Twenty Six

58 3 0
                                    

Mikee was busy preparing the ingredients na kakailanganin nya para sa lulutuin nyang ulam para kay Kelvin. Balak nya itong isurprise sa paghatid nya ng tanghalian nito sa trabaho. Madalas kasi na hilingin sa kanya ni Kelvin na dalawin nya ito sa bago nitong project. Di na daw kasi sila nagkakasabay na kumain ng lunch dahil lagi ng busy ang kanyang boyfriend.





Di naman maiwasan ni Mikee na mapangiti tuwing naiisip nya na boyfriend na nya si Kelvin ngayon. Parang kailan lang kasi ay bestfriend lang ang papel nya sa buhay ng binata. Minsan nga ay naninibago pa sya tuwing tinatawag sya ni Kelvin na babe. Yun daw kasi ang gusto ni Kelvin na endearment nila. Mas naging extra sweet din si Kelvin sa kanya ngayon. Kung dati kasi ay maalaga na ito sa kanya, ngayon ay mas naging doble ang pag-aalaga nito sa kanya at pagiging sweet din.





Araw-araw din syang nakakatanggap ng bulaklak mula sa kanyang nobyo. Lagi sya nitong dinadaanan sa kanyang apartment bago ito pumasok sa trabaho at may dala lagi na bulaklak.




Lumipat na kasi sya sa kanyang apartment, days after maging official boyfriend na nya si Kelvin. Para kasi sa kanya ay pangit naman tingnan kung magkasama pa rin sila sa iisang bahay ngayon boyfriend na nya ito. Pumayag naman si Kelvin na lumipat sya sa kanyang apartment pero sa isang kondisyon. Kailangan may makasama sya sa kanyang apartment dahil ayaw ng binata na mag-isa lamang sya na naroon. Kaya naman pinakiusapan ni Kelvin si Kate na doon na tumira kay Mikee. Para lang sigurado sya na may makakasama ito. Agad naman pumayag si Kate dahil gusto na rin nito na matutong bumukod sa kanyang mga magulang.






"Hmmmm.....ang bango naman nyan friend. For sure ang sarap nyan." Bungad ni Kate ng maamoy nito ang kanyang niluluto.





"Talaga ba? Tingin mo magugustuhan ni Kelvin to?" Nakangiting tanong ni Mikee kay Kate.




"Naku di lang magugustuhan friend. For sure lalo maiintove sayo yun." Pataas-taas pa ng kilay na sabi ni Kate.





Di naman maiwasan matuwa ni Mikee. Sa isip nya, sana nga ay magustuhan ni Kelvin ang niluto nya.





Palabas na Kate ng kusina para iwan muna si Mikee ng may maalala sya. "Friend, baka naman pwede ako makahingi nyan?"




Natatawang napailing nalang si Mikee. "Don't worry. Bubukuran kita. Para naman may ulamin ka na mamaya after mo maglaba."





"Yun ohh! Kaya swerte ko talaga na ikaw ang housemate ko ehh." Natatawang biro ni Kate kay Mikee.




"Ewan ko sayo friend." Natatawang sabi nalang ni Mikee.





Araw kasi ng sabado ngayon kaya nasa bahay lang si Kate kasama nya. Dapat talaga ay mamayang gabi sila magkikita ni Kelvin para sa dinner date daw nila pero naisipan na nyang isurprise ito ngayon. First time din nyang pupuntahan ito sa bago nitong project. Kinuntsaba na rin nya si Justine tungkol sa pagpunta nya site ng project ng mga ito.





Aaminin nyang medyo may kaba syang nararamdaman dahil alam nyang di malabo na magkita sila doon ni Angel. Sabagay alam nyang di maiiwasan yun. Isa pa ay ito ang may-ari ng kompanya ng bagong project ni Kelvin. Iniisip nya nalang na iiwasan nya nalang ang ex-girlfriend ng kanyang boyfriend para maiwasan din ang issue. Ayaw din nya ng gulo hangga't maaari.





After matapos makapagluto ay sinimulan naman nyang ayusan ang kanyang sarili. Simpleng damit na babagay sa isang construction site ang kanyang sinuot. She wear white sneakers. Mas komportable kasi sya na suotin ito. Nag lagay din sya ng light make-up and red lipstick. Medyo napapansin nya rin kasi na parang maputla ang kanyang mga labi lately. Kaya mas pinili nya na mag red lipstick nalang.





PangHabangBuhayWhere stories live. Discover now