Chapter 25

4.2K 156 10
                                    

25.



Palugmok siyang naupo sa kama habang bagsak ang kanyang mga balikat. Hindi niya pa rin lubos maisip kung paano'ng nangyari ang lahat ng ito. Kung paano'ng ipinaghahanap na ngayon ni Kei si Jordan. Kung bakit may alam na ang binata tungkol sa lalaking mahal niya.


Dahil kahit hindi nito banggitin kung sino ang tinutukoy nito ay hindi siya maaaring magkamali. Hindi niya pwedeng hindi isipin na si Jordan ang taong pinaghahanap niya ngayon.


Naging maingat naman ako. Sinigurado ko ang lahat... Paano na? Paano na ngayon? 


Alam niyang seryoso si Kei sa desisyong ikulong ulit siya sa kwarto at huwag nang pabalikin sa trabaho. At mukhang wala na siyang pagkakataon para makipag-usap kay Jordan, o kay Paul ng pwede nilang maging plano sa kanyang pagtakas.


Dahil gusto kong bumawi. Gusto kong itama ang pagkakamali ko na gantihan ka. Gusto kong iligtas ka, Shin.

 

Hindi niya sigurado kung kaya niya nga bang magtiwala kay Alvin at sa mga sinabi nito. Noong pinairal niya ang kanyang pagiging makatao at magandang loob, ikinapahamak niya ito. Naaawa siya sa binata ngunit, hindi niya alam kung gugustuhin niya bang muli itong pagkatiwalaan.


Naging myembro din ng Hiragana si Alvin, at wala naman siyang alam sa kung ano ang tunay na tumatakbo sa isipan nito.


Pero paano na ang lahat kung hindi na siya maaaring lumabas? Hindi na niya magagawang makipag-usap kay Jordan sa cellphone? Kung nakakulong na lang siya sa kanyang kwarto hanggang sa ikasal na sila ni Kei?


Humugot siya ng malalim na hininga at nagmulat ng mga mata. Bantay sarado ang mga galaw niya at hindi niya pa rin mahanap hanggang ngayon ang CCTV na ikinabit sa kanyang kwarto.


Isang linggo na lang at ikakasal na ako. Matatali na ako sa pamilyang lubos kong kinamumuhian at hindi sa lalaking, simula pa lamang noong una ay pinangarap ko nang makasama habang buhay. 


Nakaramdam siya nang pagkirot ng dibdib habang iniisip ang malaking posibilidad na iyon. At wala man lang siyang magawa upang pigilan iyon. Dahil simula nang makausap niya ang binata pagkatapos ng limang taon ay nagbago na ang lahat. Noong nahuli siya ng mga Jiro, tinanggap na niya ang katotohanang hindi na siya makakawala sa mga ito habang buhay. Ngunit nang mabigyan siya ng pagkakataon na muling makausap at makita si Jordan ay nabuhayan siya kahit papaano. Nagkaroon ng kaunting pag-asa si Shin na baka may paraan pa para muli silang magkasama gaya ng gusto nitong mangyari.


Ngunit mukhang magiging mas mahirap ngayon. Nawala ang kanyang pag-iisip nang marinig niya ang mabibilis na yabag sa labas ng kanyang kwarto. Tila tumatakbo ang mga tao at mayroong humahabol. 


Napakunot siya ng noo at wala sa loob na napatayo. Nasilip niya ang labas mula sa kanyang transparent fiber glass window at ilan sa mga tauhan ng Jiro ay nagsipasok sa loob ng mansyon.


"Gago! Paano'ng nangyari yun?! Paano'ng hindi niyo alam?!" sigaw ng isang malaking boses.


THE ONE That I Will Save (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon