Chapter III

610 29 5
                                    

Nagising ako nang maramdaman ko ang mainit na sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Ang bigat ng pakiramdam ko at ang sakit din ng ulo ko...

Ang bango.

Nilanghap ko pa ang amoy na 'yon habang dahan-dahang minulat ang mata ko. Tumambad sa harap ko ang isang babae. Yakap ko siya ng sobrang higpit. Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakayuko siyang natutulog. Napabangon agad ako. Mali 'to. May asawa na akong tao at ngayon nagtataksil ako.

Gumalaw ng marahan ang babae at nagunat-unat  bago tumingala sakin... Nagtama agad ang tingin namin... Ang mga matang yan... Ang mukha niya.

Kathryn...?

Biglang may pumiga sa dibdib ko. Pinaglalaruan ba ako ng paningin ko? Hindi nakakatuwa.

Pumikit-pikit ako ng ilang ulit sa pagbabakasakaling niloloko lang ako ng paningin ko at dala lang 'to ng kalasingan ko kagabi. Pero kahit anung ulit pa akong pumikit hindi talaga nawawala ang mukha ng asawa ko sa harap ko ngayon.

"K-Kath?" kunot noong binanggit ko ang pangalang tumatakbo sa utak ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko at hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon...

Kumunot noo din siya at parang sumusuko ang itsura. Napailing pa siya bago bumangon at umupo sa tapat ko at humalukipkip.

"Ang kulit din ng lahi mo no? Hindi nga Kath ang pangalan ko." naiinis na sabi niya.

Yung boses niya... Ang tagal ko nang hindi naririnig yun... 

Nanatili lang akong nakatingin sa kanya. Hindi ko alam kung anong gagawin ko o kung anong sasabihin... 

"Ilang beses ko na 'tong sinabi kagabi pero sige, uulitin ko ulit... CHANDRIA ang pangalan ko. Hindi Kathryn o kung sino pa yan. CHANDRIA Ok?" dahan-dahan at madiing sabi niya sakin.

Napahawak ako sa ulo ko. Hindi ako makapag-isip ng maayos. Naguguluhan ako...

"H-hoy, saan ka pupunta? Uuwi ka na?" tanong niya nang bigla akong tumayo at naglakad palayo doon. 

Huminto ako at tinignan siya na nakaupo na sa kama at nakakunot ang noong nakatingin din sakin.

"O-oh. Bakit huminto ka pa? Alis na." ikinumpas niya pa ang kamay niya na parang nagtataboy at nginuso yung pintong nasa likod ko.

Gusto ko nang umalis dito, maniwala ka. Pero habang naglalakad ako palayo kanina, pakiramdam ko nilalayuan ko lang ang asawa ko.

Napayuko na lang ako. Ano bang gagawin ko?

Imposibleng siya si Kathryn. Nakita kong inililibing ang asawa ko...

Tinignan ko ulit siya... Nanlalabo na ang mata ko. Alam kong hindi magtatagal, iiyak na ako. Bakit ba kasi nangyayari 'to? 

Tumayo na siya at naglakad papunta sa harap ko. Medyo malayo ang kinatatayuan niya.

"Alam mo mister, kung hindi ka naniniwala sakin, may birth certificate ako dyan. Gusto mo ipakita ko pa sayo?" nagsimula ulit siyang maglakad pero pinigilan ko na.

Napabuntong hininga siya.

"Baka kamukha ko lang yang sinasabi mo... Alam mo kasi, minsan hindi talaga maiiwasang may kamukha ka." paliwanag niya.

Lahat ng gawin niya, si Kathryn ang nakikita ko. Kahit saang anggulo nang mukha niya, nang katawan niya... Si Kathryn.

"Sa dami ng tao sa mundo, baka wala nang maisip ang panginoon na itsura kaya dinuplicate na lang niya."

Hindi kaya nasisiraan na ako ng bait? Sa sobrang sakit na nararamdaman ko sa pagkawala niya ganito naging epekto sakin...

Akala ko Ok na ako dahil matagal na panahon na ang nakakalipas... Hindi pa pala.

"Huy. Ok ka lang?" pumitik siya sa harap ko. Medyo malapit na siya ngayon sakin.

"Uwi ka na kaya." dagdag niya.

Huli na nang maisip ko kung ano ginawa ko. Pumulupot na ang kamay ko sa bewang niya at mahigpit na yumakap sa kanya. Lahat. Lahat-lahat sa kanya bakit si Kathryn ang nakikita ko?!

"AYAN KA NA NAMAN! SABI NA EH DAPAT HINDI NA AKO LUMAPIT EH!" inis at nagpupumiglas siya habang sumisigaw.

"ANO BA?! KAKASUHAN NA TALAGA KITA NANG HARAS-"

"Sandali lang..." bulong ko sa tenga niya. Saka, inilubong ang mukha ko sa leeg niya at nilanghap ang amoy niya...

Nang bigla kong maisip ang mukha nang asawa ko habang nakangiti, para akong biglang napaso. Mabilis din akong lumayo sa kanya at lumabas nang bahay niya. Kailangan kong makalayo. Kailangan kong mag-isip!

XOXO MOONLIGHTFIREFLIES XOXO

Sa totoo lang, hindi ko na alam gagawin ko dito. Nawala yung plot nito sa utak ko.

i met her again || kathnielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon