Eleven

55 2 0
                                    

"Bah ako na kasi dyan. Bakit ba ang kulit-kulit mo?" Naiinis na sabi ni Kelvin kay Mikee.

Nasa gitna sila ngayon ng taniman ng pamilya ni Mikee. Ngayon kasi ang anihan ng ilan gulay na idedeliver ng kuya at tatay ni Mikee sa palengke. Kaya naman maagang nagising ang buong pamilya para maghanda sa kanilang aanihin mga gulay.

Simula pa kanina ay nagtatalo na si Kelvin at Mikee. Pilit kasi na inaagaw ni Kelvin ang basket na bitbit ni Mikee na paglalagyan ng gulay. Pinipilit nya itong maupo nalang sa may kubo na madalas nilang pagtambayan noon pa. Inaalala nya kasi na baka mapagod si Mikee at atakihin na naman ito.

"Ayos nga lang ako Bah. Matagal ko ng ginagawa ito tuwing nagbabakasyon tayo di ba?" Pangangatwiran naman ni Mikee.

"Oo nga pero Bah, iba na ang sitwasyon ngayon. Di ba nga umuwi tayo dito para magpahinga at magpalakas ka?" Sagot naman ni Kelvin at muling inaagaw ang basket na bitbit ni Mikee.

Ramdam na ni Mikee ang frustration ni Kelvin kaya naman sumusuko nyang ibinigay ang basket na kanina pa nito kinukuha. Pero bago pa man nya ito maabot ng tuluyan ay may naisip na naman sya. "Okay sige ibibigay ko 'to pero papayagan mo akong tulungan kita?" Kondisyon nya sa binata.

Napaisip ng saglit si Kelvin kung papayagan nya ba ang gusto ni Mikee. Isang hingang malalim at tahimik na napatango nalang si Kelvin. Naisip nya rin kasi na baka mag tampo na naman sa kanya ang dalaga.

Napangiti naman si Mikee sa pag payag ni Kelvin kaya naman masayang masaya sya. Nag tulungan sila sa pagpitas at pagkuha ng mga gulay na aanihin nila. Maya't maya rin ang pagtatanong ni Kelvin kay Mikee kung ayos lang ba ang dalaga at kung may masakit ba itong nararamdaman. Ngunit laging pag-iling at pag ngiti lang ang isinasagot ni Mikee kay Kelvin.

Magtatanghalian ng matapos nila ang pag-aani. Sabay-sabay silang lahat na pumunta sa kubo at nag pahinga habang inaantay ang ina ni Mikee at ang bunso nilang si Althea. Sila kasi ang nakatoka sa pagluluto.

Tila bodyguard at personal assistant naman ni Mikee si Kelvin. May dala kasi itong bag kanina pag punta nila sa taniman. Naroon kasi ang inhaler, tubig, towel na pamunas ng pawis at pamalit damit ni Mikee kung sakali na mabasa ito sa pawis. Sinisiguro kasi nyang di ito matutuyuan ng pawis.

"Naku, kaswerte mo talaga dyan kay bayaw, Mikee." Hirit ng kuya ni Mikee na si Benedict ng makita nito kung paano alagaan ng binata ang kanyang kapatid. "Malas mo pag pinakawalan mo pa yan." Dagdag pa nito.

Napapangiti naman si Kelvin sa mga sinabi ng kuya ni Mikee. Di naman mapigilan ni Mikee ang mamula sa hirit ng kuya nya. Kaya naman idinaan nalang nya sa kunwaring pagsusungit sa kanyang kuya.

"Mga anak? Umamin nga kayo. Ilan araw ko ng napapansin at ng nanay nyo. Talaga ba'ng magkaibigan lang kayo. Kasi base sa nakikita ko, ehh parang may kailangan na kayong ipaliwanag at aminin sa amin." Biglang tanong ng ama ni Mikee.

"Tay." Saway ni Mikee sa kanyang ama. Tila mas lalo naman syang nakaramdam ng hiya sa tanong na iyon ng kanyang ama.

Napatawa naman ng malakas si Benedict sa naging itsura ni Mikee at ni Kelvin ng tanungin iyon ng ama nila.

Si Kelvin naman ay napasmirk nalang at iiling-iling upang pag takpan ang kanyang pamumula sa tanong ng ama ni Mikee. It's so awkward moment para kay Kelvin.

Naagaw ni Althea ang atensyon nilang lahat ng pasigaw nitong tawagin silang lahat. Ipinaalam nya kasi na handa na ang pagkain sa kanilang bahay.

Maagang nakatulog si Mikee ng gabing iyon. Tila nakaramdam yata ito ng pagod kaya naman pinagpahinga na nila ito. Pero bago pa man ito maka pasok sa kanyang kwarto ay siniguro muna ni Kelvin na makakainom ito ng gamot.

PangHabangBuhayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon