Chapter V

292 22 8
                                    

"Ano ba naman, Miss!" galit na bulyaw sa akin ng isang customer dito sa club. Napalakas kasi ang pagkakabangga ko sa kanya kanina at muntikan pa siyang matapunan ng hawak kong juice.

"Sorry po.. Sorry." Paulit-ulit kong hingi ng tawad.

Nandito ako ngayon sa isang bar na medyo kilala naman at rumaraket. Wag kayong mag-isip ng ano dyan ha. Waitress lang ako dito. Night-shift ako at every weekend lang ang pasok ko kaya naman every weekdays pagbebenta lang ng kung ano-ano ang raket ko. At isa pa, disco bar 'to. Yung maiingay at puro nagsasayawan hindi yung bar na may mga babaeng hubo't hubad na nagsasayaw sa harap. Pero meron mangilan-ngilan din na nagaganap na di kaayaya dito... Ibang klase parin kasi pagnalalasing ang mga tao. 

Wala ako sa focus ngayon dahil namomroblema ako kung saang lupaplop ako kukuha nang pambayad sa tinitirahan ko.

Kung nagbayad lang kasi ang bwisit na 'yon, wala sana akong problema ngayon. Ano ba naman yung presyo nang mga paninda ko? Hindi naman makakabawas siguro yun sa yaman niya kung babayaran niya di ba?!

Kapag naiisip kong mapapalayas ako mamaya, hindi ko mapigilang hindi maiyak. Wala na akong maisip na paraan para makabayad...

Malamang pagkauwi ko nandoon na si Aling Hulyana sa tapat ng bahay. Hindi ako makakatakas sa kanya...

Pinuno ko ng hangin ang dibdib ko at napa 'Hayyyy...' na lang.

Sinubukan kong ibalik ang atensyon ko sa trabaho. Baka kasi pati ito, mawala pa sa akin.

Jusko naman kasi Lord! Sunod-sunod nyo naman akong kinuhaan. Una si Sam, tapos yung first kiss ko, at ngayon yung bahay... Ano na lang matitira sa akin?

Kasalukuyan akong nagpupunas ng table sa sulok nang...

"Miss, pwede ka bang i-table?" nagulat ako nang may biglang humawak sa braso ko.

Sunod-sunod na iling ang sagot ko at sinimulang kabahan. Pero hindi pa rin niya ako binibitawan.

"W-waitress lang po ako dito." 

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Apr 10, 2015 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

i met her again || kathnielDonde viven las historias. Descúbrelo ahora