa dalaga lang napako ang kanyang mga mata. At sa sandaling napansin niya at nakita ang pendant ng suot nitong kwintas, doon siya tuluyang nawalan ng hininga. Parang tumigil ang lahat. Tumigil ang pagtibok ng puso ni Jordan, ang pagdaloy ng dugo sa kanyang katawan, at ang pagbibigay ng oxygen sa kanya ng dalawang baga niya.
Halos ikatumba niya ang sobrang pagkagulat at pagkabigla pero, wala siyang masandalan o mahawakan bilang suporta kaya naman tinibayan na lang niya ang nanghihinang mga tuhod.
Imposible.
Pero hindi naman siya bulag at lalong hindi naman siya ulyanin para hindi maalala ang bagay na yon. 5 taon na ang nakakaraan simula nung ibigay niya ang singsing na iyon kay Shin na hindi naman nito tinanggap pero hindi sapat ang tagal ng panahon na yun para makalimutan na niya ang isa sa mga masasakit na nangyari sa nakalipas na limang taon.
Nawala na ang atensyon niya sa babae at tanging sa singsing na hindi nagbago ng kulay napako ang kanyang buong atensyon.
YOU ARE READING
THE ONE That I Will Save (BOOK 2)
RomanceInisip ni Shin ang kapakanan ni Jordan. Pinili niyang iwan ito para sa kanyang kaligtasan. Pinilit na lumimot ni Jordan matapos siyang talikuran at iwan ng babaeng pinakamamahal. Ngunit nang matuklasan niya ang katotohanang pilit na itinago sa kan...