2.
"Uy, pre! Ano daw order mo?... Ano'ng nangyari at parang nakakita ka ng multo?"
At parang doon lang nagising sa katotohanan si Jordan ng tapikin na siya sa balikat ni Carlo.
Agad niya itong nilingon at ilang beses pang kumurap bago muling ibinalik ang atensyon sa cashier.
"1 espresso."
Tumango ang cashier at kinuha rin ang pangalan niya para sa inorder. Narinig niya ang pasasalamat ng security guard sa kung sino'ng lumabas, pero ayaw na niyang abalahin pa ang sarili para tingnan kung sila nga ang lumabas, dahil hanggang ngayon ay kumakabog pa rin ang dibdib niya. At hindi niya alam kung para saan yon. Dahil ba kaboses niya si Shin? Dahil ba magkasing tangos sila ng ilong? O dahil muling nabuhay sa alaala niya ang dalaga?
Pilit niyang iwinaksi ang lahat ng alaalang bumalik patungkol sa kinalimutan niyang minamahal. Pilit niyang kinumbinsi ang sarili na hinding-hindi na niya makikita ang dalaga, at hindi na rin magbabalik pa ang kung ano mang naramdaman niya noon para dito.
"Type mo yung chiks, no? Sinusundan mo ng tingin, eh! Halos ayaw mong tigilan." asar ni Carlo pagkatapos nitong umorder ng kanya.
Hindi niya ito sinagot at sa halip ay iginiya niya si Carlo para maupo sila sa isa sa mga bakanteng upuang laan para sa mga customers.
"Kilala mo ba yun, pare?... Grabe sa kinis ng balat! Ang sarap kurutin!" at natingnan niya ng masama ang parang nanggigigil pa na si Carlo.
"Pwede ba, tumigil ka na." naiinis niyang saway.
Napanguso ang kaibigan. "Ayan ka na naman, eh. Ang bilis na namang magbago ng mood mo! Tss! Ganyan ba kapag nakakita ng maganda? Pero siguradong hindi ka rin naman papansinin nun, dahil kung makabantay yung boyfriend eh, akala mo, gusto na niyang ikulong na lang yung babae. Tsaka may mga body---"
"Ano ba, Carlo?... Ang sabi ko, tumigil ka na. Nakakarindi na yang mga sinasabi mo, eh!" tuluyan na siyang napikon sa kadaldalan ng kaibigan. Agad namang tumahimik si Carlo at umiwas na lang ng tingin sa kanya.
Hindi naman nito kailangang ulit-ulitin pa ang tungkol sa babaeng iyon dahil wala naman talaga siyang pakialam. At gusto na niyang humupa ang pagkabog ng dibdib niya. Gusto na niyang makahinga ng maayos.
Muling inabala ni Jordan ang sarili pagbalik nila sa building ni Carlo. Hindi niya inisip ang nangyari kanina, o ang naramdaman niya kanina. Iwinaksi niya rin ang posibilidad na maaaring si Shin ang babaeng yon. Ilang beses na siyang nakakita ng babaeng may hawig sa kanyang mga mata, sa ilong o sa bibig, ngunit hindi naman siya nakaramdam ng kahit na ano. Hindi naman bumilis ang tibok ng puso niya, at lalong hindi naman siya tinatamaan ng kahit na ano’ng kaba. At ang posibilidad na maaari silang magkita ay ayaw niyang paniwalaan. Ayaw niyang isipin na maaaring malapit lang ang dalaga sa kanya.
Pero ang inaakala ni Jordan na madali niyang paglimot sa nangyari sa Starbucks ay hindi nangyari. Hanggang sa paglabas nila ng building ay hindi siya tinantanan ng alaala ng babaeng iyon. Hindi niya nakalimutan ang hugis ng mata nito, at ang paraan ng pagkakatangos ng kanyang ilong.
BINABASA MO ANG
THE ONE That I Will Save (BOOK 2)
RomanceInisip ni Shin ang kapakanan ni Jordan. Pinili niyang iwan ito para sa kanyang kaligtasan. Pinilit na lumimot ni Jordan matapos siyang talikuran at iwan ng babaeng pinakamamahal. Ngunit nang matuklasan niya ang katotohanang pilit na itinago sa kan...