Eighteen

61 3 1
                                    

Abala si Mikee sa pag iimpake ng kanyang mga damit na dadalhin nya bukas para sa pagbalik nya ng Manila with Kelvin. Aminado sya na nahirapan syang makatulog kagabi after Kelvin tell her about Angel. Nag aalangan din syang pumayag sa offer ni Kelvin na isama sya nito pabalik ng Maynila pero she had no choice, she know how Kelvin need her presence right now. Isa pa ay kailangan nya din makipagkita kay Dra. Kylie para sa monthly check-up nya. Yun nalang din ang idinahilan nila ni Kelvin sa pamilya nya kung bakit kailangan nyang bumalik ng Maynila pansamantala.

Panay ang buntong hininga nya at tila iniisip ang pwedeng mangyari sa muli nilang pagkikita ni Angel kung sakali. Kaya naman di na nya namalayan ang pag pasok ni Kelvin sa loob ng kanyang kwarto. Tumabi ito sa kanya at niyakap sya mula sa likod.

"Salamat." Maikling sabi ni Kelvin habang yakap si Mikee.

Nagtatakang hinarap naman ni Mikee si Kelvin. "Para saan?"

"Para sa pag payag na sumama sa akin pabalik ng Manila. I know, na hindi ito madali sayo Bah. She's a nightmare right?" Tukoy ni Kelvin kay Angel.

Dinala ni Mikee ang kanyang kamay sa pisngi ni Kelvin at mariin itong tinitigan. "Tulad ng sabi ko kagabi Bah, it's already in the past. Naging maayos naman na tayo after what she did to our friendship back then. Mas naging mas matibay pa nga di ba?" Nakangiti nyang sabi sa binata.

Ayaw ipakita ni Mikee kay Kelvin ang pag-aalangan na kanyang nararamdaman dahil ayaw nyang makadagdag pa ito sa mga isipin ni Kelvin. Alam nyang napepressure ito ngayon lalo pa at hindi lang basta isang simpleng kliyente ang makakatrabaho nito. Gusto nyang iparamdam sa binata na handa sya sa anu man pwedeng mangyari once na magkita sila ulit ni Angel.

Kinuha ni Kelvin ang kamay ni Mikee na nasa kanyang pisngi at dinala ito sa kanyang mga labi para halikan. Nasa ganun posisyon sila ng pumasok si Althea kaya naman dali-daling hinila ni Mikee ang kanyang kamay mula sa pagkakahawak ni Kelvin.

"Ate." Abot tengang ngiti ni Althea sa pagtawag sa kanyang ate Mikee. Agad naman syang nagtaka kung bakit parang gulat na gulat ito sa kanyang pagpasok. Saka lang nya napansin na kasama ng kanyang ate si Kelvin.

"Ayy sorry po. Mukhang may pinag-uusapan kayo ni kuya Kelvin." Paghingi nya ng paumanhin sa dalawa.

"Hindi. Ayos lang Althea. Ahm.....palabas na rin naman ako." Biglang sabi ni Kelvin at nag simula ng tumayo para lumabas sa kwarto.

"Teka lang, ano ba kasi kailangan mo Althea at parang natataranta ka?" Curious na tanong ni Mikee.

Hindi na napigilan ni Althea ang kiligin ng maalala kung bakit nga ba nya tinatawag ang kanyang ate. "Naku yun na nga ate. May nag hahanap sayo sa labas."

"Sino?" Nakasimangot na tanong ni Kelvin.

"Yung sikat na vlogger kuya. Yung si Paul Salas. Sabi ko na ehh, type ka nun ate." Kinikilig na hirit ni Althea. "Kagabi pa lang iba na yung mga tinginan nya sayo." Dugtong pa nito.

Mas lalo naman napakunot ang noo ni Kelvin sa mga narinig nya mula kay Althea. Si Mikee naman ay agad na hinila si Althea at sinenyasan ito na tumahimik. Agad naman napatakip ng bibig si Althea ng maalala na naroon pa pala si Kelvin.


"Sorry. Hehe labas lang ako ate." Alanganin nyang ngiti at agad na lumabas ng kwarto nila ng kanyang ate Mikee.


Si Kelvin naman ay nakakunot noong nakatingin kay Mikee habang naka pamewang, tila inoobserbahan nito ang reaction ni Mikee. "Yan ba yung humalik sayo kagabi."

Nagkibit balikat lang si Mikee bilang sagot sa tanong ni Kelvin. Alam kasi ng dalaga na hindi na maganda ang mood ni Kelvin. Kagabi pa lang  kasi ay mainit na ang dugo ni Kelvin dun kay Paul.


PangHabangBuhayWhere stories live. Discover now